41. WILDEST DREAMS

7 1 0
                                    

Naglalakad ako ngayon pauwi sa'ming bahay. Hindi naging masaya ang araw ko dahil nakipaghiwalay sa'kin ang boyfriend kong si James.

“I'm home!” sigaw ko saka umakyat sa kwarto. Nagbihis muna ako ng pambahay bago bumaba.

Pagkapasok ko sa kusina. Nadatnan ko ang pamilya kong masayang nagtatawanan habang nagkwekwentuhan sa hapag.

“Pinagkwekwentuhan niyo ako 'no?” tukso ko. Humalik ako sa mga pisngi nila saka marahang umupo sa tabi ni Mama.

“How's your day, baby?” My papa asked.

“M-Masaya po...” I suppressed a smile. Wala pa ang pagkain sa lamesa. Marahil ay hinahanda pa kaya naman nagkwekwentuhan muna sila dito.

“Anak...” nag-aalalang tumingin sa'kin si Mama.

“What's the matter, baby?” marahang tanong ni papa.

I sighed and looked at their eyes.

Nag-aalala lahat sila. Sila Mama, Papa at mga kapatid ko.

“Iha, spill the beans now.” May awtoridad na ani papa.

“Matter is everything that occupy space and has mass.”

Binatukan naman ako ng katabi kong si Airra.

“Aray!” Sigaw ko habang nakahawak sa batok ko. Masakit kaya!

“Ayusin mo kasi sagot mo!”

“Aba! Kung makaasta ka, ikaw ba ate ha?!” sipain ko 'to e'.

“Hakdog,” inis niyang turan saka umirap. Aba! Sinusubukan ako neto ha.

“Aba!” ambang babatukan ko din siya ng biglang magsalita si papa.

“Stop.” Tumingin kami kay Papa na salubong ang kilay na nakatingin sa'ming dalawa.

“Ikaw kasi e',” paninisi sa'kin nitong si Airra.

Hindi ko nalang siya pinansin at tumingin kay papa na mariing nakatingin sa'ming dalawa.

“So, Rys, tell us.”

I heaved a sigh, “Pa—”

He cut me off, “Ayusin mo pagsagot,”

I laughed, “Okay, Pa. Nakipaghiwalay sa'kin si James. Boyfriend ko po...” Lumiit ang boses ko sa dulo dahil natatakot sa maaaring sasabihin nila.

Hindi nila alam na may boyfriend ako. Hindi nila alam na pumasok ako sa isang relasyon habang bata pa ako. Wala silang alam nikatiting.

“Is that so?” he asked coolly.

Gulat naman akong tumingin sa'kanya. Kasi parang okay lang kay Papa.

“Yes po,” I replied in a small voice.

“There is so much more to life than being in a relationship. Reach out for your dreams. Finish your studies. Travel the world with your friends and family. Pamper yourself. Make us proud.” The side of his lips rose.

“Sige po, papa.” I nodded and slightly squeezed my hand.

“While waiting for that perfect moment, strive to be a better person. You do not need someone to be complete. You certainly can raise your standards for yourself!” He stood from his seat and walked towards me.

“Walang sinoman ang pwedeng manakit sa mga prinsesa ko. Wala.” He leaned and kissed our forehead.

“I love you, Pa.” I smiled sweetly.

“I love you more, baby.”

Lagi akong busog sa mga pangangaral nila sa'kin. Hindi sila nagkulang sa pagpapalaki sa'kin. Hindi sila nagkulang sa pagiging magulang nila sa'kin. Sagana ako sa pagmamahal ng pamilya ko.

“Baby.” Napatingin ako kay Mama nang magsalita siya.

“Kailangan mo nang gumising,” aniya saka malungkot na ngumiti sa'kin.

“Pwede po bang huwag nalang? Dito nalang ako, kasama kayo. Mas masaya ako dito sa panaginip dahil nandito kayo. E' sa totoong mundo? Lagi nalang akong nalulungkot. Mag-isa nalang ako do'n. Lahat kayo iniwan ako.” Nag-uunahang magsitulo ang mga luha ko.

“Hindi ka naman namin iniwan, anak. Kahit naman hindi mo kami nakikita. Lagi ka naming binabantay. Lagi kaming nasa tabi mo, ginagabayan ka.”

Umiling ako, “Pero ayoko na gumising, Ma. Dito nalang ako, please? Sobrang lungkot ko do'n sa mundo. Wala na ang pamilya ko, mga kaibigan at ang kaisa-isang taong inaasahan kong mags-stay sa'kin.”

“Anak, kailangan mong gumising. Kailangan mong harapin lahat ng problemang dadating sa buhay mo. Kailangan mong kayanin.”

Humikbi ako habang patuloy na umiiling.

“Mama naman..”

“Anak, please.” She pleaded.

“Sige na nga,” napipilitan kong saad.

Hinawakan niya ang kamay ko saka tumingin ng diretso sa mga mata ko, “Gigising ka, anak. Dahil tutuparin mo pa nga mga naudlot na pangarap namin sainyong magkakapatid. Tutuparin mo pa ang pangarap mo. Magkakaron ka pa ng asawa at mga anak. Kaya gumising kana.”

I'm Daenarys. A lucid dreamer. Why I'm into lucid dreaming? Kasi doon nakakasama ko ang pamilya kong matagal ng wala. Kasi doon nagagawa kong maging masaya. Kasi doon sa mundo ng panaginip, masaya ako.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon