7. IS THERE STILL AN US? (PT. 2)

17 2 0
                                    

❝Buzz! Buzz!❞

Minulat ko ang mata ko ng marinig ko ang tunog ng alarm sa side ko.

I'm successful now. I've got everything I want. I reached my dreams. I own a big company not just here in the philippines but all over the world. Nakapagpatayo na ako ng bahay sa mga magulang ko.

Bumangon ako at nag-ayos na para sa pagpasok.

❝Good morning, anak. May pagkain na sa mesa.❞ nakangiting bati ni Yaya.

Simula nang lumipat ako dito sa condo since medyo malayo ang bahay namin sa trabaho.

Nagsuggest si Mama na maghire ako ng nanny dahil nga busy ako lagi.

❝Good morning, ya,❞ bati ko.

Pagkatapos ko kumain ay nagdrive na ako papuntang work.

❝Good morning, Ms. Quintos.❞ nakangiting bati ng mga employees ko.
Nginitian ko lang sila at nagtuloy na sa office ko.

❝Good morning, Ma'am,❞ bati ng secretary ko na nginitian ko lang din.

❝Uh, Ma'am. May naghihintay po sayo sa lounge.❞ nag-aalinlangan niyang sabi.

❝Sino?❞

❝Ayaw niya pong sabihin 'yung name e. Basta po nasa lounge siya at maghihintay daw po siya sayo do'n,❞ saad niya. Tumango ako at agad na nagtungo sa lounge.

Pagpunta kong lounge ay nandon si Kib may hawak na bunggkos ng nga bulaklak.

❝What are you doing here?❞ I asked him.
He looked at me with full of sadness in his eyes.

❝Love...❞
Love huh? Tsk.

❝I miss you,❞ he said and smile a bit.

❝Again. What are you doing here?❞

❝Balik na tayo sa dati please...❞ he begged.

❝Anong babalik? Wala ng babalik sa dati, Kib!❞

Tumingala siya at pinaypayan ang mata siguro sinusubukan na wag umiyak pero lintek na mga luha traydor. Ayun at nagsiagos na parang gripo.

Dati nasasaktan akong nakikita siyang umiiyak. Ngayon? Hindi na dahil awa nalang nararamdaman ko. Wala na 'yung pagmamahal ko sakanya na buong buo noon.

❝I'm sorry, baby. Sorry!❞ Lumuhod siya at humagulgol sa kamay kong hawak hawak niya.

Nakatingin lang ako sakanya ng walang ekspresyon dahil wala na talaga akong naf-feel. Kahit sparks? wala.

❝Get out,❞ sinubukan kong paalisin siya sa pwesto niya.

❝Ayaw! Ayaw ko! Dahil sa oras na bitawan ko ulit 'tong kamay mo ay makakawala ka na naman at iiwan mo ako. Ayoko...❞ umiiling niyang saad.

❝Anyare sayo? E, ikaw nga 'tong nang-iwan saken tapos sasabihin mo sa oras na bitawan mo ako ay makakawala at iiwan kita?!❞ huminga ako ng malalim at nagpatuloy.

❝Ako ba 'yung nang-iwan, Kib? Ako ba 'yung may iba habang may tayo? Ako ba 'yung nag-cheat? Ha? Ako ba?!❞ Frustrated kong sabi.

❝Feleona, I'm begging you please...Balik na tayo.❞ umiyak pa siya lalo.

❝Nasa'n na si Phoebe?❞ I asked him. Siya dapat ang kasama ni Kib.

❝She cheated,❞ oh?

❝Oh, the cheater cheated by his partner,❞ I said.

❝Fely,❞ he tried to reach my hands again pero nilayo ko agad ang sarili ko sakanya.

❝Ano? Dahil wala na siya babalik ka nalang dito na parang wang nangyari? Babalik ka saken dahil iniwan ka nung pinili mo? Babalik ka kasi kailangan mo ako? Ang kapal ng mukha mo!❞ Kung kanina ay awa ang nararamdaman ko para sakanya pwes ngayon ay puro pagkamuhi at galit na.

❝Hindi naman sa gano'n, Fely,❞ he said.

❝Hmm? Then reason out,❞

❝Uh...Uhm...❞ nangangapa siya ng salita.

❝Wala kang masabing rason 'di ba? Kasi totoo 'yung sinabi ko! Na babalik kalang dahil iniwan ka nung pinili mo! And it's too late, Kib. It's been fucking 4 years for pete's sake!❞ frustrated kong sabi.

❝I'm sorry...❞ sinubukan niyang abutin ang kamay ko ngunit agad kong iniilag 'yon.

❝Matatanggal ba ng sorry mo 'yung mga panahong lugmok na lugmok ako dahil sinaktan mo ako?!❞ sigaw ko.

❝Hindi,❞ nakayuko niyang sabi.

❝Alam mo naman pala e, ba't nandito ka pa?!❞

Kung kanina naaawa pa ako sa kalagayan niya pwes ngayon hindi na dahil puro galit na ang nararamdaman ko at sakit.

❝Do you hate me now?❞ he asked.

❝I don't hate you. I'm just disappointed you turned into someone you said you'd never be.❞

❝Feleona,❞ bulong niya.

Tinalikuran ko nalang siya at tahimik na umiyak.

May mga tao lang talagang dadaan sa buhay mo para turuan ka ng leksyon, turuan kang magmahal, pero hindi ibig sabihin nun na mananatili na siya sa buhay mo. Dadaan lang sila para sa dahilan na 'yon at hanggang doon lang iyon.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon