Chapter 19

58 4 0
                                    

-Aize Point Of View-
Tahimik kaming naka-upo sa sofa nila habang nakatingin lang sa lalaking nasa pinaka harapan namin.

Ang lahat ng nandirito ay cristal. Maski ang mga gamit.

"Ako nga pala haring Conostacio, ang hari sa kahariang Nieve. May gusto ba kayo? Aking ibibigay, maging maayos lang ang pakiramdam niyo rito," nakangiti niyang salubong sa amin.

Puting-puti siya. Ang kanyang buhok, kilay at maski ang buo niyang katawan. Kaso ang mukha niya ay napupuno ng freckles. Parang nawalan din ng silbi ang pagkaputi ng mukha niya dahil natatabunan ito ng freckles.

Matangos ang kanyang ilong at halata na ang katandaan dahil sa pagkulubot ng balat.

"Ito na nga pala ang kristal na hinahanap niyo," nakangiting sabi at inilapag sa harapan namin ang isang kristal na kulay light blue.

"Kayo'y pagod ba? Ako'y may inihandang silid para sa inyo. Bukas na kayo magtungo sa kaharian ng Aqua, magpalipas na kayo. Hindi ba kayo nagugutom? Marami kaming pagkain." sunod-sunod niyang tanong sa amin.

Nanlaki naman ang mata ko at simpleng napangiti. Woah, concern na concern, ah? Ganyan din ba 'yung ipapakita ng ibang reyna at hari?

"Naku, hindi na. Magpapahinga na lang kami at magpapatuloy na sa paglalakbay bukas," tanggi ni Cadmus at tumayo.

Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin mabitawan ang kamay ni Zenaida. Ayos na ba sila? Kung hindi kasi paniguradong aalisin ni Zen 'yon.

"O siya, ihatid niyo na sila sa kanilang silid," utos niya sa mga taga paglingkod at tumayo na rin.

Hinila ko si Art pagkatayong pagkatayo ko. Parang hindi naman to nilalagnat eh! Mainit lang siya, 'yun lang. Hindi man lang manghihina.

"Magandang gabi," bati ng hari at saka kami iniwan.

Tinatungan namin ito bilang sagot at saka tuluyan ng pumunta sa kwarto.

"I think, magkakaparehas lang lahat ng kastilo sa bawat kaharian?" takhang tanong ko habang sinusuri ang nilalakadan namin.

Hindi sila sumagot at tiningnan din ang tinutukoy ko. Ang tanging pinagkaiba lang sa bawat kaharian ay 'yung kulay.

Woah, maski 'yung pwesto ng bawat kwarto.

"Aize, tabi tayo?" bulong sa akin ni Zen pagpasok na pagpasok namin sa kwarto.

Tumango ako at nginitian siya.

"Kuya Max, magpahinga ka, ha!" natatawang giit ni Zen.

Dire-diretso siya sa kamang malapit sa kanya at tipid na tinanguan si Zen.Tingnan mo to, parang ewan lang.

Nang dumaan ako sa kama niya ay napahinto ako.

"Tara na Aize," bulong ni Zen atsaka ako hinila.

"Haha, ano bang meron at gustong gusto mong tumabi sa akin?" natatawang tanong ko atsaka binagsak ang katawan sa kama.

Pagkalapat na pagkalapat ng likuran ko sa malambot na matres ay ginhawa ang unang sumalubong saakin.

I miss this. 'Yung walang pinoproblema pag-uwi ng bahay. Pagkatapos kain, didiretso sa kama.

"Ayokong matulog, eh," bulong niya pa.

Eto na naman tayo. Nung nakaraan nga pagkabalik namin sa kwarto mas nauna pa siyang nakatulog sa akin.

Napansin ko naman na napagawi ng tingin sa amin si Cad kahit na nakahiga na.

Ang kama ni Cadmus ay nasa paanan lang namin. At sa gilid naman ni Cad ang kama ni Art.

Luminus: The Enchanted Book [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon