My Collaboration with Yuanna Protacio.
"Dhustine, tingin sa camera," utos sa'kin ni Nate pero dinedma ko lang siya. Love at first sight ba 'to? Nakatitig ako sa babaeng nasa likod niya. Simple pero elegante.
"Sino ba kasi 'yang tinitignan mo?" Nagulat ako nang makita si nate na nasa likod ko at hinahanap ang babaeng gusto ko. Oo, gusto. Na-love at first sight 'ata ako.
"Wala, wala! tara na do'n!" Pagtataboy ko sakaniya dahil baka pag nakita niya 'yung babaeng gusto ko ay magkagusto din siya. Ayoko no'n.
Nakapabilog kami dito sa upuan sa bar habang nag-uusap at umiinom obviously. Nang biglang dumating si Nate habang akbay-akbay ang nakita kong babae kanina.
Tumaas ang kilay ko. "Bakit mo siya kaakbay? Magkaano-ano kayo?"
Ngumiti siya sa'kin. "Kiesha pre, kaibigan ko simula highschool."
Ah, magkaibigan lang pala. Wala ng iba.
"Single ka, Miss?" pabirong tanong ni Gian. Binatukan ko siya at binigyan ng masamang tingin. "Sabi ko nga hehe. Pakilala mo naman, tol, si Dhustine sa kaibigan mo!"
Maayos ka naman palang kausap eh.
"Kiesha, si Dhustine, kaibigan ko." pagpapakilala niya sa'kin.
"Hi, ako nga pala si Kiesha." Inabot niya sakin ang kamay niya at nagkamayan kaming dalawa.
"Hi, ako naman si Dhustine," pagpapakilala ko habang abot langit na ang ngiti ko.
Mula nang araw na 'yon ay nag-umpisa na akong magpakita ng motibo kay Kiesha. Palagi ko siyang tinetext, tinatawagan at guwagawa narin ako paraan para mahulog siya sakin.
Isang gabi, tumawag siya sa'kin, umiiyak. Pumunta akong condo niya saka natagpuan siyang umiiyak.
"Bakit ka umiiyak? Anong problema?" tanong ko sakanya. Hinaplos ko ang buhok niya upang hindi matakpan Ang maganda niyang mukha. Umiling lang siya kaya hinawakan ko ang mukha niya. "Sabihin mo, makikinig ako." Oero gaya ng una, umiling lang siya. Niyakap ko siya upang hindi niya maramadamang nag-iisa at muling hinaplos ang buhok niya.
"Wala. Hindi lang talaga maganda ang pakiramdam ko. Hindi ko rin alam kung bakit.
Tuwing gabi bago ako matulog. Lagi 'kong tunitignan kung okay lang ba siya. Lagi ko siyang kinakantahan kahit Hindi ganon kaganda ang boses ko, handa akong kumanta para sakanya.
"Nate, samahan mo nga muna si Kiesha do'n sa Nbs. May urgent meeting kami e'."
[Ha? Asan ba si Kiesha? Saka nasabi mo na ba?] tanong niya mula sa kabilang linya.
"Oo, sasabihin ko palang. Nandito kami sa food court. Pasensya, tol ha. May tiwala naman ako sa'yo e'. Importante lang talaga."
[Okay lang. Sige na, baka malate ka pa.]
"Salamat pre. Maasahan ka talaga."
Lumapit ako kay Kiesha na nakapangalumbana habang nakasimangot. Hindi ko kasi siya masasamahan pero sasamahan naman siya ni Nate.
"Kiesha, si Nate muna ang bahala sayo ah?"
Agad lumiwanag ang mukha niya nang marinig ang pangalan ni Nate. Weird.
"Si Nate?" tanong niya habang nakangiti.
Tumango ako. "Oo."
"Okay. Sige na. Ingat ka ah?"
Pinapaalis niya agad ako na agad ko namang ginawa. May naaamoy akong hindi maganda pero alam ko naman na hindi nila magagawa 'yon sa'kin. Isa pa, malaki tiwala ko sakanilang dalawa. Tama. Magtitiwala lang ako. Ako naman gusto ni Kiesha e'.
Lumipas ang mga araw, palaging ganto ang ganap namin, pero hindi na katulad dati na nasa akin ang atensyon niya. Palagi nga kaming magkasama pero parang hangin lang ako sakanya. Ewan ko pero nararamdaman 'kong pinagkakaisahan ako. Nararamdaman kong may iba nang nakapukaw ng mata niya pero alam mo yung masakit? Nararamdaman kong importanteng tao 'rin siya sa'kin.
"Kiesha, anong problema?" Hindi ko na kaya 'to. Mahal ko siya pero ayaw kong sakalin siya dahil sa pagmamahal ko sakanya.
"'Wag muna ngayon Dustin pagod ako," saad niya habang nakatingin parin sa telepono niya.
"Bwiset na paraan. Sabihin mo, sinaktan ba kita? Lagi mo'kong dinededma. Oo, nandito ka nga pero Yung puso at isip mo nasa iba. na kay nate, tama ba?!" Sigaw ko. Hindi ko na kayang kontrolin Ang sarili ko sa sobrang sakit.
"P-paqno mo nalaman?" Tanong niya
"Ah totoo nga? Oo nga naman, totoo nga." Mapaklang Saad ko. Mahirap mapagka-isahan,sobra.
"H-hayaan mo'kong magaliwanag," naluluhang Saad niya. Hinayan kong umiyak ang babaeng mahal ko. Napakatanga mo dhustine
"Wala ka ng dapat ipaliwanag kiesha. Naiintindihan ko. Kailangan kong intindihin para sa sarili ko. Pero alam mo, ang sakit mapagkaisahan nang babaeng gusto mo at nang best friend mo. Wala akong karapatang magalit dahil hindi ka akin. Wala akong karapatang umaangal dahil wala lang ako sayo. Pinapalaya na kita. Mahal, paalam." Hinalikan ko siya sa noo bago ako tumalikod
Ang sakit isipin na hindi ko siya pwedeng ipaglaban dahil hindi siya sakin. Hindi ko siya pwedeng angkinin kase iba ang nagmamay-ari sakanya.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
General FictionCompilation of One-shot stories that I've written and others are my collaboration stories with my co's. Enjoy Reading!!