NAIINTINDIHAN KITA PERO PAGOD NA AKO (COLLAB STORY)

2 0 0
                                    

My Collaboration story with nostxljai

❝Mahal, sorry medyo nawawalan na ako ng oras sa'yo.❞ Paghingi sa'kin ni James, ang kasintahan ko.

❝Ayos lang. Alam ko namang abala ka sa pag-aaral mo. Naiintindihan ko.❞ Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti at yakap.

Lagi na siyang nawawalan ng oras sa'kin pero iniintindi ko dahil alam kong totoo naman ang rason na binibigay niya, na abala nga siya at puro aral ang inaatupag. Maganda naman 'yon. Hindi lang naman ang isa't-isa ang prayoridad namin. Hindi lang din saming dalawa umiikot ang mundo.

❝Salamat, mahal.❞ Hinalikan niya ang tungki ng ilong ko saka ako marahang hinila at niyakap ng mahigpit. Niyakap ko din siya pabalik at dinama ang init ng yakap niya saka ang mabangong amoy na nanggagaling sakaniya.

❝Mahal, basta pag bakasyon na ay oras nanating dalawa ha? Mahaba-haba din ang mga oras at araw na hindi tayo nagkasama,❞ saad ko habang nakaulo pa rin sa dibdib niya.

❝Oo naman, pangako 'yan.❞

❝Mahal na mahal kita,❞ matamis kong ani.

❝Mahal na mahal rin kita, Kiera.❞

Ewan ko pero kinikilig talaga ako kapag sinasabi niya ang mga katagang 'yon at kasabay niyon ay ang pangalan ko.

❝Kiera, kamusta na kayo ni James?❞ tanong ni Ashley, isa sa mga kaibigan ko.

❝Ayos naman kami,❞ sagot ko at ngumiti.

❝Ayos kayo? Sigurado ka?❞ Nagdududa niyang tanong habang naniningkit ang mga matang nakatingin sa'kin.

❝Oo naman. Wala namang dapat ikadahilan para hindi kami magka-ayos.❞

❝Hmm mabuti 'yan.❞

Dahil sa tanong na 'yon ni Ashley ay naisipan kong puntahan ang inuupahang condo ni James. Mula kasi nang araw na nagkita kami ay wala na siyang paramdam sa'kin. Kahit mensahe kung kamusta na ba ako o kamusta siya. Hindi rin siya nagpapadala ng mensahe pabalik sa'kin.

Nais ko siyang surpresahin dahil puro nalang din siya aral at tingin ko nakakalimutan na niya ang sarili niya. Kaya naman may mga dala akong pagkain at mga bagong damit na ipang-reregalo sakaniya.

Kumatok ako at nagulat nang umawang ang pinto. ❝Nakabukas? Bakit? Paano kapag may pumasok?❞

Pumasok akong puro tanong ang utak. Nang makarating sa kwarto ni James ay para akong naestatwa sa'king nakita.

Si James may kahalikang babae...

Sino 'to? Bakit? Paano? Ha?

Sa sobrang pagka-gulat ko ay nabitawan ko ang mga dala ko, dahilan upang mapatingin sila sakin at dahilan upang mapatingin sa'kin ang babae... hindi maaari... bakit siya pa? bakit ikaw pa...

Ashley...

Gulat silang napatingin sa'kin. Unti-unting nag bagsakan ang aking mga luha.

❝B-bakit?❞ 'Yan lamang ang katagang lumabas sa aking bibig.

❝Mahal...mag papaliwanag ako,❞ sabi ni James at lumapit sa'kin.

Akmang hahawakan ako nito, pero agad kong nilayo ang aking sarili.

❝Mahal...❞ malungkot nitong sabi sabay tumingin sa aking mga mata.

❝Hindi ko gusto 'yon mahal...siya ang humalik sa'kin,❞ paliwanag nito.

❝Pero hinalikan mo ako pabalik!❞ sabi ni Ashley, dahilan upang mapatingin ako sakanya.

❝Ashley, bakit? k-kaibigan kita 'd-'di ba?❞ umiiyak kung tanong.

❝Patawad, Kiera,❞ sabi nito sabay yumuko.

❝Iwan mo muna kami, Ashley. Pakiusap,❞ sabi ko dito sabay pinunasan ang aking mga luha.

Tumango 'to at kaagad na lumabas, tumingin muli ako kay James.

❝Mahal...patawad,❞ malungkot na sabi ni James sabay niyakap ako, hinayaan ko lamang siyang gawin sa'kin 'yun.

❝Naiintindihan kita James,❞ sabi ko, dahilan upang kumalas 'to sa pag kakayap sa'kin.

Tumingin ako sa mga mata nito, ang mga taksil kung luha ay unti-unti na namang nag patakan.

❝Pero pagod na ako...mag hiwalay na tayo,❞ umiiyak kung sabi.

❝Hindi ako papayag, Kiera! Pakiusap ayusin natin 'to,❞ sabi ni James, sabay hinawakan ang aking mga kamay. Kitang kita ko kung paano unti-unting bumagsak ang mga luha nito.

❝Akala ko ba naiintindihan mo ako kiera? bakit ka makikipag hiwalay?❞ Umiiyak nitong tanong.

Lumapit ako dito sabay hinawakan ang kanyang pisnge.

❝Palagi kitang naiintindihan James, pero pagod na ako,❞ sabi ko dito sabay pinunasan ang kanyang mga luha gamit ang aking palad.

❝Kiera, pakiusap h'wag mo akong iwan...❞ sabi nito sabay lumuhod na ikinagulat ko.

Lumuhod din ako upang mag pantay kami.

❝Patawad james, pero tapusin na natin 'to,❞ umiiyak ko paring sabi.

Nilapit ko ang mukha ko dito, at inilapat ang aking mga labi sa kanyang labi. Isang maiinit na halik ang aking ibinigay, bago tumayo.

❝Mahal kita...❞ Huling katagang binitawan ko sakanya bago lumabas ng kanyang condo.

Patawad james pero pagod na ako.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon