I'm Kristina Estremera and I'm working as Taehyung's make-up artist in Bighit entertainment. Among the 7 of them, he is the one who captured my heart.
❝Tina, hinahanap kana daw ni Taehyung dahil malapit ng magsimula ang performance nila.❞
Oo nga pala. Ngayon magaganap ang Mnet music awards and I'm sure hahakutin na naman nila lahat ng awards.
❝Sabihin mo parating na ako.❞ tumango naman siya.
Hays. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at nakitang gulo-gulo ang buhok ko at haggard pa ang mukha. Nakakahiyang humarap sakanya gayong naturingang make-up artist pero hindi maayusan ang sarili.
Pagkatapos kong mag-ayos ay pumasok na ako sa kwarto kung saan nandoon sila at inaayusan na ng kanya-kanyang make-up artist.
❝What took you so long?❞ he said huskily.
Hindi ko siya sinagot at umiwas nalang ng tingin.
❝Since your face doesn't need heavy make up then I will apply light make-up to enhance the details of your face.❞
Sinimulan ko na ang paglalagay ng powder sa mukha niya samantalang siya ay mariing nakatitig sa'kin.
❝You are so beautiful.❞ he said and I instantly bit my lower lip to prevent from screaming.
With trembling hands, I put light eye-shadow on his eyelids.
Nagulat ako ng hinawakan niya ang pulsuhan ko at tumitig ng mariin sa mata ko.
❝I know there is something that bothering you.
Umiwas ako ng tingin ngunit patuloy niyang hinuhuli ito.
❝We are so close to each other yet so far.❞Parang kinurot ang puso ko sa sinabi. Hinarap ko siya. His dark soulful eyes looked at me.
❝You know that we can't be together, right?❞ he said carefully.
❝Yes,❞ mahina kong wika.
❝Then stop dreaming or what because whatever you do, we can't be together. You're just my make-up artist and I'm Kim Taehyung. You know what I mean? Or do I have to explain it to you?❞
❝I knew that. I'm sorry.❞ I gave him a weak and soulful gaze while his was a dark glare.
Alam ko naman 'yon. Kailanman ay hindi magiging kami dahil sobrang taas niya. Siya si Kim Taehyung na pinapangarap ng lahat, at isa ako do'n. Bigla kong naalala ang sinabi ni Auntie.
❝If you dream about something a lot, It will never come to you.❞
Tama rin. Kasi lahat ng pinapangarap ko, paulit-ulit kong iniisip. Siya, pangarap ko kaya laging nasa isip ko. Sa huli, lahat hindi nagkatotoo.
❝Tara, Kristina, panoorin natin silang magperform.❞
Hindi ko namalayang kanina pa pala ako nakatulala at nag-iisip ng malalim.
Sumama ako saka kami pwumesto malapit sa camera man kung saan kitang kita namin silang magperform.
Ang buong atensyon ko lang ay nakay Taehyung. Ang swabe niya gumalaw, sanay na sanay nga siya. 'Yung pagkagat niya ng kanyang mapupulang labi parang ang sarap halikan at kagatin. Ay ano ba 'tong iniisip ko.
Pinilig ko ang ulo saka tumingin sa stage. Nagtama ang paningin namin kaya binigyan ko siya ng malungkot na ngiti.
❝You're like a star in the sky, I can't reach you.❞
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
General FictionCompilation of One-shot stories that I've written and others are my collaboration stories with my co's. Enjoy Reading!!