"Sexy mo naman, Miss!" Lumapit sa'kin ang isang lasing na lalaki. Halata mo sa boses at kilos nito na may tama na. Nakasuot ako ng isang spaghetti strap sando at pekpek shorts. Galing lang naman kasi akong bahay at nautusan lang na may bilhin sa palengke kaya lumabas akong gan'to ang itsura saka dito ako komportable.
"A-ah salamat po." Yumuko ako nang kaunti saka nagpatuloy sa paglalakad. Balisa, at hindi mapakali. Feeling ko ay may nakamasid sa'king kung sinoman.
Nagtuloy-tuloy pa ako sa paglalakad hanggang sa mapadpad ako sa makitid at masikip na eskinita, ito ang pinakamabilis na daan patungo sa bahay namin. Delikado ngunit mas mabilis akong makakarating sa'king paroroonan.
"Magandang umaga, Miss. Inumaga ka 'ata masyado?" Nagulat ako nang biglang may sumulpot na lalaki sa harapan ko. Nakita kong hinagod ng mga mata niya ang buong katawan ko. Para niya akong hinuhubadan sa bawat titig niya.
"M-Magandang umaga r-rin po, kung maaari ay makikiraan po ako," magalang kong wika saka dahan-dahang naglakad.
Biglang may humatak sa braso ko saka ako pinangko sa pader habang hawak ang magkabila kong braso. "Ang bango mo," anito habang nakapwesto ang mukha sa leeg ko.
Sinubukan kong pumalag ngunit masyado siyang malakas. "'Wag ka nang pumalag. Masasarapan ka naman sa gagawin ko, kaya shh." Tinakpan niya ang bibig ko gamit ang marumi niyang palad. Pwe!
Nagsimula na siyang hubadan at tikman ang bawat parte ng katawan ko. Wala akong ibang magawa kundi ang umiyak sa sakit, wala akong ibang magawa kundi ang pasimpleng magdasal sa isip ko na sana'y may dumating at tulungan ako, wala akong laban dahil hinang-hina na ako.
Pagkatapos niya akong gahasain ay basta nalang ako itinapon at iniwan sa gilid ng eskinita. Madilim pa din ang langit at malamig ang simoy ng hangin. Madaling araw pa rin siguro.
Napayakap nalang ako sa'king sarili. Bakit ganito? Bakit niya ginawa 'to? Paano siya makakatulog nang mahimbing knowing na may ginahasa siya? Ang rumi-rumi ko. Tinanggalan niya ako ng dignidad, tinanggalan niya ako ng karapatan sa sarili ko.
Kailangan kong magsumbong.. sa nakakataas. Siguro naman pakikinggan nila ako.
"Oh, ba't ganyan ang itsura mo?" Nandidiring tanong sa'kin ng isa sa mga pulis. Pa'no ba naman kasi'y gusot-gusot na ang damit ko at may ilang bahagi ang punit gawa ng lalaking gumahasa sa'kin.
"G-Ginahasa p-po ako..."
1
2
3 minutes. Wala pa din silang reaksyon o ano man.
"Tulungan niyo po ako, parang awa niyo na." Pagmamakaawa ko dito.
Tinignan nito ang suot ko. "'Yan ba ang suot mo noong narape ka?"
Tumango ako saka yumuko. Sana'y matulungan nila ako. Namumukhaan ko pa naman ang lalaki kahit na medyo madilim. Gusto ko ng hustisya.
"E' paanong hindi ka gagahasain sa suot mong 'yan?" Tumawa siya ng malakas. "Nagpapatawa ka ba? Kasi kung oo ang benta ng joke mo!"
Napamaang ako dito. "Hindi niyo man lang ba ako tutulungan? Nagahasa ako! Ang pagkabirhen ko'y ninakaw! Ninakawan ako..."
"Paano kita tutulungan? E' hindi ka naman magagahasa kung hindi ganyan ang suot mo. Manalamin ka nga!"
"Anong kinalaman ng aking kasuotan? Porket ba nakasando at pekpek shorts ay may karapatan nang gahasain? Porket ba kita ang balat o anomang bahagi ng katawan ko'y dapat ko ng maranasan ang ganito? Sa tingin niyo ba'y ginusto kong mangyari 'to sa'kin?" Umiiyak kong paliwanag.
"Kasalanan mo rin! Hindi naman sila maaakit kung hindi ka nagpapakita ng balat!"
"Anong kasalanan ko sa pagsusuot ng ganitong damit? Hindi disenteng tignan? E' sa rito ako komportable. Hindi niyo ba alam ang salitang self-control? Respeto nalang. Kahit 'yun nalang sana ibigay ninyo, hindi 'yung sisisihin niyo pa ako."
Tumalikod na ako saka umiiyak na umuwi ng bahay. Kwinento ko ang nangyari sa pamilya ko. Agad nahanap ang kriminal kinabukasan. Nagsampa na rin si Mama ng kaso.
"Did he rape her?" My lawyer asked. She's facing the so-called witness. Sa side ito ng nanggahasa sa'kin. Anito ay nandoon siya nung gabing mangyari 'yon ngunit wala man lang siyang ginawa.
"Yes, but she was wearing-"
My lawyer cutted him off. "I didn't asked what she was wearing. Did he rape her?" she asked, once again.
"Yes, but-"
"I didn't asked anything else. It's just a simple yes or no answer." I know nakukulitan na ang lawyer ko sakaniya pero pursigido ang lawyer kong ipanalo ang kaso. "Did he rape her?"
"Yes." That's it! He admitted it already. So, what's next?
She looked at me and smiled. Then, she faced the judge. "Yes, he raped her. Rape is a rape, no matter the context."
Nagtuloy-tuloy pa ang hearing hanggang sa...
"Leynard Sinon is guilty on m
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
General FictionCompilation of One-shot stories that I've written and others are my collaboration stories with my co's. Enjoy Reading!!