I ALREADY HAVE A REASON TO LIVE BUT DESTINY PLAYED US (COLLAB STORY)

3 0 0
                                    

My Collaboration story with Yakult Protacio.

Nakahiga ako sa kama habang nag s-scroll sa newsfeed ko. Nang makita ko ang isang post about sa teenager na namatay dahil sa kakapuyat.

Natawa nalang ako dahil malabo mangyari 'yun na mamamatay ka sa kapupuyat?

That's pretty funny kasi ako lagi naman puyat pero buhay pa? siguro namatay 'yun sa pabaya sa sarili.

Biglang nag pop-up yung chat head ng gc naming magkakaibigan.

Yndra:
Good night.

Ako:
Ha? Ang aga niyo naman 'ata matulog?

Takang tanong ko 12 mn. palang naman dati-dati kasi umaabot kami ng kaibigan ko hanggang 6 ng umaga.

Yndra:
Ayaw ko pa mamatay kaya sasabayan ko nalang si John sa pag tulog. Meron na naman namatay dahil sa puyat.

She explained. John is her boyfriend.

Yndra:
Good night, Maine. Matulog kana din.

Habol pa nito bago nag out. Sineen ko nalang at bumalik sa pag-scroll.

Napaisip ako if totoo ba talaga 'yun? Hindi pa kasi ako nag kakasakit since-birth bukod sa lagnat, wala ng ibang dumapong sakit sa'kin kaya na-curious ako kung ano feeling ng may sakit.

Tumayo ako at lumapit sa kalendaryo. I marked the day June 1. Simula ngayon mag papabaya ako para mag kasakit ako 1month lang naman.

Bumalik na ako sa higaan ko at muling hinawakan ang cellphone ko mamaya na ako matutulog dahil maaga pa naman pero sa iba umaga na.

Gian:
Maine, can we talk?

His my crush since elementary.

Ako:
Sure, baby. HAHAHA char.

Ni-heart react nya. Mahgad love na'ko ni crush yiiee HAHHAHA!! Nag pagulong gulong ako sa kama dahil sa kilig.

Typing palang haba ata ng sasabihin. Kagat kagat ko 'yung kuko ko habang hinihintay reply niya.

Gian:
Ayt weak. May char HAHAHA.

Arghh pasado na capslock tumawa.

Gian:
Maine, I know I'm not your ideal man. I'm not perfect and I'm not that so blessed like the other guy out there. Yes, maybe I don't have the things like the other man have. But I can promise you that I will give you what they can't give you and that's is my love, trust, and the whole me.

Habang binabasa ko 'to 'di ko maiwasang kiligin like totoo ba 'to? Ano ibig sabihin nito? Wait kukurutin ko sarili ko baka panaginip lang.

❝Aray!❞ Nasaktan ako so mean hindi panaginip.

Ako:
What do you mean?

Panes englisherist ako well kunwari 'di ko alam haha.

Typing palang halos umabot na ng langit ngiti ko mas lalo pa akong natuwa ng matapos sya mag type.

Gian:
Maine I like you since then, ngayon lang ako nag lakas loob.

Mensaje nito na nag pa-hulog sakin... sa Kama kaka-gulong.

Gian:
Pwede manligaw?

Dagdag pa nito. Uwuuuu mah hart.

Simula no'n lagi na kami nag cha-chat mas lumala pa pag pupuyat ko. Pero wala akong pake dahil sya naman dahilan at hindi na 'yung challenge.

Nagising ako sa hampas ni kuya. ❝Aray!❞ Sigaw ko sa sobrang sakit. Ansakit ng ulo ko. Hindi dahil sa hampas ni kuya.

❝Oy! Mahina lang 'yun 'wag ka oa,❞ wika ni kuya pero hindi ko ito pinansin.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon