—Aize Point Of View—
Hindi ako sumagot sa kanya. Imbis na sumagot ay sumilip ako sa bintana, na halos pabigla.Wala namang nagbago, ah? Puro nagtataasang damo pa rin ang nakikita ko sa patag na lupain.
"Sure ka bang nandidito na tayo, Zenaida?" rinig kong tanong ni Cadmus.
Papalabas sila ngayon mula sa control room.
"Bakit parang wala namang nagbago? Parang hindi tayo nakalayo," singit ko sa dalawa.
Tumayo ako at nilapitan sila. Something magical is happening here. Uhm, I guess every incident will happen here are magical.
"I don't know! Habang umaandar tayo ay umaandar din ang mapa at nag-zo-zoom in. Then, pagkarating natin dito ay kusa siyang huminto. Kaya nga pinatigil ko agad kay Cad 'yung train," pagpapaliwanag niya habang kunot noong nakatingin sa mapa.
Marahas na tumikhim si Art kaya nag-angat ako sa kanya ng tingin.
"'Wag na kayong magtalo diyan. We can check it, let's go..." marahan pero may diin niyang sabi sa amin bago bumaba.
Tulala lang akong sumunod sa kanya. Naiwan naman doon ang dalawa.
"Woah! Ang angas mo kanina, huh!" I simply mocked him.
Mabilis siyang lumingon at sinamaan ako ng tingin. Well, mukhang hindi pa nakakababa ang dalawa, ah.
"Anong maangas do'n?" tipid niyang tanong at iniwan akong nakatingin sa kanya.
Maski paglalakad niya lang ay namamangha na ako. Ang hapit na hapit niyang t-shirt at pinatungan ng vest ay bumagay sa makisig niyang katawan. Samahan mo pa ng tuwid na tuwid niyang pagtayo.
Pakaripas akong tumakbo papunta sa kanya at hinila siya sa damit.
"Hoy! Nagmamadali ka ba? Alam mo ba 'yong daan? Diba hindi!" hingal na hingal kong sabi kay Art habang nakatingala para lang masalubong ko ang tingin niya.
Tsk, bat ba kasi ang bibilis ng mga lalaking lumakad? Ilang minuto lang akong natulala ah-—shut that, it's just a seconds, I guess!
Huminto siya at walang emosyong tinitigan niya ako.
"What?!" iritang tanong ko.
His lips curved upward causing my mood to change.
Woah! Just wow. Kanina ay ako ang nakatawa at nang-aasar ah, ngayon siya na.
"Ang bilis mo namang pagpawisan. I just noticed it earlier. If we are in dangerous situation your forehead will start to sweat," Art bragged with a smirk on his lip.
Kakababa lang ng dalawa.
So what? What about it? I mean, walang masama kung mabilis akong pagpawisan. That's the only thing I hate on myself. Kung tensyon na tensyon ako ay tatagaktak ang pawis ko. Lalo 'pag test!
"Guys! I get it now!" pasigaw ni Zenaida.
Sinamaan ko muna ng tingin si Art at padabog na lumingon sa kanila. Nang makita ko ang maaliwalas na mukha ni Cadmus at Zenaida ay agad akong tumakbo. Ingat na ingat akong tumatakbo dahil sa mga nagtataasang damo. Buti na lang at hanggang tuhod ko ang boots na suot ko.
"Ano 'yon?" tanong ko.
Naramdaman ko naman ang presensya ni Art na nasa tabi ko. Sumunod pala siya, akala ko ay iintayin niya lang sa pwesto niya kanina na makalapit ang dalawa.
"If we want to go to Bosque. By the way Bosque ang tawag nila sa kaharian na una nating pupuntahan. Dadaan tayo sa ilalim ng lupa then boom!" Zenaida proclaimed having a wode smile on her lips.
BINABASA MO ANG
Luminus: The Enchanted Book [COMPLETED]
FantasyMaligayang pagdating sa Luminus. Ang Luminus ay isang laro. Laro na kung saan ay napapaloob sa libro. Punung-puno ng mahika, kapahamakan at kasamaan. Isang panibagong mundo, na walang sino man ang gustong pumasok. Apat na kahariha'y nasa iisang libr...