—Art Point Of View—
Hearing those cry, it makes me sad. Iniiyakan nila ako dahil mamamatay na ako. Ang mga katagang sinabi at pinaalala ko parang wala lang sa kanila.If someones gone, it doesn't mean you will stop living. Instead, raise up and begin with another life. We are all not permanent. Hindi sa buong buhay ay magkasama kayo. Let go.
I took a glance to their faces. They all have a position. Cadmus is still laying in the floor. Zenaida is looking in the sky. While Aize beside me. Nakayuko pa rin siya at tinatakpan ang kaniyang mukha.
I let a deep sigh. I just shook my head and closed my eyes. I felt dissapointed. I heared all of their words. I heared all of their cry. I heared all of their complaint, and that's enough.
Being a leader also means that you are the hope. I tried my best to gave them hope, but I guess it didn't work. In every battle we fight, I realized that I am the only one who wants to fight.
They're starting to loose hope.
Ako lang ang may lakas ng loob na kumilos, habang sila ay tamad na tamad na. They get enough of this shit. Parang ang nasa isip na lang nila ay mamamatay din naman sila dito, so why would they put some energy?
This f*cking situations closed their minds. They don't want to fight, they just want to leave this place.
But how would we leave this place, if leaving also means fighting.
—Leon Point Of View—
Nag-uumpisa pa lang pala. Ang aking akala'y ito ay patapos na."Naaalala niyo ba ang aking binanggit sa umpisa pa lamang ng larong ito?" basag ko sa katahimikan.
Ako'y nasa isang sulok lang at kanina pa pinagmamasdang ang mga pangyayari. Isa rin ako sa kinulong ni Linus.
"Anong ginagawa ninyo?!" singhal ko ng malakas sa mga kakaibang hayop na unti-unting lumalapit sa akin.
Ako'y nakatago lamang sa mga halaman at pinapanood kung paano magpalitan ng kapangyarihan ang bawat isa.
Panay ang aking pag-atras na ginagawa. Ang pagkalabog ng aking dibdib ay aking rinig na rinig na.
Hindi nagtagal ay nakalapit din sa akin ang mga naghihigantihang unggoy na ito. Ramdam ko ang bigat ng kanilang kamay. Madiin, at marahas ang pagkakahawak sa akin.
Inilabas na lang nila ako noong nasa kulungan na ang bawat isa. Isa rin ako sa nakulong doon. Hindi na ako natatakot sa bawat nangyayari, dahil una pa lang ito na ang aking inaasahan.
"Anong sinabi? Ikaw yung sumundo sa amin diba?" tanong ng lalaking nakahiga.
Naaalala ko pa ang mga katagang binanggit saakin ng batang uto noong nagkita kami.
"Tanginang laro," sabat ng isang lalaki at tuluyang lumabas.
Napakunot ang noo ko at hanggang makalabas siya sa aking sasakyan ay hindi ko tinanggal ang aking mata sa kaniya.
Hindi ko man lang naintindihan ang kaniyang sinabi ngunit alam kong para sa kaniya ay malalim ang kahulugan nito.
Tama, siya nga ang lalaking iyon. Para sa akin sa kanilang apat ay siya ang pinakareklamador.
Iniayos ko ang aking pagka-uupo at binigyan sila ng tingin na nakapangingilabot.
"Sa araw ng bukas, ang lahat ay magaganap. Ang ritwal na kinakailanga'y maganap. Bawat kaharian ay tuluyang guguho, tanging kay Linus lamang ang matitira. Mga hari at reynang mawawalan ng kapangyarihan. Mga bisitang tuluyang mamamalagi dito. Tapusin ang laro at kayo'y makakalabas dito."
BINABASA MO ANG
Luminus: The Enchanted Book [COMPLETED]
FantasyMaligayang pagdating sa Luminus. Ang Luminus ay isang laro. Laro na kung saan ay napapaloob sa libro. Punung-puno ng mahika, kapahamakan at kasamaan. Isang panibagong mundo, na walang sino man ang gustong pumasok. Apat na kahariha'y nasa iisang libr...