-Aize Point Of View-
Nang tuluyan kaming maka-alis sa mga halaman na 'yon ay ibinaba na ako ni Art.Medyo umayos na rin ang pakiramdam ko at wala na akong nararamdamang kahit anong kirot.
"Ayos ka na ba talaga Aize?" tanong ni Cadmus na tinanguan ko lang.
"But, you're namumutla!" reklamo pa ni Zenaida habang tuloy ang pagtingin sa katawan ko.
Ginantihan ko na lang sila ng ngiti para tumigil na. Maski ako hindi ko alam kung ano ang nangyari kanina.
Padabog na lumapit sa amin si Art. Kunot noo niya akong sinalubong ng mga tingin niya, pero iba ang nakikita ko sa mata niya. Madidiin ang mga yapak na pinakawalqn niya.
"What the hell happened—"
Fuck!
Hindi natuloy ang sinasabi ni Art at lumingon sa kung saan kami galing kanina.
"Omg, who's that?" bakas sa mukha ni Zenaida ang pagkatakot.
Ang lalaking nasa harapan namin ay dahan-dahang humahakbang papalapit sa amin, pero malayo pa siya. Naramdaman kong nag-uumpisa na namang tumibok ng mabilis ang puso ko at nanginginig na rin ang kamay ko.
"Shet, ano na naman 'to?" tanong ni Cadmus at pinindot ang La Luna Nior ng dalawang beses.
Ginaya ko siya at inihanda ang dagger ko. Okey, kunware marunong. Kung mapapasugod man kami, aish, bahala na. Hindi ko nga alam kung anong gagawin dito. Ihahagis ko ba o ipapanaksak lang? I mean, may ibang kutsilyo na ginawa talaga para ihagis.
Ang mga butil ng pawis sa aking noo ay nag-umpisa na namang magsilabasan. Ang aming mga galaw ay hindi ko na matunugan.
"We s-should leave," nanginginig na bulong ko sa kanila habang patuloy parin sa pag-atras.
Ang lalaking hindi pamilyar sa akin ay hindi pa rin tumitigil sa ginagawang paghakbang. Namayani sa aming apat ang katahimikan animo'y binabantayan ang bawat galaw ng lalaking nasa harap. Mabagal at may bigat ang ginagawa niyang hakbang. Sa bawat hakbang ay rinig na rinig ang tunog ng sapatos na tumatama sa putikan. Nanlilisik ang kan'yang mata na sinasalubong aming mga mata.
Mahaba ang kaniyang buhok at kulay puti na ito. Habang ang kanyang mga damit ay gutay-gutay na.
F*ck? Bakit hindi ako nakakaramdam ng kahit ano? As in, kahit 'yung pwedeng mangyari sa future wala. Natatakot ako at kinakabahan, pero 'yong kaba na nararamdaman ko kapag nasa panganib kami wala man lang!
"Zen, mauna ka. Dahan-dahan ang paghakbang, kung tatakbo tayo ay pwedeng humabol din siya. Mauna kayo Aize," may otoridad na utos ni Art.
Napalunok ako habang nakatingin pa rin sa lalaking naglalakad.
The heck, sino ba siya?
Maingat kong inihakbang ang paa ko at nanatiling alertado. Ramdam ko ang panginginig ni Zenaida sa harapan ko at halos mapunit na ang hawak niyang mapa.
Magaan ang nililikha kong hakbang at ingat na ingat sa aking mga kilos.
Takte naman! Ako kinakabahan sa kilos namin eh. Kesa kabahan ako sa lalaking nasa harapan parang mas kinakabahan ako sa maliliit kong hakbang.
Hindi pa kami nakakalayo ay narinig kong umalingaw-ngaw ang sigaw ni Cadmus.
"P*ta, takbo!"
Nang mga oras na yun ay parang huminto ang oras. Dahan-dahan akong lumingon sa kanila habang hindi ina-alis ang paa ko sa kinatatayuan. Ngunit laking gulat ko na lang ng nasa gilid ko na si Art, at marahas na hiniklat ang palapulsuhan ko. Marahas kong nabitawan ang punyal na hawak ko kaya mabilis kong pinindot ang kwintas ko ng dalawang beses.
BINABASA MO ANG
Luminus: The Enchanted Book [COMPLETED]
FantasyMaligayang pagdating sa Luminus. Ang Luminus ay isang laro. Laro na kung saan ay napapaloob sa libro. Punung-puno ng mahika, kapahamakan at kasamaan. Isang panibagong mundo, na walang sino man ang gustong pumasok. Apat na kahariha'y nasa iisang libr...