“Sweet naman ng mahal ko.” Bahagya pa nitong pinisil ang aking ilong.
“Say ahh,” sambit ko habang nakamwestra ang kutsara sa kanyang bibig. “Ahh.”
Tumunog 'yung phone ko at nakita kong may tumatawag.
“Mahal, sagutin ko lang to ah?” Yumakap muna ito nang mahigpit at hinalikan ako sa noo.
Bahagya muna akong lumayo para makapag usap kami ng kaklase ko ng maayos.“Hello?”
[Daenarys, nasa'n kana? May group project tayo, 'wag mo sabihing nakalimutan mo.]
“Parang ganun na nga hehe.”
[Hays. Kailangan ka namin dahil ikaw yung matalino dito, okay? Dito tayo sa bahay nila Sanji. We need you. Asap.]
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay pinatay na nito ang tawag.
“Uhm Mahal, sorry pero pwede umalis muna ko? Kailangan daw kasi ako nila Leanah eh.”
“U-uh ganon ba? Sige.”
I hugged him. “Thank you. I love you, Mahal.”
“I love you.”
This past few days ay naging busy talaga ako as in. Cheerdance, Modelling, Group projects, Individual school works kaya naman nawawalan na ako ng oras kay Hadji.
“Mahal, busy ka pa ba?” malungkot na tanong ni Keith.
❝Opo. Sorry, mahal. Promise babawi ako,❞
❝It's okay. I understand.❞
Miss na miss ko na si Keith. Kaya naman naisipan kong makipagkita sakanya ngayong sabado sa isang Cafe.
❝I missed you,❞ 'yan agad ang lumabas sa bibig ko pagkakita ko sakanya at akin siyang niyakap ng mahigpit.
❝Mahal, namiss mo rin ba ako?❞ malambing kong tanong dito.
❝Mahal?❞ tawag ko dito ngunit napansin kong hindi sakin nakafocus ang kanyang atensyon kundi sa phone niya hays.
Araw ng linggo at nandito ako ngayon sa Park naglalakad-lakad, katatapos ko lang kasing gawin projects ko kaya magmumuni-muni muna ako.
Habang naglalakad ay 'di ko maiwasang mapatingin sa magka-karelasyong naglalambingan. Ngunit may isang couple ang nakakuha ng atensyon ko.
❝Mahal, nasa'n ka?❞ tinawagan ko si Keith upang masiguro kung siya ba 'yon.
Nakita kong lumayo ang lalaki sa babae at sinagot ang naturang tawag.
[Nasa bahay ako, bakit?]
❝Sinong kasama mo?❞
[Ako lang.]
Pagkatapos kong marinig 'yan ay tumalikod na ako at umalis. Sapat na ang kasinungalingan na narinig ko.
Niloko niya ako. Niloko ako ng taong wala akong ibang ginawa kundi ang mahalin siya pero nagawa pa din niyang magloko.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
General FictionCompilation of One-shot stories that I've written and others are my collaboration stories with my co's. Enjoy Reading!!