32. WHO MATTERS?

8 2 0
                                    

❝Shanaih and I broke up,❞ Tj said.

❝Bakit?❞ tanong ko at gulat na gulat. Napatigil ako sa ginagawa ko at inangat ang tingin sa kanya.

Nakakapanibago kasi. Sobrang sweet naman nila lagi at aakalain mong walang maling nagaganap.

Pinikit niya ang mata niya at huminga ng malalim. ❝She cheated on me. She chose Kiro over me. Pinili niya 'yong sandali niya palang nakikilala kaysa sa'kin...I was always there for her. Halos isang taon niya na akong kilala,❞ mahinang sabi niya. Nagulat ako ng sinuntok niya 'yung pader.

❝Tj...❞ I called out his name softly.

❝Bakit, Aoki? Bakit?! Ano bang nagawa kong mali? Porke ba mas gwapo 'yon si Kiro kesa sa'kin? Ano bang kulang sa'kin? Sa pagkakaalam ko, ginawa ko naman ang lahat. Kahit 'yung mga bagay na ayaw kong gawin, nagagawa ko dahil sa pagmamahal ko sa'kanya,❞ he cried.

Sabi ng iba malalakas daw ang mga lalaki kung kaya't hindi sila umiiyak sa harap ng babae o ng kung sino at kapag nakita mo daw na umiiyak ang lalaki dahil sa babae, sobrang mahal niya 'to.

Sa nakikita ko ngayon. Sobrang mahal ni Tj si Shai kaya siya iyak ng iyak ngayon. Pinagmasdan ko siya. Ang dumi na niya at amoy alak. Naglasing 'to kagabi at siguro kung saan saan siya nagsusuot kaya madumi.

❝It's alright. I'm here,❞ I assured.

❝I can't take this anymore,❞ saad niya at nilabas ang isang kutsilyo mula sa bulsa ng pantalon niya. Nanlaki ang mata.

❝Hey, what are you going to do with that thing?❞ I asked and pointed on the knife he's holding.

Pinuwesto niya ito sa pulsuhan niya at humiwa.

❝What the hell, TJ!❞ gulantang na sigaw ko.

Napatitig ako sa dugong umaagos mula sa braso niya. Hindi niya nahiwa mismo 'yung pulso niya pero the fact na may dugo at sinusubukan niyang patayin 'yung sarili niya, ay parang torture sa'kin.

Mahal ko si Tj bilang kaibigan. Siya lang nakakaintindi sa'kin. At ngayong kailangan niya ng isang taong iintindi at aalalay sa'kanya ay nandito ako.

❝Bakit kailangan mo 'tong gawin?❞ I asked and walked towards him slowly.

❝Papatayin ko nalang sarili ko! Wala na ring namang saysay 'e.❞ His tears fell down like an overflowing stream.

Walang ano-ano'y lumapit ako sa'kanya at niyakap siya ng mahigpit.

It hurts seeing your friend suffering from the pain they don't deserve.

Nang tumahan na siya galing sa pag-iyak at medyo magaan na ang pakiramdam, dinala ko siya sa kwarto ko at doon na pinagpahinga. Habang ako naman ay sa sofa nalang natulog para mabantayan siya.

Wala akong ibang ginawa kundi ang samahan si Tj sa hirap at saya. Tinulungan ko siyang hanapin at buuin ang sarili niya. Luckily, nagawa niya naman agad 'yon. He's fully recovered from the pain caused by the past.

Nandito ako ngayon sa swing habang hinihintay si Tj.

❝Nagkabalikan na kami!❞ masayang turan ni Tj na bigla na lang sumulpot mula sa harap ko.

Ang ngiting nakaguhit sa mukha ko kanina ay unti-unting nawala.

❝A-Ano?❞ I stuttered.

❝Nagkabalikan na kami ni Sha!❞ he rejoiced.

❝Pa'no? 'E 'di ba sinaktan ka niya? Kala ko ba hindi mo na siya uli babalikan kahit anong mangyari?❞ I inquired.

❝Sabi niya mahal pa niya ako. Atsaka mahal ko pa din naman siya,❞ saad niya at humina pa ang boses sa dulo.

Marupok.

❝Kala ko ba nakamove on kana?❞ I asked in confusion.

❝Oo, Aoki. Nakamove-on na ako sa'kanya pero hindi ko naman sinasadyang mahulog uli sa bitag niya. Noong isang araw na nagkita kami, sinabi niya lahat. 'Yung panloloko niya, pinagsisisihan niya daw na nagawa niya 'yon,❞ he said carefully.

I just stared at him. Waiting him to say more about them.

❝A-Aoki, may sasabihin ako,❞ he said softly and held my hands.

I give him a questioning look.

❝We both love each other but...❞

❝But?❞

❝Hahayaan niya akong ligawan uli siya at mabalik kami sa dati kapalit ng pag-iwan ko sa'yo.❞

I forced a smile. ❝You won't leave me, right?❞

❝Aoki...❞ his lower lip trembled.

❝Tama ako 'di ba? Hinding hindi mo ako iiwan at hindi mo pagpapalit ang pagkakaibigan natin, 'di ba?❞ I said in full conviction.

❝Aoki, about that, I've waited for this for so long,❞

What?

Tears pooled in my eyes.

❝Please, not now,❞ I begged.

He looked away. ❝I don't want to stay away from you, but I love her.❞

Yea, right. He loves her so much that he'd be delighted to leave me. To tear our friendship apart.

❝You are ready to leave me for her.❞ I whispered.

❝Why are you being like this, huh?❞ I hissed.

❝Simple lang. Mahal ko siya.❞

❝Binuo kita no'ng panahon na dinurog ka niya, tapos ngayon iiwan mo'ko dahil bumalik siya...❞

Hindi siya nagsalita. Nanatili lang siyang nakaiwas ng tingin.

❝Bestfriend mo ako, Tj. Kasama mo ako nung mga panahong lugmok na lugmok ka. Kasama mo ako nung mga panahong masaya ka. Bestfriend mo ako, kasama mo sa kahit sa'n.❞

❝'Yun na nga! Bestfriend lang kita. Mahal ko siya. Hindi matutumbasan ng salitang bestfriend ang pagmamahal ko sa'kanya. Know your limits, Aoki.❞ his jaw clenched. Anger is evident on his face.

❝Tj...❞

❝Sorry, Aoki. She's my everything and I'm willing to do everything she'll ask.❞ he said and walked away from me.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon