-Aize Point Of View-
Tuwid na tuwid ang lakad ko habang nakakapit pa rin sa braso ni Zenaida. Buti naman naka-alis na kami sa kaharian na iyon.Every steps I made earlier gave me chills. Parang may ibang atmosphere sa loob no'ng kaharian. May ibang mahika rin ang nandoroon, alam ko. Pagkabukas na pagkabukas ng pintuan malamig na hangin agad ang sumalubong sa amin.
"Hindi ba kayo na wirduhan kanina?" mahina kong tanong kay Zen.
I feel that every move I make, every words I say, ay pinapanood ni Art.
"Pota kung alam niyo lang! Grabe kasi talaga 'yong hangin, nanayo 'yong balahibo ko!" pasigaw na sagot ni Cadmus.
Mabilis namang bumitaw sa akin si Zen at hinampas siya.
"Ang hilig mong magmura, you know?" may tonong tanong nito.
Napa-iling na lang ako at napangiti. Kanina pa sila ganito! Ang cute nila. Na miss ko tuloy asarin si Art. But, hell no.
Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-react sa sinabi niya. I mean, sinong hindi magugulat. I can sense his sincere feelings when he said that. Pero bakit niya sinabi yon? He have a girlfriend.
Mukha kang tanga Aize. Pinupuno mo lang ng tanong iyong utak mo hanggang sa mag-over think ka na. Wala namang sasagot, kung 'di ikaw lang din.
Bigla ko tuloy naalala si Beau. I miss him.
"Oy! Teka lang!"
Napakamot naman ako ng ulo ng.marining ang isang sigaw. Ako lang naman ang tao sa hallway?
Dahan-dahan akong lumingon at sumalubong sa akin ang mukha ng pamilyar na lalaki.
"I-ikaw 'yon 'di ba?" hinihingal niyang tanong sa akin habang hawak-hawak pa rin ang balikat ko.
Napahawak ako ng mahigpit sa librong hawak ko. Hindi rin ako naka-imik at pinagmasdan lang siya.
"Ako 'to!" natatawa niyang pagpapakilala habang tinuturo pa ang sarili.
Ah! Siya 'yong lalaki sa bench. Naalala niya ako?
Malinis ang kanyang buhok at halatang plantsado ang uniporme. Mukhang malinis 'to sa katawan, ah.
"Beau nga pala!" kamot ulo niyang pagpapakilala at inabot pa ang kamay.
"Ah, uhmm. Call me S-sam," nauutal kong sagot sa kanya at tinanggap ang kamay.
Kahit na naguguluhan pa rin sa pangyayari ay binigyan ko siya ng malaking ngiti gaya ng ginagawa niya.
"Mauuna na ako, ha! Mukhang male-late na tayo, eh!"Napabuga ako ng hangin at nakataas kilay na tinitignan ang likuran niya habang tumatakbo papalayo sa akin.
Nakikipagkaibigan ba siya?
Napapikit ako ng maramdaman ang kamay ni Zenaida sa aking braso. Damn, lumulutang na naman ang utak ko.
"Weh, kala mo talaga 'di ka nagmumura!" depensa ni Cadmus sa sarili.
Napailing na lang ako nang makita kung paano inilabas ni Zenaida ang dila niya at sinalubong ng nanlalaking mata si Cadmus. Mabilis niya akong kinaladkad para mas bumilis ang lakad namin at maiwasan si Cadmus.
"You two are cute," I teased them.
Napangiwi naman ako ng maramdaman na bumaon sa braso ko ang kuko ni Zen.
"Cute daw tayo?" patay malisyang tanong ni Cadmus na nasa tabi na ni Zen.
Binilisan ko ang lakad at hinayaan silang dalawa. Pero ang kamay ni Zenaida ay nasa braso ko pa rin.
BINABASA MO ANG
Luminus: The Enchanted Book [COMPLETED]
FantasyMaligayang pagdating sa Luminus. Ang Luminus ay isang laro. Laro na kung saan ay napapaloob sa libro. Punung-puno ng mahika, kapahamakan at kasamaan. Isang panibagong mundo, na walang sino man ang gustong pumasok. Apat na kahariha'y nasa iisang libr...