❝Love, alam mo ba-❞ naputol ang sasabihin ko dahil may nakakuha ng atensyon ni Zion, which is ang mga bumati sakanya.
I secretly got jealous when someone else gets your attention, like fuck I'm here.
❝And the Ms. Intramurals Champion is...❞
Magkahawak kamay kaming nakaharap sa isa't-isa ni Alexa. Isa sa 'min ang maaaring maging Ms. Intrams o 1st Runner up kaya naman kabado kaming dalawa.
❝Is...Vhea Dela Cuadra! Congrats Ms. Vhea for winning the Ms. Intramurals and Congrats Ms. Alexa for being the first runner up. Again, Congrats to the both of you!❞ Announced ng Mc.
Napahawak ako sa bibig ko dahil sa narinig.
Omg! I won right? I won!!
Sinabit sa 'kin ang sash, inabot ang trophy at binigay ang cash prize.
Agad hinanap ng mga mata ko si Zion sa dagat ng mga tao at nakita ko rin naman agad siya dahil pinapalibutan siya ng mga tao at anlalakas ng tawanan nila.
Ni hindi niya man lang ako nagawang lapitan at batiin.
❝Anak, nandyan si Jeromme sa labas,❞ saad ni Mama.
Ngayong gabi ang victory party ko at nandito halos lahat ng kaibigan ko sa bahay upang makisalo.
❝Oh Jerome, nandito ka pala! Halika pasok ka sa loob!❞ Inanyayahan ko siya.
Umiling siya. ❝Hindi na. Pwede ba tayong mag-usap? Sa park tayo kasi importante sasabihin ko, ❞ aniya.
❝Ah sige. Papaalam lang ako kay Zion,❞ saad ko saka hinanap si Zion.
Nakita ko si Zion na katawanan ang mga kaibigan ko.
❝Love,❞ tinawag ko siya ngunit hindi niya yata ako narinig.
❝Love...❞ pag-uulit ko.
❝Oh?❞ sa puntong 'yon ay napansin na niya ako.
❝Aalis muna ako saglit dyan lang a-❞ he cut me off.
❝Pumunta ka na kung sa'n ka pupunta at wag mo na akong istorbohin!❞ Iwinasiwas niya pa ang kamay niya habang pinapaalis niya ako.
❝Okay,❞ bulong ko.
Seems like someone got his attention but sadly that someone is not me.
❝Kanina ka pa pre-occupied, may nangyari ba?❞ Jeremme asked me. Mula kasi nang paalisin ako na parang kung sino lang ni Zion ay nag-iba na mood ko at kung sa'n-sa'n na lumipad ang isip ko.
❝Uh, wala 'to sorry. Ano nga pala sinasabi mo?❞ I asked him.
Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at tinitigan ako sa mata na ikinailang ko at kanina ang tingin habang siya ay matiim na nakatitig sa 'kin.
❝Okay pa ba kayo ni Zion?❞
Okay pa naman 'di ba? Masaya pa naman ako-siya ba?
❝Hindi na 'di ba?❞
❝Ewan ko. Lately kasi ay nawawalan na siya ng oras sa 'kin at nawawala na sa 'kin ang atensyon niya.❞ umiyak na ako.
Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit. I don't know but I feel comfortable when he hugged me.
❝Shh,❞ saad niya habang inaalo ang ulo ko.
❝What's the meaning of this?❞ agad akong napahiwalay ng narinig ko ang boses ni Zion.
❝Love...❞
I can see anger in his eyes.
❝Ba't kayo magkayakap ha?!❞ sigaw niya.
❝Pre, wala kaming ginagawang masama ni Natasha,❞ si Jeromme.
❝Hindi kita kinakausap kaya manahimik ka dyan!❞ sigaw ni Zion kay Jeromme.
❝Misunderstanding lang 'tong nangyayari kaya mabuti pa ay mag-usap kayong dalawa,❞ mahinahon na sabi ni Jeromme.
❝Iwanan mo na kami dito,❞ Saad ni Zion.
Ngumiti sa 'kin si Jeromme at umalis.
❝Ano 'yung nakita ko, Natasha?!❞
Tinawag niya ako sa pangalan ko at hindi sa endearment namin.
❝Wala lang 'yon,❞ pagod kong saad.
❝Anong wala lang ha?!❞ sigaw niya.
❝Wala nga lang,❞ tinalikuran ko siya dahil sa totoo lang wala na akong lakas.
❝Wag na wag mo akomg tinatalikuran kapag magkausap tayo, Vhea,❞ seryoso niyang sabi.
❝Pagod ako, okay?!❞ sigaw ko.
❝Pagod kana? Saan? Sa 'kin o sa 'tin?❞
❝Ewan. Pagod na ako sa lahat ng nangyayari! Pagod na pagod na ako manlimos ng atensyon mo! Pagod na akong maging option! Hindi ko ramdam na girlfriend mo pa ako dahil sa totoo lang ako 'yung girlfriend mo pero mukhang hindi dahil sa p*tanginang atensyon na 'yan!❞ alam kong nagkalat na ang luha sa aking mga mata.
❝Vhea...❞
❝Ano?! I just need your attention and you can't give it!❞
❝Ano bang sinasabi mo dyan?❞ lito niyang sabi.
❝I just need your attention!❞
❝Ang babaw-babaw ng rason mo!❞ sigaw niya.
Sinisigawan niya na ako.
❝Pa'no naging mababaw ha? E' isa 'yan sa factors ng relationship kaya tell me! Tell me pa'no naging mababaw na rason 'yun ha?❞ Pinagpapalo ko siya sa dibdib.
❝Ambabaw mo, Vhea. Let's break up,❞ he said.
❝Okay,❞ taas noo kong saad saka tumalikod at tahimik na umiyak.
Mababaw bang rason 'yung paghingi ng atensyon sa taong mahal mo?
I'm Vhea seeking attention to the person who doesn't care about me.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
General FictionCompilation of One-shot stories that I've written and others are my collaboration stories with my co's. Enjoy Reading!!