❝Hi Hades!❞ bati ko sakanya. Si Hades ang crush ko since bata pa ako. And until now siya parin. Hindi ko na nga alam kung crush pa ba 'to o love na e. Lahat ginawa ko na para lang makuha 'yung atensyon niya kaso nga lang waley.
❝Small world hindi ba? Lagi nalang kitang nakakatagpo kahit saan ako magpunta hihi.❞ sabi ko. Lagi kasi kaming nagkikita nitong si Hades kaso nga lang waley pa rin kahit nagkikita kami para akong hindi nag e-exist sa mundo niya. Although okay lang atlis nasilayan ko man lang siya.
❝Kala mo hindi ko alam na lagi kang sumusunod sakin? Na kahit saan ako magpunta nandun ka rin? Hindi ako tanga, Qwynzie, alam ko na mga gawain mo.❞ sagot niya na ikinagulat ko. Bukod kasi sa 'yan ang pinakamahaba niyang nasabi e alam na rin pala ang ginagawa ko.
❝A-anong sinasabi mo, Hades?❞
❝Kala mo hindi ko napapakinggan 'yung mga sinasabi mo noon no? Mahal mo pala ako pero sadly hindi na ako magtatagal sa mundong 'to.❞ sambit niya ngunit ang nakakuha ng atensyon ko ay ang huli niyang mga sinabi. Ramdam kong sumikip ang dibdib ko kaya hinawakan ko ito.
❝What do you mean?❞ I asked him.
❝You'll find out soon. Makakahanap karin ng much better kesa sakin. 'Yung lalaking handa kang samahan at mahalin hanggang sa kanyang huling hininga. At hindi ako 'yung lalaking 'yon, Qwynzie.❞ he said.
❝Maybe you weren't the one for me,
but deep down I wanted you to be...❞ I said.❝Hindi na nga kasi ako magtatagal dito sa mundo. Sorry, baby. ❞ he gently kiss my forehead and pull me into a hug.
❝Ba't nga kasi?❞ nagumpisa ng magsitulo ang mga luha ko. I want his heart. I want him, all of him.
❝Shh don't cry, baby ❞ he hug me tighter. Ngunit lalo lang akong umiyak sa dibdib niya. Basang basa na 'yung shirt niya ngunit hindi siya nagalit man lang.
❝Always remember this okay? I love you.❞ he said and pressed his lips on mine.
Ilang linggo ko ng hindi nakikita si Hades. Ano na kaya nangyari sakanya? Sinubukan ko na ring pumunta sa bahay nila ngunit walang katao-tao 'don. I miss him.
❝Anak, may magandang balita ako sayo!❞ sambit ni Mama.
❝My heart donor kana, anak.❞ naiyak naman ako sa tuwa. Sandali kong nakalimutan 'yung pagkawala ni Hades.
❝Talaga, mama?❞ baka kasi joki joki lang 'to.
Kinurot ko rin ang sarili mo baka nananaginip pa ako. Tinampal naman ni mama ang kamay kong pilit sinasaktan sarili ko❝Oo, anak. Totoong-totoo 'to. Kaya't magimpake kana at tutungo na tayo sa hospital para mapalitan na 'yang puso mo.❞
Since birth kasi meron akong congenital heart disease kaya kailangang kailangan ko ng heart donor kundi ay mamamatay ako. Hindi kakayanin ng puso kong magtagal.
❝Wag kang kabahan ako ah? Nandito lang kami sa labas at pagp-pray ka namin.❞ sabi ni Mama at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
Gusto kong sabihin kay Hades na nakahanap na ako ng donor. Gusto kong sabihin na magtatagal na ako dito sa mundo. Pwede na kami. Ngunit pano ko sasabihin? E wala nga siya kahit mismong mga magulang niya dun sa bahay nila.
❝Are you ready, Miss Qwynzie?❞ the doctor asked me. Siya ang magpapalit ng puso ko. Nagtitiwala naman ako sakanya since siya na doctor ko mula ng makuha ko 'tong sakit na 'to.
Bago magsimula ang operasyon naramdaman kong may tinurok sakin at dahan dahan akong nakatulog.
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. Puro puti. Nasa langit na ba ako? Hindi ba successful ang operasyon? May narinig akong langitngit ng pinto. At narinig ko ang boses ni Mama.
❝Anak? Ayos kana ba?❞ may pinindot siyang button sa taas ng ulo ko at nagsidatingan ang doctor ko.
May mga tinanong sila sakin at tinurok sa dextrose ko. Habang si Mama naman ay nasa gilid ng kama ko hawak ang kamay ko.
Sino kaya ang donor ko? Gusto kong magpasalamat sakanya dahil binigay niya 'yung buhay niya sakin. Pero pa'no? E patay na siya panigurado.
❝Ma...❞ Tawag ko kay Mama.
Inangat niya naman ang kanyang ulo at ngumiti sakin.
❝Ma, sino po bang donor ko?❞
❝Si Hades anak! Yung anak ng kapitbahay natin. Diba crush mo 'yon noon? Jusko sobrang bait at nagpresinta bilang donor mo-❞ napatigil si Mama dahil napahagulgol nalang ako bigla.
Bakit siya pa?
Nasasaktan ako. Kaya pala sinabi niyang hindi na siya magtatagal ay dahil ako ang magtatagal.
❝Umiiyak ka siguro dahil sa sobrang saya mo anak no? Naku dapat lang.❞ hindi ko na pinansin si Mama at dali daling tumayo.
Nakaramdam naman ako ng hilo at kumalma saglit tapos pinagtatanggal 'yung mga apparatus na nakakabit sa katawan ko.
❝Anak! Hindi ka pa pwedeng lumabas! Hindi pa maayos ang lagay mo!❞ sigaw ni Mama pero hindi ko ulit pinansin at dumiretso sa chapel ng hospital.
Pagdating ko 'don agad akong lumuhod at tahimik na umiiyak.
Mahal na Panginoon, bakit siya pa? Bakit kailangan niya pang gawin 'to? Andami kong gustong sabihin pero wala akong lakas dahil sa patuloy kong pag-iyak.
❝Qwynzie.❞ nagulat ako ng biglang may humawak sa balikat ko at pagtingin ko ay si Tita, ang mama ni Hades.
❝Tita...❞ lalo akong nanghina ng yumakap siya sa'kin at humagulgol.
❝Shh...❞ aniya.
❝B-bakit niya po n-nagawa 'yon?❞
❝He's willing to compromise and make sacrifices for you.❞ mahinahon na saad ni Tita.
❝W-why?❞
❝It's because he loves you.❞
I got his heart, because he's my donor.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
General FictionCompilation of One-shot stories that I've written and others are my collaboration stories with my co's. Enjoy Reading!!