—Aize Point Of View—
Napatingin ako kay Zenaida na ngayon ay nagsasalita.As the wind blew, my hair keep messing up. Nasa tuktok kami ng malaking buhanging bundok, kung saan ang nasa harapan namin ay isang bayan. Halatang tago na tago ang bayan na ito. Bawat istruktura ay natatabunan ng buhangin.
"I'm scared. I didn't know na makakatapak ako sa ganitong lugar. My gosh!" umiiling na turo ni Zenaida sa harap.
Bumuntong hininga na lang ako at tiningnan ang mga kakaibang tao na nasa bayan. Bilang lang ang nandoroon, mga nasa tatlo lang ata, I'm not sure. Pero ang masisigurado ko ay ang kakaiba ang kilos nila sa amin.
Here we go, wala kaming magagawa kung 'di ang tanggapin ang mga mangyayari.
"Let's go. Hindi tayo pwedeng mag-aksaya ng oras," walang emosyong sabi ni Art atsaka naunang bumaba.
Sa bawat hakbang na ginagawa ko ay nararamdaman kong mas bumibilis ang tibok ng puso ko. Bawat paghinga namin ay rinig na rinig, at mukhang may haharaping kamatayan.
"Guys, kaya natin 'to! Para naman tayong mamamatay sa ginagawa niyong pagtahimik. Sus, sisiw lang 'to sa atin diba? Nalagpasan na natin ang isang elepante at mga hyena," natatawang sabi ni Cadmus.
Alam kong takot siya, pinipilit niya lang na mag-cheer-up.
"Ang problemahin muna natin kung saan tayo unang maghahanap. Eh, hindi nga natin alam ang itsura ng hinahanap natin. Dapat bilisan natin nang maka-uwi na," pagdeklara ko.
Lahat naman sila ay sumang-ayon. We're all scared, I can see that. Namumuo ang aming mga butil na pawis sa noo, kasabay pa noon ang mabibigat na paghinga at manginginig ng tuhod.
"Wala naman tao?" deklara ni Cadmus ng makapasok kami.
"B-but! K-kanina nandito lang 'yung mga nagbebenta, ah!" demanda ni Zenaida.
Rinig na rinig ang bawat yapak na ginagawa namin, lalo na't semento ang tinatapakan namin. Nilalamon ng katahimikan ang buong lugar, nakakikilabot, at nakakatakot ang lahat ng nandidito. Ang lahat ng bahay ay natabunan na halos ng mga buhangin.
Sa bawat pintuan ay may nakasabit na mga kabibe sa itaas nito. Pansin na pansin din sa mga bintana ang mga puting kurtina.
"Guys, be alert. Ito ang tunay na tahanan ng mga hyena's," pabulong na sabi sa amin ni Art.
Ngayon ay kami ang nauunang dalawa sa paglalakad, habang ang dalawa naman ay nasa likod. This is what I like to Art, he's a great leader.
"Paano natin mamahahanap 'yon? Hindi natin sure kung nandirito talaga."
Nag-angat ako ng tingin sa nag-aalinlangan na Zenaida.
"Hindi rin natin alam kung may tao ba rito," I said with a tone of dissapointed. I just shrugged my shoulders and look away.
Sabay-sabay kaming huminto nang makarating kami sa pinakagitna sa bayan. Kasabay ng paghinto namin ay umihip ang malakas na hangin. Sa bawat pagtama ng hangin sa kabibe, ay naririnig namin ito. Nakakakilabot, naramdaman kong nag-umpisa nanamang magtayuan ang balahibo ko. Kasabay no'n ang panginginig ng tuhod ko.
Maalinsangan at maalikabok sa bayan na 'to.
"Guys, bilisan na natin. As the minutes past by it's getting creepier," Zenaida said while glancing at the whole place.
"Come on, pasukin natin lahat ng bahay. Walang mangyayari kung tutunganga lang tayo," diretsong sabi ko sakanila.
Ramdam ko ang determinasyong bumabalot sa pagkatao ko. I will not die here. Marami pa akong kailangang gawin pagkalabas ko rito.
BINABASA MO ANG
Luminus: The Enchanted Book [COMPLETED]
FantasyMaligayang pagdating sa Luminus. Ang Luminus ay isang laro. Laro na kung saan ay napapaloob sa libro. Punung-puno ng mahika, kapahamakan at kasamaan. Isang panibagong mundo, na walang sino man ang gustong pumasok. Apat na kahariha'y nasa iisang libr...