25. MOTHER'S DAY

10 2 0
                                    

❝Where do you want to go, baby?❞ my mom asked.

❝I want to play, Mama!❞ I replied.

❝Hmm maghanda kana at aalis na tayo,❞ aniya saka lumakad papuntang kwarto.

Ako naman ay dali-daling umakyat din at naghanda.

Mother's day ngayon. So, it means na araw ni Mama 'to. Kaya gagawin ko lahat ng paraan para maging masaya siya at ako sa araw na 'to.

❝Ma, I love you.❞ nakangiting wika ko habang nakatingin sa maamo at magandang mukha ni Mama.

Lumarawan ang gulat sa mukha niya pero agad ding napawi. Nagulat ata sa sinabi ko.

Hindi naman kasi ako verbal. Ako 'yung tipo ng anak na mas gustong iparamdam ang pagmamahal. Hindi 'yung puro salita tapos hindi naman inaayon sa gawa.

❝I love you more, anak.❞ nakangiting aniya at humawak sa kamay kong nakapatong sa mesa.

Hawak ko ang kamay ni Mama habang naglilibot kami sa Mall.

❝Mama, gusto ko mag-arcade!❞

Tumango naman siya at tinahak ang daan papuntang quantum kasama ako.

❝Baby, tignan mo 'yung batang lalaki do'n oh!❞ turo niya.

Tinignan ko naman ang bata at nakitang puno ng ice cream ang mukha nito.

❝Ang kalat niya,❞ nandidiring sabi ni Mama.

❝Ang dugyot kumain ng ice cream nilalamutak,❞ saad ko naman.

❝Laitera ka din, baby! Mana ka talaga sa'kin!❞ aniya.

❝Like mother, like daughter!❞ nag-apir pa kami at sabay na tumawa.

Nang sumapit ang alas kwatro ng hapon ay nagyaya si Mama na umakyat sa rooftop deck ng Mall.

Ang rooftop deck kasi nitong Mall na pinuntahan namin ay sobrang lawak. Puno ng mga halaman at tahimik. May mga tao pero tahimik lang din at puro kuha lang ng litrato sa bawat isa.

❝Anong gagawin natin dito, Ma?❞ tanong ko.

Kanina pa kasi niya tahimik na pinagmamasdan ang kabuuan ng lugar.

❝Ang ganda dito, anak, 'no?❞

Inilibot ko naman ang kabuuan ng lugar. Totoo ngang maganda.

❝I miss you, Mama.❞ I whispered but enough for her to hear me.

❝Sorry, anak.❞ humarap siya sa'kin at hinawakan ang magkabila kong pisnge.

❝Sama nalang ako sayo, Ma. Ang lungkot ng buhay ko kapag wala ka. Si Papa nandun naman na sa babae niya. 'Yung mga ate ko may kanya-kanya ng pamilya. Tayo na nga lang dalawa nagkakaintindihan noon pero iniwan mo pa ako.❞

Tears started to fall down into my cheeks.

❝Malapit na lumubog ang araw.❞ seryosong aniya.

Agad ko namang niyakap ng mahigpit si Mama at tahimik na umiyak ng umiyak sa balikat niya.

❝Mama, please... Don't leave me again.❞ I pleaded.

Humiwalay siya sa'kin at pinagdikit ang noo namin.

❝Anak, alam mo namang binigay lang sa'kin ang araw na 'to upang tuluyang makapagpaalam sa'yo 'di ba?❞ tumitig siya ng diretso sa mga mata ko.

Tuloy-tuloy pa din ang pagtulo ng mga luha ko.

❝Edi sasama nalang ako sa'yo, Ma. Kahit sa'n basta kasama kita.❞

❝Anak, bata ka pa. Marami ka pang mararating sa buhay. Gusto kong maging masaya ka kahit wala na ako. Gusto kong tupadin mo ang mga pangarap nating dalawa. Gusto kong magpakatatag ka, anak.❞

Ramdam kong sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Nahihirapan na ako huminga pero hindi ko sisirain ang moment na 'to.

Tumama ang sikat ng papalubog na araw sa mga mukha namin.

❝I love you so much. Take care, baby.❞ saad niya saka unti-unting naglaho.

Napaluhod naman akong umiiyak sa damuhan.

❝Happy Mother's Day, Mama.❞

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon