My Collaboration with Yuanna Protacio.
❝Babe, i want to be a lawyer someday,❞ pag-oopen ng topic ni Thalia.
I'm Nathan, and Thalia, She's my girlfriend for almost 3 yrs. Happy and contented to be her partner.
❝Ang layo naman ng dream mo sa dream ko, ako kase gusto kong maging photographer. Wanna know why?❞ pagpapaliwanag at pagtatanong ko sakanya na siyang tinugunan ng tango.
❝Kasi gusto kong icapture yung mga memories ko with you. Gusto kong ako yung magt-take ng responsibility as your photographer, same as your husband,❞ masayang saad ko. Kitang-kita ko kung pa'no namula ang mukha niya.
❝Ano ka ba pinapakilig mo nanaman ako.❞ Tinignan niya 'ko habang tumatawa siya, hindi nakaligtas sa aking mga mata ang taksil na luhang lumabas sakanyang mata.
❝Babe? What's wrong? Did I say something wrong?❞ nangangambang pagtatanong ko.
❝Nothing babe, I'm just happy, no, super happy that i have you in my life,❞ masayang saad niya.
❝And napa-isip lang din ako. Pa'no kaya kung hindi tayo 'yung para sa isa't-isa. Don't get me wrong kasi the fact na almost perfect na 'yung relationship naten. Singsing at I do na lang ang kulang. Pero yung what if's na 'yon pilit akong nilalamon to the point na natatanga ako. B-baka kasi hindi ko kayanin. Ano ba 'yan dapat masaya tayo eh,❞ aniya. Napaisip din ako kung gano'n nga ang mangyari ay baka hindi ko den kayanin.
❝Kung gano'n 'man 'yung mangyari... We need to accept that, for our futures and careers. And isa lang ang masasabi ko sayo, Lia. Get a man and not a boy please. Pero as long as na nagwowork and mas nag-gogrow 'yung relationship naten, akin ka at sayo ako, period.❞ Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi kung sino o ano ang sisira sa isang relasyon na binubuo ng dalawang taong nagmamahalan.
❝Kapag hindi ikaw ang makakasama ko sa future aba mas mabuting tumanda nalang akong dalaga. Ikaw lang ang mamahalin ko. Ikaw lang ang ihaharap ko sa altar kapag nasa tamang edad na tayo. Promise,❞ she said and I just kissed her head.
❝Babe andami naming gawain sa susunod na lang ulit tayo magdate. Promise sayo lang ang oras ko non. 'Wag na sad. I love you.❞
❝Pagod ako ngayon babe, andaming defense na nirush namin. Sorry, pahinga ka na den. I love you.❞
❝Sorry babe hindi kita mapupuntahan diyan sa condo. Sobrang daming gawain eh. Enjor your day. Pag nagkita nalang tayo yung gift. I love you, happy birthday again mwuah.❞
'Yan ang mga laging dinadahilan sa'kin ni thalia. Siyempre kailangan 'kong unawain dahil hindi madaling kurso ang isang pagiging lawyer. Pero nasaktan ako ng sa mismong birthday ko ay tanging pagbati lamang ang kanyang ginawa at hindi man lang nag-abalang pumunta dito upang batiin ako ng personal.
It hurts my feeling so much. Imagined my own girlfriend greet me only with her text telling na pagod siya, na babawi siya. Ha, lagi naman eh.
Dumaan ang mga araw na ako naman ang naging busy. Sunod-sunod ang pasa ng mga projects. Pati nang mga journal hayss what a life. Okay lang 'yan, Nathan. It's for you and your soon to be wife. Ewan ko ba, sa tuwing minomotivate ko ang sarili ko, napapangiti nalang ako dahil sa mga naiimagined ko.
Biglang nagvibrate ang phone ko. Si babe...
Thalia:
Lagi ka na lang walang oras saken. Am i still your girlfriend?❞'Yan ang nakasaad sa text. Agad kong tinawagan ang no. niya.
❝Hi Mrs. Alcantara 'wag na po kayong malungkot diyan. Ilang araw na lang po ito.❞ paglalambing ko kay thalia.
[Ikaw, Nathan Alcantara. 'Wag mo'kong daan-daanin diyan sa nga panlalambing mo dahil hindi effective. Nakakainis lagi ka na lang walang oras saken,] saad niya.
❝Babe, hindi naman sa gano'n. Ikaw din naman before ha, nawalan ka ng time saken but still namanage ko na hintayin ka. Parang gano!n lang din 'to ngayon. 'Wag na po magpatampo ang babe ko.❞ pag-aalo 'kong muli sakanya.
