—Aize Point Of View—
Napabuntong hininga ako at tamad na tumingin kung saan nagpunta ang dalawa.Nakahilig ang aking ulo sa rehas nitong kulungan. Ang aking braso at paa ay nakakalat.
I pouted my lips.
Kanina pa hindi lumalapit sa amin si Art. Wala naman kaming magawa na tatlo at magtitigan lang. We're damn scared to make a noise because of Art.
I rolled my eyes. Pasulyap kong tiningnan ang dalawang nasa harapan ko. Kagaya kanina ay bumalik sa pagkakahiga si Cad, habang si Zen at nakapikit at ang kaniyang ulo ay nakahilig sa rehas.Baliw talaga si Cad.
Ngayon ko lang din napansin na nakasuot na siya ng salamin. Habang pikit ang mata niya, kita ko pa rin ang pagkakunot ng noo niya. Ang ibang bahagi ng lens ay may basag.
Ipinikit ko na lang din ang mata ko at suminghap ng marahas. I feel suffocated.
Ang kaisa-isang nagustuhan ko sa Luminus, ay nawala na. Ang malamig at payapang hangin na dinadala ng madaling araw. Tanging lamig lang ang nararamdaman ko, walang bahid ng pagkapayapa.
Kung ililibot ko ang paningin ko, sa kanang bahagi ay ang gubat na pinanggalingan namin. Sa aking kaliwa naman ay tanaw na tanaw ang palasyo ni Linus.
Malayo pa ito kung tutuusin, pero dahil sa laki ay tanaw na tanaw na ito rito.
Sana bumalik pa si Alexandre. I'm guilty in every words we said to him. I mean, sa una pa lang gumagawa na siya ng paraan para sa amin tapos igaganti namin ang pagtataboy.
Sa mga nangyayari sa aming apat, nakikinig lang siya. Nakikiramdam sa pwede niyang gawin. Parang mali naman 'yong ginawa naming pagtrato sa kanya. Kung titignan kasi parang bula lang yung tingin at turing namin sa kaniya.
"You guys mean na tao din si Alexandre?" basag ni Zen sa katahimikan.
Tamad kong minulat ang mata ko at blangkong tinignan siya.
"Siguro?" out of nowhere kong sagot.
Umayos ako sa pagka-uupo at buong atensyon siyang tiningnan. Baliw, 'yong kwento niya pala! I almost forgot that one.
"Guys, kung titingnan may chance na makalabas talaga tayo," paos na sabat ni Cadmus.
I took a glance to him. Makita ko kung paano niya minulat ang mata niya. The bloodshot of his eyes, shook me. Tumayo rin siya at nakibilog sa amin ni Zen.
"Ang goal lang naman ay mapahinto 'yung pagtayo ng kastilyo diba? Si Alexandre, gumagawa siya ng paraan. Kung hindi tayo mahuhuli bago ang eclipse makalalabas tayo," opinion pa ni Cadmus.
Hinilot ko ang sintido ko. D*mn, ang sakit naman sa ulo na intindihin 'to. Maraming nangyari. Kung pagtatagpiin lahat, ewan ko na lang kung hindi ka mabaliw.
"So, what's your point?" naguguluhan kong tanong kay Cad.
"Ang point ko lang tao rin si Alexandre," patay malisya niyang sagot sa 'kin. Ang kanyang mata ay blanko at pilit na pinapakitang wala sa sarili.
Napapitlag naman ako sa kinauupuan nang maramdaman ang malakas na paghampas sa akin ni Zen.
"I get it na! If makalabas tayo dito, isama natin siya! On his story, may pamilya siya sa labas, like us. Tutal siya rin naman ang gumagawa ng paraan!" naka ngising suhestyon ni Zen.
She gave us a sweetest smile she ever had.
"Hindi maaari ang inyong plano."
Bumuntong hininga ako at tiningnan ang lalaking papasok sa selda. Nilagpasan niya lang kaming tatlo na naka-upo sa sahig at diretsong pumunta sa isang sulok. Kaming tatlo ay nakatingin sa kanya, inaantay kung ano ang idadagdag niya.
BINABASA MO ANG
Luminus: The Enchanted Book [COMPLETED]
FantasyMaligayang pagdating sa Luminus. Ang Luminus ay isang laro. Laro na kung saan ay napapaloob sa libro. Punung-puno ng mahika, kapahamakan at kasamaan. Isang panibagong mundo, na walang sino man ang gustong pumasok. Apat na kahariha'y nasa iisang libr...