35. I WAS ABANDONED BY MY FRIENDS

11 2 0
                                    

❝Zoe, let's go to the cr,❞ yaya sa'kin ng kaibigan kong si Isla.

Tumayo ako at nagpaalam sa teacher namin.

❝Anong gagawin natin do'n? E' kaka-cr mo palang kanina,❞ taka kong tanong.

❝Charot lang! Sa Canteen tayo pupunta,❞ saad niya at tumawa.

I knocked her head softly. ❝You're crazy!❞

Pagpunta naming canteen ay kumain kami at hinintay na matapos ang oras ng teacher namin.

Hindi naman cutting tawag dito sa ginawa namin kasi malapit naman na recess bale nagpalipas lang kami oras ahe.

❝Ay mga dai, may chichika ako!❞ wika ni Marmar. Ang bakla sa grupo naming magkakaibigan.

❝Ano na naman bang chismis 'yan?❞ si Geraldine.

❝E' kasi gan'to nga, 'di ba may training kami sa taekwondo kanina. Kilala niyo naman si Elijah 'di ba?❞ tanong niya na agad naming tinanguan.

❝Pa'no namin hindi makikilala e' halos araw-araw ay siya ang bukambibig mo!❞ ani ko at nagtawanan kaming lahat.

❝Ang gwapo kasi at daks pa!❞ humagikgik siya.

❝Tuloy mo na kwento mo,❞

Huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy.

❝Kasi nag-cr ako kanina habang nagt-training. Wala e' puputok na pantog ko. Pagkapasok ko sa cr 'di ko namalayan sumunod pala siya beh!❞

Nagkatinginan kaming lahat at sabay-sabay na umiling dahil sa kwento ni Bakla. Halatang kinikilig si gaga.

❝'Di niya yata alam na bakla ako, basta niya nalang binaba 'yung pants niya saka umihi!❞

❝Ano namang ginawa mo?❞ natatawang tanong ni Juliet.

❝Syempre gulat pa ako edi nakatitig lang ako dun sa ano niya,❞

❝Pfft. Ano niya?❞ tanong ko.

❝Do'n sa baba!❞ aniya at binaba ang tingin sa junjun niya amp.

❝Daks o Juts?❞ tanong ni Juliet. Pinakamalibog sa'mimg magkakaibigan.

❝Daks 'te!❞ tumawa siya. Nagtawanan kaming lahat.

Nagulat ako ng may biglang pumitik sa noo ko.

❝Umiiyak ka na naman,❞ Autumn said and wipe my tears.

A smile formed on my lips and looked at her. ❝Hindi ko namalayan. Sorry,❞

❝Shh. Okay lang 'yan,❞

Malungkot akong tumingin kila Marmar na nasa bench at tumatawa.

When you onced used to be part of that circle of friends and you noticed that you are being left out but all you can do is observe and wait for them to notice your existence, again.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon