57. LETTING GO

4 0 0
                                    

“I'm no longer inlove with you. Let's break up,” wika niya na unti-unting nagpawala sa mga ngiti ko.

Nandito kami ngayon sa Park kung saan nagsimula ang lahat. Sa Parke na mapayapa at malamig ang simoy ng hangin.

“Why?” tanong ko habang pinapanood ang kanyang buhok na sumasayaw sa hangin.

“I already said it. I don't love you anymore,” he replied and sighed.

“Why?” I asked again.

“Anong why? Hindi na nga kita mahal. Tanga ka ba? Simpleng salita hindi mo pa maintindihan.”

I bit my lower lip and looked up to prevent myself from crying.

“Gusto kong malaman. Bakit hindi mo na ako mahal? Bakit nawala ang pagmamahal mo sa'kin nang gano'n lang kadali?” I immediately felt a lump in my throat and sadness.

“Ewan ko! Hindi ko alam!” he yelled.

“Don't give me that bullsh*t!”

He stared at me coldly. “Hayaan mo nalang ako, Daenarys. Hayaan mo nalang na umalis ako, please. Hayaan mong iwan kita kasi matagal ko ng gustong gawin 'to. Matagal na akong nagtitiis sa ugali mo. Matagal na akong nagdurusa dahil hindi ko naman talaga gusto 'yung mga pinapagawa mo at ginagawa ko. Lahat 'yon, nagawa ko dahil napilitan lang ako. Napilitan dahil sa awa. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob.”

“Matagal na pala. Bakit ngayon mo lang sinabi? Ba't pinatagal mo pa? Pinatagal mo tapos ngayon bibiglain mo 'ko? Saka nagsasawa kana pala sa'kin ba't 'di ko man lang napansin?” I said while my voice is trembling.

“E' kasi naaawa ako sa'yo. Nakita ko noon kung paano ka nalugmok sa kalungkutan noong naiwan ka. Gustuhin ko mang hindi ka iwan pero kasi hindi ko na kaya...” His eyes started to water from tears.

“Nakalimutan mo na ba 'yung sinabi ko?” I gave him a half-smile.

“Na?” he asked. His eyes were wet.

“Kapag hindi mo na ako love, iwan mo nalang ako. Piliin mo kung saan ka sasaya, ayoko kasing nakikita kitang pinipilit mo nalang 'yung sarili mo sa'kin, ayoko rin nang mahal mo ako dahil napipilitan ka o naaawa ka, basta kung 'di mo na ako love. Just leave, ako na bahala sa sarili ko.”

“Hindi ko kinaya noon kaya nagstay ako hanggang ngayon.”

“So, pilit nga lang lahat 'yon?” tanong ko na tinanguan niya.

“O-Oo...” alanganin niyang wika.

I chuckled sarcastically.

“Pero minahal naman kita,” agap niya.

“Minahal...”

“Hindi na kita mahal,” he said once again.

My heart broke into million pieces.

“Pagmamahal ba lahat ng 'yon? Kung pagmamahal 'yon, bakit ang bilis nawala?” I asked out of confusion.

“Trust me, Daenarys. Minahal kita noon. Totoong minahal kita,” he insisted.

I just shrugged.

4 years na kami. Gano'n pala talaga 'no? Kahit legal pa kayo sa pamilya niyo, Kahit ilang taon na kayong magkakilala at nagsasama, Kahit planado na future niyong dalawa.

Kapag dumating talaga 'yung point na wala na 'yung pagmamahal niya talaga sa'yo, nagsawa na o kaya pagod na kakaintindi sa'yo. Wala kang magagawa.

“Sige na. Umalis kana.” Tears ran down my cheeks.

“Sorry, Daenarys.”

Love isn't about the people around you, or the years, or how promising your future together is.

“Hadji,” I whispered.

Minsan kailangan mong tanggapin na dumating lang siya sa buhay mo para pasayahin ka ng panandalian...

Hindi pang habangbuhay.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon