—Aize Point Of View—
Nanghihina akong napahawak sa braso ni Art.Tapos na? Totoo na 'to?
Ang luha na nasa aking pisnge ay parang kusang natuyo.
Nagliwanag ang buong lugar, at umaliwalas. Mariin akong napapikit at nilibot ang aking paningin sa kabuuan ng lugar.
Lutang pa rin ang aking pag-iisip. Parang masyadong mabilis ang nangyari, hindi ko lahat nasundan.
Mula sa kinatatayuan namin ay tanging makikita ay ang malulusog na damo. Ang mga puno ay nawala na. Maski ang kastilyo at iba pa.
"Inyong basahin ito. Sabay-sabay, nang sagayon ay tuluyan na kayong makalabas."
Napa-angat ako ng tingin sa lalaking nasa harapan namin. Nanghihina na siya. Ang ilang parte sa katawan niya ay unti-unti na ring naglalaho. Si Leon ang huling pinagkatiwalaan ni Alexandre para ihatid kami palabas.
Ngayon ay makakalabas na kami. Ang tanging inaasam namin sa unang pasok pa lang namin. Ang mga ala-alang nanunumbalik sa akin, parang kahapon lang. Parang kahapon ay panay ang reklamo namin, ngayon nandirito na kami.
Ang akala ko ay tuluyan na kaming hindi makakalabas, akala ko wala ng pag-asa. Kung pagsasamahin ang mga akala ko, maski ako ay matatakot sa iniisip ko. Hindi ko inaakalang ganoon ako mawawalan ng pag-asa.
I almost surrender my whole life.
Kasabay nang pag-abot niya sa amin ng isang envelope, tuluyan na siyang naglaho. Kaming apat ay magkakahawak kamay, habang pinapanood na tangayin ng hangin ang abo ni Leon.
Ang mga mahihinang paghikbi na lang ni Zenaida ang tanging naririnig namin.
Ang eclipse na sinasabi at nagaganap kanina, biglang nawala. Tanging kaming apat ang nandidito, wala ng iba.
Si Art ang unang bumitaw sa pagyayakapan. Nasa sa kanya ang envelope at siya ang unang bumukas nito.
Hanggang ngayon, hindi ako makapaniwalang nandirito si Art. Patuloy niya kaming ginagabayan. Sa oras na hinang-hina kami, nandadyan siya at handang umalalay saamin.
"Team Alpas, this is the last step," paos na sambit ni Art at binuklat sa amin ang envelope.
Naroon ang isang sulat. Sulat na magdadala sa amin pa labas. Gustong-gusto kong lumabas, pero ngayon ko lang naisip, paano 'yong iba? Ang nangyari ay namatay ang lahat para sa kaligtasan naming apat.
"Papaano sila?" wala sa sarili kong sambit.
Ang kanilang mga atensyon ay nalipat sa akin. Akala ko ay bibigyan nila ako ng mapanuring mata, pero hindi.
"Patay na talaga sila?" dagdag pa ni Zenaida.
Nakita ko kung paano bumagsak ang mga mata ni Art sa amin. Ang kanyang blangkong ekspresyon ay nakita ko kung paano lumambot.
Lumapit siya sa aming dalawa ni Zen na ngayon ay magkatabi. He gently tapped our shoulder, then after that he stepped backward.
"I can't do anything about that. Leaving this place is their only one wish. Team Alpas, I think we should fulfill that," banayad niyang sagot sa mga katanungan namin.
Ang kanyang boses ay mahina, pero damang-dama mo ang pagkabanayad no'n. Ang tono ng bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay humahaplos sa aking puso. Parang ginagamit niya ang tono ng boses niya para patahanin ang umiiyak naming puso.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matitigan sa mata si Art. Nahihiya ako. Parang pakiramdam ko kapag nagtatama ang mata namin, ay manliliit ako. Nahihiya ako sa katotohanang wala akong nagawa sa grupong ito.
BINABASA MO ANG
Luminus: The Enchanted Book [COMPLETED]
FantasyMaligayang pagdating sa Luminus. Ang Luminus ay isang laro. Laro na kung saan ay napapaloob sa libro. Punung-puno ng mahika, kapahamakan at kasamaan. Isang panibagong mundo, na walang sino man ang gustong pumasok. Apat na kahariha'y nasa iisang libr...