24. LOVE OF MY LIFE

9 2 0
                                    

❝Mahal.❞ Kinalabit ako ni Elixir. Long time girlfriend ko.

❝Hmm?❞ Tanong ko pero hindi tumingin sakanya dahil busy ako sa sinusulat ko.

❝Mahaaaaal,❞ Pinagpatuloy niya ang pangungulit sakin at nang 'di ko na nakayanan ay hinarap ko siya.

❝Anong kailangan ng mahal ko?❞ Malambing kong tanong.

❝Nilalamig ako, need ko hug.❞ Aniya at binuka ang mga braso upang iwelcome ang yakap ko.

❝I love you.❞ I kissed her forehead.

❝I love you more.❞ She hugged me tighter.

••

Ginagawa ko ang assignment ko ng biglang tumunog ang phone ko at nakitang si Elixir 'yon.

❝Hello Mahal?❞ Ako.

❝Mahal huhuhu,❞ Naalarma ako bigla ng marinig ko ang iilang hikbi niya.

❝Ba't ka umiiyak?❞ Nag-aalala kong tanong.

❝Bumalik na si Demonise!❞ Oh. Hindi agad ako nakasagot kaya naman kung ano-anong paratang ang pinagbabato niya saken.

❝Oh ano? 'Di ka na makapagsalita 'no? Babalik ka na sakanya? 'Di ba matagal mo rin siyang nihintay? Oh ayan nandyan na,❞ Aniya.

❝What are you talking about?❞ Naguguluhan kong tanong.. Hindi ko kailanman hinintay si Demonise.

❝Nandyan na si Demonise. You can be with her now. I'm letting you go.❞ What?!

❝Pupuntahan kita 'jan.❞

Pinuntahan ko siya sa bahay nila at humingi ng paumanhin sa mga magulang niya dahil gabi na at naistorbo ko pa sila.

❝Elixir anak! Bumaba ka dahil nandito ang nobyo mo!❞ Sigaw ni Tita.

Nakita ko naman ang pagbaba niya habang nakasimangot at may mga bakas pa ng luha sa kanyang pisnge.

Nang makalapit siya ay agad ko siyang hinila at niyakap ng mahigpit.

❝Why?❞ Tinitigan ko siya sa mata. Damn. She's so beautiful.

❝Anong why ka jan ha?!❞ Singhal niya. Napangiti naman ako. She's so cute.

❝At anong nginingiti-ngiti mo jan lalake ha?❞ Sambit niya saka nilagay ang magkabilang kamay sa magkabilang baywang. ❝Siguro natutuwa ka dahil bumalik na ulit si Demonise no? You still love her don't you?❞ Akusa niya

❝No, I don't love her anymore.❞ Seryoso kong saad.

❝I don't believe you. Mag-break na tayo.❞ Natigilan ako sa sinabi niya. Agad kong hinagilap ang kamay niya saka ito hinawakan ng mahigpit.

❝No, hindi tayo mag b-break. Pinaghirapan kitang makuha tapos maghihiwalay tayo dahil lang jan? Hindi ako papayag,❞ Umiwas siya ng tingin kaya naman kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para mahawakan ang magkabilang pisngi niya at kinabisado ang bawat parte ng mukha niya.

❝You're so Precious to me and I don't want to let you go. I love you, baby.❞

••

Naglalakad ako sa corridor ng bigla akong mapahinto dahil nakita ko si Demonise sa harap ko. Lalagpasan ko na dapat siya pero hinawakan niya ang papulsuhan ko.

❝Let's talk,❞

❝Ano namang pag-uusapan natin?❞ Malamig kong tanong. Natatakot akong makita kami ni Elixie na magkasama. Baka kasi pag-awayan na naman namin 'to.

❝About us.❞ Aniya.

❝There's nothing about us and there's nothing to talk about,❞ Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa kanyang mga mata pero agad siyang ngumiti upang mapalis 'yon.

❝Please..❞ Tumingin siya sa mata ko ng nagsusumamo.

Sa 'di kalayuan ay nakita ko si Elixir. Wtf.

❝I need to go.❞ Sambit ko saka lalagpasan na sana siya ngunit hinawakan niya ng mariin ang papulsuhan ko.

❝Let's talk please,❞

No, I don't want to. I love Elixir so much. Talking to her means Elixir will be jealous. Ayokong gumawa o makahanap ng bagay si Elixir na ikakaselos niya.

Ayaw niyang bitawan ang papulsuhan ko kaya wala akong ibang nagawa kundi ang itulak siya na ikinatumba niya. Wala ako sa mood para alalayan siya upang makatayo.

I need to find Elixir. I know what she's thinking right now.

❝Baby, where are you?❞ I wisphered and try to call her phone again but she was unreachable.

❝WHYYYYY!❞ Nakarinig ako ng sigaw at hikbi. Alam ko kung kanino 'yon.

Pumunta ako sa garden na matatagpuan sa likod ng building namin. Hayun siya, nakaupo sa sanga ng puno at umiiyak habang pinapalo ng paulit-ulit ang dibdib niya.

Nanghina ako bigla sa nakikita ko. 'Yung babaeng pinakamamahal ko, umiiyak na naman dahil sakin. Hindi na ako nagdalawang isip pa at agad na lumapit sakanya at niyakap siya ng mahigpit.

Pinagpapalo niya ako sa dibdib ko. Masakit ngunit wala ng mas sasakit pa sa nakikita ko ngayon na umiiyak siya. Hinayaan ko siyang suntukin ang dibdib ko at hinaplos ng marahan ang buhok niya habang yakap siya.

❝Ano?! Nagkabalikan na ba kayo? Iiwan mo na ba ako? Kasi kung oo hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin. Mahal na mahal kita, Katsuki eh. ❞

Hinalikan ko ang noo niya at lalong hinigpitan ang yakap.

❝Iwan ka? Hinding-hindi ko magagawa 'yon, Mahal. You are my everything. Mahal na mahal kita.❞

Medyo kumalma siya kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.

❝My universe, worry not, for I'll always choose you. I'll choose you over anything and anyone; in all places and all circumstances. It'll always be you. No, if's, no but's. Just you.❞ I gently kiss her.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon