Chapter 29

40 5 0
                                    

-Aize Point Of View-
"So? Paano tayo aalis ngayon?" basag na boses kong tanong sa kanila.

Lagi na lang ba kaming tatakas? Puro takbo nalang ang ginagawa namin. Wala rin naman kaming choice kung hindi tumakas. Kapag lumaban kami tiyak na talo din kami.

"Where the f*ck our ship?" may diin ang bawat letrang binibigkas ni Art.

Ang kanyang mata ay madidilim na at hindi ko na makilala ang kaniyang boses.

Nasa labas na kami ng palasyo at nasa batuhang bahagi.

"How 'bout our clothes? Gosh, this gown is so heavy!" Zenaida complain using a high tone.

Tiningnan ko siya at tumango-tango

"Hindi na tayo pwedeng bumalik. Baka kung gawin natin 'yon mapansin pa tayo," sabat naman ni Cad.

Napa-face palm ako sa pwedeng mangyari. May chance na makikipaglaban ako ng ganito. 'Yung mga damit nga na galing sa kaharian ng Nieve nadala namin sa labas. Kung lalabas kami panigurado ganito pa rin ang suot namin.

"Cadmus, use your power. We are riding to waves. There's no another way." may otoridad sa boses ni Art habang kumukuha ng mga tabla.

"Dito tayo sasakay," habang tinuturo ang tabla.

Malaki iyon at kakasya naman kaming apat. Ang lahat ng ginagawa naming pag-uusap ay pasigaw. Malakas ang alon, at nagtataglay ito ng ingay. Hindi na ako makasabat sa pinagsasabi nila.

Hindi ako makahinga dahil sa malakas na paghuhuremento ng puso ko.

D*mn, nararamdaman ko lang 'yong ganito kapag nale-late ako ng uwi. Parang akala mo naman may ginagawa kaming masama.

Ang buwan na bilog na bilog sa kalangitan ang tanging ilaw namin sa gabing 'to.

"Kapag umalis tayo? Ano na? Paano 'yong misyon?" sunod-sunod na tanong ni Cadmus.

May ibang way pa ba para makalabas dito? I'm sure that thw mission is one of the way, kaso paano kung dahil do'n mamatay naman kami.

"Tsaka niyo na isipin 'yan kapag naka-alis na tayo," utos ni Art na may buong-buong boses.

Napakunot ako ng noo dahil sa biglaan niyang pagluhod sa mga bato habang nakatapat saakin.

"W-what are you doing A-art?" I mummbled.

Tiningala niya ako at inilahad niya ang kamay niya. Ang isang tuhod niya ay nakaluhod para ipangsuporta sa katawan niya.

"Give me your dagger."

Nanlaki pa ang mata ko sa bigla niyang utos. Sa una ay hindi agad ako nakagalaw, at nang matauhan ay nagkumahog akong pindutin ang kwintas ko.

Nanginginig ang kamay na inabot sakanya ang dagger.

What are you trying to do Art?

Halos mapa-atras ako sa ginawa niya. Maingat niyang hinawakan ang laylayan ng gown ko.

Kaming tatlo ay tutok na tutok sa ginagawa niya.

"What the," pabulong kong singhap.

Ang buong parte kung saan kami nakatayo ay napuno ng tunog ng pagpupunit sa tela. Hawak-hawak ang laylayan ay sinisira ni Art ang gown. Pinuputol niya ito sa maigsing parte. Nang matapos iyon ay hanggang tuhod ko nalang ang haba nito. Binawasan niya rin ang tela ng gown.

Maraming layer ang gown para mag-umbok iyon. Nang tanggalin niya ang iba ay natira nalang ang silk na tela. Nawala ang telang nagtataglay ng glitters at ibang design. Ang gown, ay naging isang simpleng dress. Nawala ang mga abubot na nakapalibot kanina.

Luminus: The Enchanted Book [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon