❝Summer!❞ sigaw na Mama na halos pumutok ang litid dahil sa sobrang lakas at tining.
❝Eto na po!❞ bumangon na ako sa kama at agad na bumaba dahil baka magtransform na naman si Mama into rapper kapag 'di agad ako nakababa.
❝Pakihatid nga nitong ulam dyan sa kapitbahay.❞ binigay niya sakin ang mangkok na may lamang ulam.
❝Kila Luigi po ba?❞ tanong ko dahil ang nanay lang naman ni Luigi ang pinakaclose ni Mama dito sa village namin.
Umiling siya, ❝Hindi, may bago tayong kapitbahay. Dyan lang sa may tabi,❞
Napaisip naman agad ako. Kelan pa nagkaroon ng bagong lipat dyan? E' ayon sa sabi-sabi ay wala ng titira dyan since nagmigrated na sa ibang bansa ang may ari.
❝Ihatid mo na 'yan at baka lumamig pa!❞ Sigaw ni Mama at tinulak ako palabas ng gate. Phew, parang 'di ako anak ah?
❝Tao po! May tao po ba d'yan?❞ sigaw kong tanong sa gate ng katabi naming bahay.
❝Tao-❞ naputol ang pagsigaw ko ng may bumukas ng pinto.
Nasa langit na ba ako? Ba't nakakakita ako ng anghel? Sure naman akong 'di pa ako patay pero sure akong patay na patay ako sa anghel na nandito sa harap ko hihi.
❝What do you need?❞ masungit nitong sabi.
❝Aish, ang sungit pero pogi kaya okay lang,❞ humagikgik ako sa sarili.
❝Are you crazy?❞ he asked.
❝Yes.❞ nakangiti kong ani, ❝Crazy for you,❞ dugtong ko.
Nakita kong namula ang tenga niya at nagkamot ng batok.
❝Uy! Kinikilig ka sa 'kin 'no?❞ tukso ko.
❝Tss.❞ isasara niya na dapat ang pintuan ngunit agad kong iniharang ang kamay ko kaya naman naipit ang daliri ko.
❝Aray!❞ napadaing ako sa sakit. Nakita kong mamula-mula ang daliri ko.
❝Hala masakit ba?❞ nag-aalala niyang tanong saka hinalik halikan ang daliri ko.
❝Mesheket,❞ ani ko saka nilagay ang takas na buhok sa tenga.
❝Halika dito, pasok ka,❞ aniya.
Pero syempre kailangan magpakipot muna ako, aba dalagang pilipina kaya ako.
❝Hindi na, uhm... uuwi muna ako tapos ako na gagamot.❞ ngumiti ako saka tumalikod.
Hinila niya ako sa papulsuhan. Hala enebe crushy.
❝No, I insist. Ako na gagamot sa sugat mo,❞ aniya saka ako marahang hinatak papunta sa loob ng bahay nila.
In fairness ang ganda ng loob huh. Malayong-malayosa mga pinagsasabi ng mga kapitbahay na kesyo nakakatakot nga daw 'to.
❝Maiwan muna kita-❞ I cut him off.
❝Wala pa ngang tayo, iiwan mo na agad ako? Wag ganun!❞ Sambit ko saka humawak sa braso niya.
❝Tss,❞ tumawa siya at ginulo ang buhok ko.
❝Ang ibig kong sabihin is iiwan muna kita dito sa sala dahil kukunin ko ang Medicine Kit,❞
Humiwalay ako sakanya saka marahang tumango.
Mula nang araw na 'yon ay lagi na akong nandito sa bahay nila Braven. Nagkakilala kami at nagkamabutihan. Nalaman ko ring sila ang tunay na may-ari ng bahay, na sila ang tinutukoy ng mga kapitbahay namin na nagmigrated sa ibang bansa. Umuwi lang siya dito for unknown reason while his parents are still in abroad.
'Di ko rin itatanggi na nahuhulog na ako sakanya- no, scratch that. Dahil nahulog na nga ako ng tuluyan.
❝Summer, alam mo bang aalis na si Braven ngayong araw?❞ tanong ng kaibigan kong si Shasha.
Ewan ko pa'no niya nakilala si Braven samantalang hindi ko naman siya nakwekwento sa mga kaibigan ko. Like dUh what's mine is mine.
❝Pa'no mo nalaman?❞ I asked her.
❝Hello?! Earth 'to, Summer! Baka nakakalimutan mong magkaibigan si kuya at Braven?❞ She said in as a matter-of-fact tone.
Ah oo nga pala.❝Teka, Aalis?! Bakit? Paano? Pa'no ako? Pa'no ako?❞ naghisterical na ako. ❝Iiwan na niya ako? Pa'no na ang mga anak namin? Sabihin mo nga, Shasha! Paano?!❞
Binatukan niya naman ako na sa sobrang lakas ay feel ko naalog ang utak ko.
❝Aray ko naman!❞ sigaw ko sakanya sabay hawak sa batok ko.
❝Sige, Sis. Mag-imagine ka pa!❞
❝Anong oras ang alis niya?❞ I asked her.
❝12:00 ng tanghali,❞ aniya na tila nalilito dahil sa pinagsasabi ko. Tinignan ko naman ang wrist watch ko at nakitang 10 palang baka sakaling nasa bahay pa siya o kaya naman ay bumabyahe na papuntang airport.
❝Sige. Bye, Shasha!❞ paalam ko saka tumakbo ng mabilis.
Pagkapasok ko sa bahay nila ay nakita ko si Braven na prenteng nakaupo sa sofa at nanonood ng tv.
Agad akong tumakbo papunta sakanya at niyakap siya ng mahigpit. Ewan pero pagkayakap ko ay naiyak ako bigla.
❝Hey, baby! Ba't ka umiiyak?❞ he asked.
❝S-sabi ni Shasha ay aalis kana daw e,❞ Hagulgol ko.
❝Aalis? Saan naman ako pupunta?❞ naguguluhan niyang tanong.
❝Sa abroad. Babalik ka na sa parents mo,❞ I don't care what my face look like basta hindi siya aalis at hindi niya ako iiwan.
❝Fuck, baby. Kung aalis man ako ay isasama kita. Kahit sa'n. Kung kailangan kitang itali at hatakin para sumama sakin ay gagawin ko. Kaya hinding hindi ko magagawa ang sinasabi mo,❞ seryoso niyang sabi.
❝Talaga?❞
❝Yes, I'm so damn inlove with you that I don't fucking know how you think I'll leave you. I may not promise you that I stay till the end but I promise you that I will stay beside you until my last breath,❞ He kissed my forehead.
❝I'm inlove with you too,❞ I smiled.
I'm Summer Cuizon and I fell in love with the boy next door.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
General FictionCompilation of One-shot stories that I've written and others are my collaboration stories with my co's. Enjoy Reading!!