28. 15TH BIRTHDAY

10 2 0
                                    

It's already 12 am in the midnight. Today is my birthday. My 21st birthday.

Nakatunganga ako ngayon sa cellphone ko at hinihintay ang mga kaibigan ko na batiin ako.

Gano'n kasi ang gawa ko sakanila kung hindi ko sila babatiin ng alas dose imedya ay sinusupresa ko sila.

Bigla akong napatingin sa message icon nang may sumulpot do'n na 1 means may isang nagmessage.

❝Baka isa sa mga kaibigan ko na 'yan,❞ saad ko sa isip ko.

My friend Yukina sent me a message but she didn't greet me a happy birthday. She sent a link that I should react on it.

Oh... Did she forgot? Or maybe they are tricking me so they can throw a surprise for me?

Sumapit ang alas tres ng madaling araw ay walang bumati sa'kin niisa. Itinulog ko nalang 'to. Mahaba pa ang araw mamaya kaya dapat hindi ako maging malungkot. It's my birthday, I should be happy not sad.

❝Good morning, self. Happy birthday!❞ bati ko sa sarili ko paggising ko.

Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko si Mama na nakasimangot at nakatitig sa isang piraso ng papel na may sulat. Tila problemado.

❝Good morning, ma!❞ bati ko at humalik sa pisnge niya.

❝Morning,❞ matamlay ang boses nito.

❝Anong ginagawa mo, ma?❞ tanong ko at bahagyang sinilip ang papel.

❝Ah. Nagb-budget ako para sa birthday party ng kuya mo.❞ hinilot niya ang kanyang sintido at sinandal ang ulo sa upuan.

❝Uh... Ma, wala ka po bang naaalala ngayong araw?❞ I asked.

❝Ano ba meron ngayon? Mukha namang hindi importante 'tong araw na 'to. Kaya pwede ba? Umalis ka dito sa harap ko at lalong sumasakit ang ulo ko. Andami ko ng iniisip, dadagdag mo pa 'yan.❞

Nakayukong bumalik ako sa kwarto.

Tinawagan ko si Yajaira dahil gusto ko ng makakausap ngunit hindi niya sinagot siguro ay tulog pa.

Gusto ko sanang tawagan si Yukina at Yuanna kaso wala akong phone number nila. Si Daenarys naman ay sure akong tulog pa 'yon. Pa'no ba naman kasi 5 am na natutulog tas ang gising ay 1 pm o 'di kaya'y 2 pm. Hays.

Yakult:
Guys, wala ba kayong naaalala ngayong araw?

Tanong ko sa gc namin. Baka may sumagot.

Yuanna:
Wala naman hshshs.

Yukina:
Bat

Lalo akong nanlumo sa nabasa ko.

Yakult:
Wala lang HAHAHA.

Yuanna:
Ah asdhshs

Yukina:
Batman.

Pilosopo tlaga amp.

Buong araw ay nakaonline ako at nakakulong sa kwarto. Gumabi na lahat-lahat ay wala pa ding bumabati sa'kin.

Gano'n ba ako 'di kaimportante? Haha.

Kapag sila may birthday. Nag c-countdown pa kami at sinusurpresa namin. Pero ba't pagdating sa'kin parang lahat may ayaw sa'kin?

Napipilitan lang ba sila? Hindi naman sa nanghihingi ako ng kapalit o nanunumbat pero kasi ang sakit. Birthday ko. Kahit simpleng bati lang mula sakanila ay sobrang laking bagay na sa'kin. Pero wala e...

Lumabas ako ng bahay at umupo sa tapat.

❝Hai bohai,❞ hala nagagaya na yata ako kay Dae.

Bumuntong hininga ako at napatingin sa basurahan ng kapitbahay namin.

May nakalitaw do'n na birthday candles.

Nilapitan ko ito at napangiti nalang ng mapait.

5 and 1 ang birthday candles na nando'n.

Ginamit nila 'yan nung 51st birthday ni ate Jane.

Kinuha ko ito at napatitig sandali.

❝Pwede namang pagbaliktarin 'yan 'di ba? Tutal magkahiwalay naman sila.❞

Dinala ko sa kwarto ang kandila at tinapay na nakita sa kusina.

Pwinesto ko ang birthday candles sa tinapay at ginawang 15 ito.

❝Ayan may birthday cake kana, Yakult,❞ naluluha kong ani.

Sinindihan ko ang mga kandila at kumanta.

❝Happy birthday to you! Happy birthday to you!❞ kanta ko habang patuloy na umaagos ang luha sa'king pisnge.

Hinipan ko ang dalawang kandila at nag-wish.

❝Happy birthday, Yakult.❞ bati ko saka hiniwa ang papulsuhan ko gamit ang cutter na nakita ko sa closet.

Everything went black.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon