Chapter 33

40 5 0
                                    

Linus Point Of View
Bakit ba nanggugulo si Alexandre dito?

Nagngingitngit ang ngipin ko habang tinitingnan ang mga emosyon na bumabalot sa mga bata, habang kinukwento niya ang totoong nangyari.

Hindi maaari ito. Mas naunang nahulog ang loob ng nga bata sa akin. Pero sino nga ba si Alexandre, 'di ba? Ako din ang nagpapasok sa mga bata rito.

Akala ko wala ng kwenta ang kapangyarihan na hawak namin, mayroon pa pala.

Simula nang natanggalan kami ng kapangyarihan ay naghanap ako ng ibang paraan para mabawi iyon. Doon ko natuklasan na may kaya pa pala akong gawin. Isa sa mga tagong lugar dito sa Luminus ay ang bukal ng liwanag.

Kung pupunta kami sa bukal ng liwanag ay makikita namin ang nangyayari sa labas. Ngunit ang kaya lang naming makita ay ang mga bagay na malapit lang sa libro. Ang kapangyarihan namin ay kayang pailawin iyon.

Ha! May kwenta rin pala.

"Halika na. Kailangan pa nating kumilos!" parang ewan na bulong ko sa kabayo ko.

Mga walang kwenta ang hari't reyna na nandirito. Mabilis silang malinlang! Kaunting tiis na lang at hindi na ako magpapanggap. Parati na lang napupuna ang ugali ko! E, ano naman?

Mabilis akong nakarating sa pinakamalapit na kaharian dito. Marahas akong bumaba sa kabayo ko. Ngunit bago ako tuluyan pumasok sa palasyo ng Magia ay ginulo ko ang buhok ko, at pinilit na ibahin ang itsura.

Antayin mo lang kapatid, at ika'y aking maigaganti na.

Iisipin ko pa lang dito kung papaano ko napapayag ang mga hari at reyna ay natutuwa na ako.

"Tulungan niyo po ako!" malakas kong bulabog sa palasyo ng kahariang Bosque.

Ang aking mga damit ay gutay-gutay at sira-sira.

"Sino ka naman?" mataray na tanong ng reyna sa Bosque.

Tingnan natin kung matatarayan mo pa ako.

Ngayon ay sama-sama ang lahat ng hari at reyna. Naging tradisyon nila na magkaroon ng pagtitipon sa isang linggo, para mas lalong tumibay ang kanilang samahan.

Dapat ako ang nandadyan! Ako ang lumikha ng Luminus, nakikisawsaw lang sila.

"Kilala niyo po ba si Alexandre?!" balisa kong tanong.

Ako'y natutuwa sa iyong kagalangan, Linus.

Ang kanilang mukha ay punong-puno ng pag-aalala. Mga matang alerto, at bibig na naka-awang.

"Isa siya sa gumawa ng Luminus," sagot ng isang hari.

Kilala pa pala kami. Ang akala ko'y tuluyan na kaming nakalimutan, at hindi iyon mangyayari.

"Siya'y gumawa ng isang kastilyo, at gusto niyang sakupin ang buong Luminus! Narinig ko kung paano niya pag planuhan ang lahat!" balisang pagsusumbong ko.

Ngayon ay nakapalibot kami sa isang mahabang lamesa. Ako'y nagtitiwala na sila'y aking mapapaniwala.

"Kayo'y hindi ba naniniwala? Kayo rin ang mawawalan. May apat na batang papasok sa loob ng Luminus. At kung kayo'y maunahan ni Alexandre, tiyak mawawala sa inyo ang kapangyarihan niyo!" singhal ko sa kanila at padabog na umalis sa harapan.

Napangiti ako sa naalala. Ha! Akala ko ng una ay hindi sila kikilos, aking nabalitaan na lang ay sila'y nag paplano na.

Papaano ba naman ay may alas ako.

Taas noo akong tumayo at nagpatuloy sa paglalakad papasok sa palasyo ng Magia. Kagaya ng mga hari at reyna ang mga bata ay mabilis ding maloko.

Tuwing inaalala ko ang paglilinlang na ginagawa ko sa lahat ay natutuwa talaga ako. Ang pinakapaburito ko ay ang naniwala silang kailangan nilang pasunurin ang pag-iisip ng bawat mamamayan, dumagdag pa ang paglagay ng pagsubok sa bawat portal.

Luminus: The Enchanted Book [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon