38. MEMORY LOCKET

5 1 0
                                    

❝Sila ba ni Kreios?❞
❝Sobita! Since first year sila na ni Kreios lagi magkasama.❞

Rinig kong usapan sa paligid namin habang naglalakad kami sa hallway.

Nagulat ako ng biglang hawakan ni Kreios ang kamay ko habang binabaybay namin ang hallway na puno ng mga chismosang studyante.

❝Kreios, baka kung ano isipin nila!❞ inis kong sambit.

❝Let them be.❞ Tumango nalang ako.
❝Omg! Nakikita mo ba ang nakikita ko?!❞
❝May mata din kami dUh.❞

Napayuko nalang ako at tumakbo. Iniwan ko si Kreios.

❝Hoy Naomi! Humanda ka sakin pag nahabol kita!❞ sigaw ni Kreios. Agad akong kinabahan kaya mas binilisan ko ang takbo.

❝Naomi!❞ nilingon ko siya at nakita kong malapit na niya akong maabutan. Kaya naman nang may nakita akong room doon na walang tao ay agad akong pumasok.

Ngayon ko lang napansin 'to. Magulo ang mga upuan at puro alikabok ang bawat sulok. Madilim din dahil sa sirang ilaw.

Agad akong nakaramdam ng takot. May phobia kasi ako sa madilim.

Nag umpisa ng manginig ang nga binti ko kaya sinubukan kong buksan ang pinto ngunit ayaw geez.

❝May tao ba dyan?!❞ nagsisisigaw na ako at nag umpisang kalabugin ang pinto.

❝Tao po!!!❞
Ngunit wala akong narinig kahit ano.

Umupo muna ako saglit dahil nanlalambot ang aking mga tuhod.Natatakot na ako.

❝K-Kreios...❞ umiiyak kong tawag sakanya.

❝Naomi! Nasan ka?!❞ pamilyar ang boses na 'yon.

Tumayo ako at kinalabog ang pinto para malaman niyang nandito ako.

❝Kreios! Nandito ako!❞

❝Naomi, relax kalang okay? Tabi ka muna jan sisipain ko 'tong pinto.❞

Kaya naman tumabi ako habang humihikbi pa.

❝Naomi!❞ niyakap niya ako ng mahigpit.

❝I'm your knight in shining armor, your ever- present protector, your only true friend.❞

••

❝I miss you, Kreios,❞ ani ko kay Kreios na nasa kabilang linya.

❝I miss you too, mimiyuh,❞ mapang-asar niyang saad. 'Yan na naman 'yung Mimiyuh geez.

❝Argh! Mimiyuh na naman hmp!❞

Narinig kong tumawa siya saka nagsalita ngunit bakas pa din pilyong boses niya, ❝Bagay kaya! Naomi, Mimi, dagdagan ng yuh HAHAHA mimiyuh,❞ tumawa siya ng malakas.

❝Puro ka kalokohan!❞ at tumawa na din ako kasi nakakahawa siya.

❝Naomi...❞

❝Po?❞

❝Liligawan ko si Xyla, okay lang ba sayo?❞

Natigilan ako. 'E ano naman kung ligawan niya si Xyla? Ba't kumikirot puso ko? Luh.

❝Naomi! Hoy!❞

❝Ba't si Xyla?❞ nagulat ako sa tanong ko pero wala 'e, nasabi ko na.

❝Bakit hindi siya?❞ naguguluhan niyang tanong.

❝Bakit hindi ako?❞ bulong ko pero alam kong narinig niya.

❝Anong bakit hindi ikaw? May hindi ka ba sinasabi sa'kin, Naomi?❞

❝Ah wala,❞

❝Sige. Ibababa ko na 'to, Naomi ha? Tatawagan ko pa si Xyla 'e.❞

❝Ah s-sige.❞ tumawa ako ng mahina para itago 'yung sakit sa boses ko.

Nanghihina kong binaba ang cellphone ko saka umiyak ng umiyak sa unan ko.

••

❝Naomi?❞

Napatingin ako sa tumawag sa'kin.

❝B-Bakit?❞ nauutal kong tanong. Hanggang ngayon ay masakit pa din sa'kin ang malamang mas pinili ni Kreios si Xyla na kelan lang niya nakilala.

❝Nabalitaan mo na ba ang nangyari kila Kreios at Xyla?❞

Napatayo agad ako.

❝Bakit? Anong nangyari?❞

❝Nahulog sila sa bangin. Sabi ng pulis ay nawalan daw ng preno ang sinasakyan nila Kreios kung kaya't nawalan sila ng kontrol at nahulog sa dagat.❞

Unti-unti akong napahawak sa pader at kumuha ng suporta.

❝Kailan pa?❞

❝K-Kaninang madaling araw daw habang bumabyahe sila papuntang Palawan...❞

••

Nandito ako ngayon sa puno ng Acasia. Inaalala yung mga panahong magkasama pa tayo. Mga panahong pareho pa tayong may ngiti sa labi.

Bat iniwan mo ako?

Kala ko ba sabay ba tayong g-graduate?

It's been 1 month since Kreios died but here I am reminiscing all the memories we has.

❝ I miss our memories, jokes, long conversation, but I miss you the most. And this memory locket you gave will be forever placed in my neck. ❞

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon