—Cadmus Point Of View—
"That plant has an allergic reaction to our body." seryosong anunsyo ni Max.
Napa-ismid ako at seryosong tiningnan ang nasa harap namin na tinutukoy niya.P*tangina! Ang daming thrill ng larong 'to, ah.
Noong oras na pumasok kami sa loob nitong laro, parang binigyan na namin ng permiso ang larong ito na paglaruan ang aming buhay.
"Then, humanap na tayo ng spot para paglipasan natin ng night!" giit ni Zen na may maatas na tono. Matapos niya kaming tarayan ay mabilis siyang nag-walk out.
Kahit kailan talaga ang arte ng babaeng 'to, lahat ata iniirapan.
Madali kaming lumayo doon.
"Guys!" tawag atensyon sa amin ni Zen.
Naka-upo silang dalawa ni Aize sa mga kahoy habang kami naman ay gumagawa ng siga.
G*go, delikado ako pagdating sa mga gubat. Sino ba naman tanga na ang ilalagay sa kahinaan ko insekto, diba.
Tinaasan lang siya ng kilay ni Aize.
Kumuha ako ng kahoy at tumabi sa gilid ni Zen gano'n din ang ginawa ni Max at pumwesto sa gilid ni Aize.
Naku, pagpasok na pagpasok pa lang namin dito napapansin ko na ang tinginan ng dalawang 'to, ah. Mukhang may kailangan akong imbistigahan, ha.
"Let's play a game!" masiglang sabi ni Zen saamin.
Napakurap naman ako at dinapo ang tingin sa kanya.
"Ngayon pa talaga Zenaida? Edi ang mangyayari ay maglalaro tayo habang nasa laro tayo?!" pabirong bulong ko sa kanya.
Ang angas pala, eh! Habang nasa laro kami maglalaro kami ng ibang laro. Woah, multi-tasker na rin pala kami! Egul naman.
Mabuti na lang at nakahanap kami ng isang kwebang malapit kung na saan kami kanina, kung hindi naabutan na kami ng dilim sa daanan.
Inirapan niya ako at binelatan pa.
Brat na brat talaga kahit kailan. Sus, simula ata bata ay kasama ko 'to. Pero nagtataka pa rin ako bakit siya natatagalan ng iba sa ganiyang ugali niya.
"Hoy! Cadmus," pagtatawag sa akin ng batang Zenaida.
Napakunot naman ang noo ko at nilingon siya.
Mabilis siyang sumugod papunta sa kung na saan ako.
"Anong problema mo ba, ha?! Did you just punched my classmate?" siga pa nitong tanong sa akin.
Sinalubong ko siya ng malamig na tingin.
Ano namang pakealam niya sa kupal niyang kaklase?
"Ano naman?" may sensiridad kong bawi sa kanya.
Mayamaya pa ay nanlaki at nalaglag ang panga ko sa ginawa niya.
Marahas niyang inangat ang kamay niya sa ere at mabilis na lumapat sa aking pisnge.
"Aba't!" at masama siyang tiningnan.
Inirapan niya pa ako at saka tumakbo papaalis.
Dude! Jowa niya ba yon para gumanti sa akin?! P*tangina talaga.
"Duh! Guys, para lang naman makilala natin yung isa't isa! Yeah, tayong tatlo ay magkakakilala na pero si Aize? At para ma-know din natin ang kwento ni Aize sa labas nitong book!" patili niyang pagpapaliwanag.
Napapikit naman ako ng mariin.
"Di mo kailangang sumagaw," inis na bulong ko pero hindi naman niya narinig.
BINABASA MO ANG
Luminus: The Enchanted Book [COMPLETED]
FantasyMaligayang pagdating sa Luminus. Ang Luminus ay isang laro. Laro na kung saan ay napapaloob sa libro. Punung-puno ng mahika, kapahamakan at kasamaan. Isang panibagong mundo, na walang sino man ang gustong pumasok. Apat na kahariha'y nasa iisang libr...