[Ahh gano'n. So, ang pinopoint-out mo is nauna akong gumawa nito gano'n ba? Na bumabawi ka sa'kin? Nakakainis ka alam mo 'yon? Bahala ma diyan magsama kayo ng camera mo.] Binabaan ako ng phone ni Thalia.
Mahirap bang unawain ang sitwasyon ko gayo'ng naunawaan ko naman siya nung mga panahong siya naman ang may kailangan gawin. Ewan ko, naguguluhan ako.
Lumipas ang mga araw at hindi ko nasuyo si Thalia. Kaya ito ako ngayon papunta sa park. Ang sabi niya dito daw kami magkita dahil may mahalaga siyang sasabihin. Grinab ko na den 'yung chance para suyuin siya.
❝Hi babe, sorry na one week lang naman ako naging busy eh. Sorry na po please,❞ saad ko sakanya habang siya umiiwas ng tingin. Masama ang pakiramdam ko sa mangyayari.
❝Hindi na'ko magpapaligoy-ligoy pa. Let's stop this relationship,❞ saad niya habang ako'y pilit na kinukuha ang atensyon niya.
❝Ha? Pero bakit? Saglit lang naman 'yun ha. Hindi ba't ikaw den naman? Wag namang ganito Thalia please.❞ Naiiyak kong saad. Shit i'm a man pero hindi ko kayang pigilan 'yung luha ko.
❝That's the point. Parehas na tayong walang oras sa isa't-isa. Hindi na tayo tulad ng dati, Nathan. Siguro enough reason na 'yon para bumitaw ka,❞ malungkot na saad niya.
❝Wala naman akong magagawa eh. Sumuko kana, sana maging happy ka na lang sa desisyon mo. Goodluck sa future natin pareho. 'Yung bilin ko sayo ha? Na kapag hindi talaga tayo yung para sa isa't-isa. Please, do me a favor. Get a man and not a boy. Ayokong masaktan ka, Thalia. Salamat sa memories.❞ At sa huling pagkakataon ay niyakap ko siya at hinalikan sa noo. Ang babaeng una't-huling mamahalin ko.
❝U-umaasa paden ako na balang-araw pagtatagpuin tayong muli ng destiny. Dahil kung papipiliin ako. Ikaw at ikaw lang ang lalaking gugustuhin kong pakasalan. Salamat sa lahat, Nathan. Hanggang sa huli nating pagkikita,❞ saad niya sabay lakad palayo sa pwesto ko.
Ako ngayon ay isang ganap na photographer na sa isang malaking kompanya. Nandito ako ngayon sa simbahan at kinukuhanan ng litrato ang paligid at mga tao rito.
Nasisiguro kong engrande ang kasalang 'to dahil mula palang sa mga sasaktan ng mga bisita mamahalin na. Ang mga ginamit rin na gagamitin sa kasal ay high-class.
Nagsimula na ang kasalan. Ako'y kanina pa paikot-ikot sa simbahan at kinukuhanan ng litrato ang bawat isa.
Ngayon naman ay kasalan na. Isa-isang nagsisipasukan ang mga ninong, ninang, pamilya, at iba pang bisita.
Nang bumukas ang pintuan ng simbahan hudyat na papasok na ang bride ay para akong nanghina.
Si Thalia. Si Thalia na pinakamamahal kong babae mula noon.
❝Natulala ka, pre,❞ pang-asar na wika sa'kin ng kapwa ko photographer.
I bit the insides of my cheeks to prevent myself from smiling. She looks so stunning.
I captured every action she did while walking down the aisle.
Then I remembered something.
5 years ago, someone promised me. ❝Ikaw lang ang mamahalin ko. Ikaw lang ang ihaharap ko sa altar sa araw na nasa tamang edad na tayo.❞
And now, I am here at her wedding. Playing the role as their photographer. How ironic. 'Yung pangako niya sa'kin ay itinupad niya sa iba.
'Yung dapat memories namin together ang kukuhanan ko ng litrato ay naging litrato nilang dalawa. Magkasamang nakatitig sa mga mata ng isa't-isa habang kinakasal.
❝Only know you love her when you let her go.❞
From the very start, alam ko naman sarili ko na mahal ko siya. Siguro sa pagpapahalaga ako nagkulang.
❝I want you to know that even we end up being not together, the spot in my heart will forever yours, Thalia.❞
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
General FictionCompilation of One-shot stories that I've written and others are my collaboration stories with my co's. Enjoy Reading!!