Chapter 6

70 6 0
                                    

—Aize Point Of View—
"A-ano na? Patay na ba talaga s-siya?!" I nervously said.

Zenaida literaly vanished infront of us.

"Itong part na 'to ang hindi napaliwanag sa atin ng maayos," nanlulumo na bulong ni Cadmus.

Unti-unti ay bumagsak ako sa semento. N-no, masyadong mabilis ang pangyayari. Dahan-dahan kong idinako ang tingin ko kay Art na nakatahimik lang sa gilid.

He's sad, I can see that. Hindi man lumuluha ang mata niya, ngunit kitang-kita 'yon sa malalim niyang mata.

"G-guys, stop it. K-kailangan nating kumilos. Baka lahat pa tayo ay mamatay kung tutunganga lang tayo," sambit ko at tumayo mula sa pagkasalampak sa sahig.

We can do this. I know! Natatakot ako, pero ayokong maging duwag.

"Aize is right. In this game we don't have a time to mourn someone ," madiin na sabi ni Art.

Mayamaya na lang ay nasa harapan na siya ng pintuan. I don't know, pero umiba ang aura. Masyadong mabigat ang nararamdaman ko, at parang mamayamaya lang ay may kakasagupain na naman kaming panganib.

Kasabay nang paglamon ng tahimik sa buong lugar, ay wala paring tigil ang pagpatak ng tubig na nanggagaling sa taas ng bubong na bumabagsak naman sa tubig na tinatapakan namin. Tanging iyon ang dahilan kung bakit mas lalo akong natatakot.

"Paano tayo makakapunta do'n?" tanong ni Cadmus at tinuro ang box na nasa dulo.

Kagaya nila ay ginaya ko rin ang ginagawa nila.

Actually I don't know what I am doing here.

"Look, nasa taas nanggagaling ang mga pana. Once na may matapakan tayong mali, it's over," umiiling na giit ko.

Wala ring madadaanan sa gilid.

"Yeah, hindi pantay ang ibang bato at naka-angat," Art frowned.

"At kung matapakan natin 'yan, mamamatay tayo," Cadmus added.

His jaw tightened.

"Then, let's try," paghahamon na sabi ni Art.

Walang pagdadalawang isip akong umabante papunta sa pinakapinto, "Ako na muna."

Bigla naman silang humarap sa akin. Nagsasalubong ang kilay ni Art, habang si Cadmus naman ay nakakunot ang noo.

Nakalimutan kong kaya ko pa lang maramdaman ang panganib. I don't know kung ang kapangyarihan ko ba ay ang maramdaman ang hinaharap o panganib. I don't know how, kanina ay halos wala namang nangyaring iba. I didn't feel anything.

"Don't worry guys, kaya ko 'to. I mean, I can feel the future!" masigla kong sabi sakanila.

"Sisiw l-lang to!" I titter.

F*ck, wala akong maramdaman. Scam ata 'yong sinasabi ng kwintas, eh. I can sense the danger? Oh, fuck them. I can only sense nothing.

"Are you sure?" Art gently asked me. May bahid pa rin ng pagdiin ang mga salita niya.

Tumango ako ng marahan. Nasa gilid ko silang dalawa, at parang ina-abangan ang una kong magiging hakbang.

Actually medyo halata ang ibang bato na naka-angat, yun nga lang ay madilim. Nanginginig kong tinapak ang paa ko papasok sa loob.

Nang tuluyan na akong makapasok ay naramdaman ko na ang tambol sa aking dibdib. Kasabay pa nito ang panginginig ng buong  kong katawan.

Agad kong iniangat ang paa ko nang malaman ko ang dapat kong gawin. It's working! Kung mali ang tatapakan ko ay lalong kumakalabog ang dibdib ko, pero kung tama ay hindi ako lalong kakabahan. But, may problema lang, I'm freaking nervous! Hindi ko ma-sense ng maayos.

Luminus: The Enchanted Book [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon