—Alexandre Point Of View—
Ang mga luhang namumuo sa aking mata ay tuluyan ng bumagsak. Ako'y naawa na. Basag na basag na ang aking puso sa mga nangyayari. Parang ako'y sila rin taon nang nakararaan.Ang kanilang sakit na nararamdaman ngayon ay dati ko na ring naranasan. Isa sa pinakamasakit na bagay ay ang mawalan ng kaibigan.
Ang mga hari at reyna ay natahimik lang sa gilid. Ni isa sa amin ay walang gustong bumasag sa katahimikan.
Ikaw ba naman kasi Alexandre bakit mo naisipang gawin tong lugar na to! Isa lang ang masasabi ko sayo. PUTANGINA MO!
Ang mga letra na isinigaw sa akin ng isang batang lalaki ay paulit-ulit na nasa utak ko. Tila ba'y isa itong sirang plaka.
Kanina pa ako nakikinig sa kanila. Hindi ko man maintindihan ang bawat sinasabi nila, ngunit ramdam ko ang pangungulila nila sa kanilang boses.
Maski ang tanong ng batang iyon ay hindi ko masagot sa sarili ko. Bakit nga ba ako'y pumayag? Wala akong alam, ngunit ang nagtulak lamang sa akin ay ang kuryusidad.
Dapat ay hindi ko na lang ito pinakinggan. Kung sana ay naka-upo ako ngayon sa aking silya at nagsusulat ng mga kwento na likha lamang ng aking imahinasyon. Ngunit dahil sa kuryusidad, narito ako, at namomoblema.
Naglabas ako ng malalim na buntong hininga at isa-isa silang tiningnan. Paano ko sila matutulungan? Kung maski sila ay nawawalan na ng pag-asa.
Ang kanilang pag-upo ay tamad na tamad. Doon pa lang ay pansin mo ng wala ni isa ang gustong lumaban pa.
Hanggang saan ang aking makakaya? Ngunit isa sa pangako ko ay tulungan silang makalabas dito. Ang kanilang mga pinagsasabi ay nasa isipan ko pa rin.
Ang batang lalaki na mamamatay. Ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay totoong-totoo at alam ko sa sarili kong namamaalam na siya. Ang kanilang lenguwahe ay kakaiba at makabago.
Buong-buo ang aking desisyon. Taas noo akong naglakad papunta sa mga hari at reyna. Malaki ang kulungan na pinagkulungan sa amin. Halos magkakalayo kami.
Ngunit mabilis akong napahinto. Malaki ang sakripisyong gagawin ko para sa kanila. Handa na ba ako?
Ilang taon na ba akong nagtago at naduwag? Mukhang ngayon na ang oras upang ilabas ang kinikimkim ko kay Linus.
Ako lang din naman ang tatapos sa inumpisahan kong laban. Walang ibang tatapos kung 'di ako.
"Ayoko na."
Napalingon ako mula sa kinatatayuan ko. Ang nagsasalita ay ang babaeng may hawak ng kulay lilang kwintas.
Noong nasa labanan pa lamang ay nanonood lang ako sa kanilang apat. Ako'y manghang-mangha sa mga ginagawa nila. Balanse ang pagbigay ng depensa at atake. Walang nangunguna at walang nahuhuli sa paggamit ng kapangyarihan.
"What should we do?!" tili ng babaeng singkit ang mata.
Nasa gilid lang ako at binabantayan ang bawat nangyayari. Ni isa ay wala talaga akong maintindihan kahit anong pilit ko. Nanliliit ako sa sarili ko kapag sila'y nagsasalita ng ibang lengwahe.
Ang tanging alam ko lang ay salitang espanyol at pranses. Sinadya ko ang mga iyon upang matutunan talaga.
"F*ck it! They have a f*cking powers!"
Halatang-halata sa lalaking ito na galit na galit na siya. Hindi ko alam kung paano sila magalit. Pangatlong pagkikita pa lang namin ito.
Nang bumulusok sa amin ang mga baraha ay mabilis kaming napaiwas. Ngunit ang apat na bata'y tila hindi alam ang gagawin. Maraming baraha ang tumama sa kanilang katawan.

BINABASA MO ANG
Luminus: The Enchanted Book [COMPLETED]
FantasyMaligayang pagdating sa Luminus. Ang Luminus ay isang laro. Laro na kung saan ay napapaloob sa libro. Punung-puno ng mahika, kapahamakan at kasamaan. Isang panibagong mundo, na walang sino man ang gustong pumasok. Apat na kahariha'y nasa iisang libr...