6:00 na! Meaning late na ako sa first period namin. So dahil late naman na ako lulubusin ko na. Dinamihan ko ng kain tsaka tinagalan ko sa pag-ligo.
❝6:40 na Mhel, ba't 'di ka pa pumapasok?❞ Tanong ni yaya.
❝Late narin naman ako 'ya lulubusin ko na hehe,❞ sabi ko.
❝Ikaw talagang bata ka, oh siya bilisan mo na at baka pati sa second period niyo ay malate ka pa,❞ paalala ni yaya na sinuklian ko lang ng tango.
❝Bye Mom and Dad!❞ Paalam ko saka humalik sa pisngi nila.
Hindi naman kami mayaman, hindi rin mahirap. May kaya lang sa buhay.
Naglakad ako sa may kanto at sumakay ng jeep papuntang school.
Nakaupo ako ng bigla kong maramdamang nag-vibrate ang phone ko na nasa bulsa ng palda ko.
Ali:
Mag s-second period na pero wala ka pa. Nag-aalala na ako sayo. I miss you.
Agad naman akong nagtipa ng masasagot sakanya.
Ako:
Nasa jeep na ako.
Tumunog agad ang phone ko.
Ali:
Okay. Take care. I love you.
Kinilig naman si gagang ako hihihi.
Mag t-type na sana ako ng may nag-abot ng bayad sakin.
Dahil dakilang lutang at kinikilig pa ako ay hindi ko namalayan ang nasabi ko kay manong-
❝Manong I love you so much,❞
Pinamulahan ako sa sobrang kahihiyan. Nagtawanan ang mga tao sa jeep kaya naman ng hindi ko na nakayanan ay bumaba na agad ako kahit malayo pa ang school ko.
Ghaaaaaash.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
General FictionCompilation of One-shot stories that I've written and others are my collaboration stories with my co's. Enjoy Reading!!