—Alexandre Point Of View—
Anong nangyayari sa kanila? Tila'y hindi sila magkasundo sa iisang bagay."Anong nangyayari sa inyo?" banayad kong tanong sa lalaking nakatayo at padabog na naglakad upang makalayo sa tatlo niyang kasama.
Ramdam ko ang kanilang nararamdaman. Hindi pa rin humuhupa ang iyakan nilang magkakaibigan.
Halos lahat ng aking oras ay naibuhos ko sa pag-iisip upang mapigilan si Linus, ngunit wala. Ni isang ideya wala akong nahanap.
Ang masamang tingin ng lalaking nasaharapan ko ay unti-unting nanlambot.
"Salamat sa pagtulong sa amin," makisig niyang salubong sa akin.
Naestatwa ako sa aking kinatatayuan at banayad na tiningnan ang kaniyang naging reaksyon. May magpapasalamat pa pala sa akin, mayroon pa palang nakakikita sa aking ginagawa.
Ang sulok ng aking labi ay natagpuan ko na lang na umaangat. Ang bawat salitang lumalabas sa kaniyang labi ay humahaplos sa aking puso. Hindi man banayad ang kaniyang pagkakasalita, ngunit aking pinapahalagahan iyon.
"Walang anuman," maluha-luha kong sagot.
Ngayon ko na lamang narinig ang ganoong salita. Kagaya nang tinatanong sa akin ng mga kaibigan ko, na hanggang ngayon ay hindi ko masagot.
"Nakita mo ba kung paano tulungan ni Andre ang batang babae?" gulat na gulat na salubong ni Lumi sa akin.
Kakapasok ko pa lamang sa aming ginawang pahingahan. Isa itong maliit na bodega.
Napangisi ako ng makita nag kanilang mga reaksyon.
"Mali ang iyong ginawa! Haha, ano namang pakialam sa iyo ng batang babae? Nakita mo kung paano nagalit ang kaniyang ina sa iyo? Siya na ang tinulungan, galit pa ang binalik."
Napatahimik ako. Ang kaninang nakangising mga labi ay dahan-dahang napasimangoy. Ang mukha ng aking dalawang kaibigan ay parang hindi pa masaya sa nagawa ko. Tila'y kinukwestyon pa iyon.
"Si Andre talaga ang mahilig na tumulong. Matanong ko lang, ano bang nakukuha mo pabalik? Kung iisipin may nakukuha ka ba? Magpapakahirap ka at magsasayang ka ng oras ngunit simpleng pasasalamat lang ang igaganti, minsan wala pa!" dagdag pa ni Linus.
Napatikom ako ng bibig at napayuko sa aking kinauupuan na lamesa.
Ang mga ala-alang iyon, ay tila'y mga bahid ng aking maling nakaraan.
Bakit nga ba ako tumutulong? Wala naman talaga akong nakukuha. Mag-aaksaya lang ako ng oras sabi nga nila. Ngunit para sa akin, iyon ang pinaka gusto kong gawin. Gusto kong tulungan ang mga taong nangangailangan, dahil sila'y nahihirapan.
Humihingi sila ng tulong dahil hindi na nila kaya. Kung sino man ang aking nakikita na nahihirapan ay parang hinahaplos niyon ang puso ko at tila magmamakaawa sa akin.
Ang kanilang mga katanungan, bakit tutulungan ka ba nila pabalik? Alam kong hindi ko kailangan iyon. Sa aking tulong ay hindi ako humihingi ng kapalit. Ngunit ang bawat isang tao ay nararapat na magpasalamat kapag ika'y tinulungan. Isang simpleng salita man lang ito ngunit nakakataba ito ng puso.
Ang kanilang sinasabi hindi daw malaking bagay ang pagpapasalamat. Mali, ito ang pinaka iniingatan kong salita. Dahil sa salitang ito, alam ng taong iyong sasabihan na ang kan'yang ginawa para saiyo ay nakita mo.
Ang ala-alang iyon ang nagpaparamdam sa akin na tila'y mali ang aking pagpili sa kaibigan.
"Wala na bang ibang paraan para maka-alis dito?" iritadong tanong sa akin ng lalaking nasa harap ko.
BINABASA MO ANG
Luminus: The Enchanted Book [COMPLETED]
FantastikMaligayang pagdating sa Luminus. Ang Luminus ay isang laro. Laro na kung saan ay napapaloob sa libro. Punung-puno ng mahika, kapahamakan at kasamaan. Isang panibagong mundo, na walang sino man ang gustong pumasok. Apat na kahariha'y nasa iisang libr...