-Aize Point Of View-
"Who said that I'm mad?" he softly questioned me.Napatikom ako ng bibig. Patuloy pa rin siya sa paglalapit sa akin. Mayamaya pa ay hinawakan niya ako sa balikat at iniharap patalikod sa kanya.
Isang mainit na bagay ang pumatong sa katawan ko.
"Wear this. You're showing too much skin," utos niya sa akin.
Pero siya pa rin ang nagsusuot ng coat niya sa akin. Nang maayos na ang pagkakasuot ng coat ay hinawakan niya ako sa palapulsusan at hinila palabas.
Akala ko kung ano. I thought he's mad! But, seeing him gaving me his coat, nah.
"Let's go," matikas na utos ni Art.
Bumuntong hininga ako at itinuwid ang aking tayo. Ramdam ko na nanayo ang balahibo ko sa buong katawan. Ang aking puso ay tila nakikipagkarerahan. Nag-uumpisa na ring mamasa ang aking noo.
Something will happen.
Hindi na ako nagsalita pa. Ang emosyon ko ay biglang napalitan ng seryoso. Ang noo ko ay nakakunot. Nanliliit ang mata kong mapalingon sa paligid. Ang pagkiskis ng mga dahon sa isa't isa dahilan ng malakas na hangin. Ang bawat hakbang na ginagawa namin, lahat ng iyon ay napapansin ko.
F*ck, I know that something will happen. Ang hindi ko lang malaman ay kung maganda o masama ang pwedeng mangyari. Hati ang nararamdaman ko.
Tahimik na rin kaming apat. Ang dalawa ay buhay na buhay na ang diwa, at nakatuon ang atensyon nila sa paglalakad. Si Art ay nasa hulihan, na likod ko. Kung titingnan ay wala kang makikitang emosyon sa aming mga mata.
Tanging naririnig lang sa buong lugar ay ang mabibigat na paghinga namin. Sumabay pa ang madidiin naming paghakbang. Ang mga pag-indayog ng dahon sa puno, ay naglilikha ng maliliit na tunog.
Tirik ang araw, na halos nasa ibabaw lang namin. Ang mga puno ay hindi gaano mataas, kung kaya't lumalapat sa aming balat ang sinag ng araw.
Nag-iba na rin ang itsura ng gubat. Ibig sabihin ay mahaba-haba na ang nalakad namin. Nawala na ang kulay mint green at violet na dahon.
Our plan is we will go to Alexandre and Linus. Titingnan namin kung sino ang totoo. Parehong nagpapanggap, do'n lang kami nahihirapan.
Kung wala kaming makuhang impormasyon, ay babalik kami sa pagkuha ng kristal. Alam kong delikado ang pinaplano namin, pero wala ng ibang paraan.
Actually, hindi ko ganon na gets kung anong mangyayari. 'Yong lalaking nagbigay sa amin ng instructions sa umpisa ng laro, hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya. Sa pagka-aalam ko kukuhanin lang namin 'yong mga crystal, tapos gagamitin 'yon para kay Alexandre.
Pero bakit nag-iba ang laro? Maraming dumagdag na karakter. Tuwing iniisip ko ang mga mangyayari kusang nanlalamig ang katawan ko at bumibilis ang aking tibok ng puso.
Ang pupuntahan namin ay si Alexandre. Kilala siya bilang kinatatakutan sa loob ng Luminus. Nakaharap na namin siya, pero may something talaga.
Hindi namin siya nakausap don. Hindi ko nga nalaman kung anong ugali ang meron siya. Ang nag-usap lang ay siya at si Linus. Isa pa anong meron sa kanilang dalawa?
Oh, shut that. Dapat hindi ko na iniisip 'yon. Ang goal lang naman namin ay makalabas dito.
"Kuya, the plan is pupunta ulit tayo sa castle ni Alexandre right?" pagbasag ni Zenaida sa katahimikan.
Nilingon ko si Art na ngayon ay tumango lang.
"Aize, tara dito," bulong sa 'kin ni Cadmus.
Nangunot ang noo ko at tiningnan silang dalawa ni Zen. Muling bumalik sa tabi ni Zen si Cad.
BINABASA MO ANG
Luminus: The Enchanted Book [COMPLETED]
FantasíaMaligayang pagdating sa Luminus. Ang Luminus ay isang laro. Laro na kung saan ay napapaloob sa libro. Punung-puno ng mahika, kapahamakan at kasamaan. Isang panibagong mundo, na walang sino man ang gustong pumasok. Apat na kahariha'y nasa iisang libr...