Chapter 35

40 5 0
                                    

—Aize Point Of View—
Titig na titig ako sa apoy na nasa harapan ko. Walang gustong bumasag sa katahimikan.

"We can do it, right?"

Marahan kong iniangat ang tingin ko kay Art. He's the only one who don't look suffocated. We're tired, we're done to this shit.

Sinubukan pa ni Cadmus pasayahin ang atmosphere kanina, pero noong bumalik si Art ay unti-unting nawala ang mga ito.

Ang kamay ko ay nanlalamig na.

"We can't make it," umiiling na sabi ko.

Sa tingin ko, mamamatay kami sa mundong 'to. Lahat ng bagay walang kasiguraduhan.

"Yeah, tig-iisa na lang ang buhay natin. Wala na tayong laban. Ang kapangyarihan na taglay natin ay kakarampot para lumaban," pag-amin ni Cad.

Ang kanyang boses ay basag na basag na. Halos hindi ko na naintidihan ang iba niyang sinabi dahil pabulong ito. 

Fuck this book, fuck this game, fuck this world, fuck all!

Paano kami makakalabas dito? Masyado na kaming nahihirapan. Kaya pa ba namin? Tingin ko kasi hindi na, maski pag-asa wala na kami.
"Cheer up, guys! Magagawa natin 'to. Kahit alam nating walang-wala na 'wag tayong titigil," nakangiti pero puno ng pighati na sabi ni Zenaida.

She's cheering us, pero alam ko sa loob-loob niya sumusuko na rin siya.

"Be careful, kung mawala ang iisang buhay natin ay hindi na tayo makakalabas," paalala ni Art. Halatang pinipilit niya na lang.

"I don't want to die. Ang malala eh mamamatay tayo sa loob ng laro!" tuluyan na akong bumigay.

My positive mind faded away. Sa panahon na ito, hindi ko na kayang magpanggap na naniniwala akong makalalabas kami sa loob nito.

Muling tumahimik ang lugar. Ramdam ko ang pagsikip ng aking dibdib. Namamanhid na ang buong katawan ko. Sumabay pa ang dibdib ko. Wala na akong maramdaman. This is too much.

Nakatulala lang ako sa kahoy na unti-unting tinutupok ng apoy. Ang mata ko ay unti-unting nabasa. Isang butil ng luha ang tumulo sa aking mga mata.

Madilim, at walang pag-asa. Punong-puno ng paghihinagpis ang mga mukha namin. Malamig na gabi, kasabay ng pagkabigo naming apat.

That's what my dream said. Kung titingnan gan'yan na gan'yan ang itsura namin ngayon. Wala na kaming kakampi. Tapos hindi pa namin sigurado kung sino ang tunay na kalaban.

Hindi ko na napigilan ang mga hikbing lumalabas saakin.

"W-what if, dahil lang sa laro ay hindi t-tayo makalabas?" basag kong tanong sa kanila.

Ang mga luha ko ay nag uunahang lumabas sa aking mata. Una palang, ayoko na dito. Ngayon, wala pa kami sa gitna. I guess, this is just a beggining.

Tumayo si Zenaida at humarap sa amin. Ang kan'yang mukha ay namumula na sa kaiiyak.

"We're not the one whose playing the game. The game is the one whose playing us."

Napa-angat ako ng tingin sa nagsasalitang si Zenaida. Basag na basag na siya. Ang kaniyang mga mata ay punong-puno ng takot. Pabagsak siyang umupo at nang pagka-upo niya ay sunod-sunod ang hagulgol na pinakawalan niya.

Reality hits me hard. This is foul! The game changed while we're still playing it.

Ang kabuuhan ng gubat ay umingay, tanging rinig lang ay ang mga hikbi namin. Si Art na akala mo ay matapang, pansin ko kung paano lumandas ang luha niya. Ganoon din si Cadmus na nagtatago na ng mukha.

Luminus: The Enchanted Book [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon