6. IS THERE STILL AN US? (PT. 1)

20 2 0
                                    

❝Love, mamayang lunch do'n ba ulit tayo?❞ Tanong sakin ni Kib.

Si Kib Yuan ang secret boyfriend ko. Ang lahat ng tungkol samin ay secret. Secret relationship, secret agent- charot. Kaming dalawa lang din ang nakakaalam na magkarelasyon kami. Kahit mga matalik naming kaibigan ay hindi alam.

Pinili kong gawing sekreto ang relasyon namin dahil bawal pa ako pumasok sa isang relasyon. Kahit labag sa loob ni Kib ay pumayag din siya dahil mahal niya ako.

❝Opo, sorry,❞ pag hingi ko ng paumanhin. Pa'no ba naman kasi do'n na naman kami magl-lunch sa likod ng soccer field.

❝It's okay, I understand. I love you.❞ hinalikan niya ang noo ko.

❝I love you too,❞ sabi ko.
Pagkatapos kong sabihin 'yon ay umalis na siya at ako naman ay naglakad na papuntang building namin.

❝Feleona, nalaman mo na ba ang chismis?❞ saad ni Elaija. Chismosa saming magkakaibigan.

❝Ano na naman 'yon?❞ Tanong ko. Kanina pa siya talak ng talak at akala ko nang tumahimik siya ay wala na siyang sasabihin 'yon pala ay meron pa. Tsk hindi talaga siya nauubusan ng sasabihin.

❝Si Kib at Phoebe na!❞ singit at pakantang saad ni Rica.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.

❝Pa'no mo naman nasabi?❞ Iritado kong tanong.

❝Nakita namin si Kib at Phoebe sabay maglakad at buhat ni Kib ang mga libro na dapat dala dala ni Pb,❞ si Elaija. Etong dalawa talaga chismosa samin tatlo. Pero kung may paligsahan lang ng mga chismosa. Si Elaija ang Champion at si Rica ang First Runner Up.

❝Napaka-issue niyo! Malay niyo nabibigatan lang si Phoebe do'n kaya nagpresinta si Kib na siya na ang magbubuhat?❞ ako.

❝Hmm sabagay may point ka,❞ si Elaija. Napahinga naman ako ng maluwag.

❝Pero hindi pa rin no'n mawawala sa isip ko na baka sila nga.❞ inismiran ko nalang siya.

Nandito ako sa pwesto namin ni Kib sa likod ng soccer field at hinihintay nalang siyang dumating.

Habang nakapangalumbaba ay 'di ko maiwasang hindi isipin ang sinabi ni Elaija kanina. Siguro nga gentleman lang talaga si Kib kaya niya tinulungan si Phoebe magbuhat. Tama! Think positive Feleona!

3: 55 na at wala pa ring nagpapakitang Kib sakin. Usapan namin ay sabay kami magl-lunch pero magtatapos na ang oras wala pa rin siya.

Napatingin ako sa field nang may narinig akong nagtatawanan.

❝Ang funny mo Kib!❞ Natatawang hinampas ni Phoebe ang braso ni Kib.

Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman kong kumirot ito dahil sa nakita.

❝Tara na sa room at baka magsisimula na ang klase.❞ Nakangiting yaya ni Kib kay Phoebe.

So buong break sila magkasama at nagtatawanan pa? Samantalang ako eto nilalamok na lahat lahat wala pa ring napala kakahintay. Dahil 'yung hinihintay ko ayun masaya sa kasama niya.

❝Love, pag may nagugustuhan ka ng iba. Don't hesitate to tell me okay? Kasi tatanggapin ko naman dahil may pagkukulang ako,❞ saad ko kay Kib isang araw ng mapagpasyahan naming magkita sa playground ng village namin.

❝Pinagsasabi mo dyan?❞ tanong niya.

❝Wala lang. If ever na magkagusto ka sa iba ganun.❞ nakanguso kong sabi.

❝Saka na ako magkakagusto sa iba kapag ikaw na si iba, naiintindihan mo?❞ seryosong saad niya.

Nakayuko naman akong tumango dahil namumula ang pisngi ko sa sinabi niya.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon