37. MONEY DOES MATTER

5 2 0
                                    

❝Kiev, ito na yung sweldo mo oh.❞
Inabot ito sakin ng manager namin. Binilang ko ito ngunit hindi pa sapat upang mabili ko ng magandang phone ang girlfriend kong si Maeve.

Sa loob ng dalawang buwan ay nag-sipag at tiyaga akong kumayod para lang maibili ko agad ng phone si Maeve.

❝Babe, wala pa rin ba yung phone na gusto ko?❞ she asked while pouting her lips.

❝Konting tiis pa babe, mabibili ko na rin yung phone na gusto mo.❞ I pulled and caressed her hand.

❝Aish sige,❞ she irritability pulled her hand on me and walked away.

Sa tingin ko naiinip na si Maeve kakahintay. Ang gusto niya kasing phone ngayon ay 'yung latest na nagkakahalaga ng isang taon kong sweldo.

Hindi naman ako marangya sa buhay e'. Hindi rin naman ako madamot lalo na sa mga mahal ko sa buhay. Kaya hangga't kaya kong pag-ipunan ay ibibigay ko. Basta para sa taong mahal ko.

Naglalakad ako pauwi nang biglang tumunog ang phone ko at rumehistro ang pangalan ni Mama.

❝Ma?❞

Narinig ko ang paghikbi niya, [Anak, si bunso isinugod namin sa hospital,]

❝B-bakit, nay? Anong nangyari?❞ Pagpapanik ko saka binilisan ang paglalakad papunta sa pinakamalapit na hospital.

[Nagsusuka at tae siya, anak. Ang sabi ng Doctor ay mabuti daw dahil naagapan namin siyang dalhin sa hospital. Mad-dehydrate na daw dapat ang kapatid mo, anak.]

❝Malapit na ako jan, Ma. Hintayin mo 'ko.❞ Binaba ko ang tawag at mas binilisan pa ang paglalakad.

Nang makapuntang hospital ay agad akong umakyat sa Emergency room. Wala na daw kasing available na room at hindi rin kaya ng budget ni Mama ang ipaconfine pa ang kapatid ko.

Agad kong hinanap ang kapatid ko at si Mama sa loob. Nang makita ako ni Mama ay agad niya akong niyakap at umiyak ng umiyak sa balikat ko.

❝Mabuti naman at nakarating ka, anak. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kapatid mo e',❞ aniya habang humihikbi. Ang suot niya'y pantulog halatang hindi siya handa at patulog na sila nang umatake ang pagsusuka't tae ni bunso.

Bumitaw sa pagkakayakap ko si Mama. Hinawi ko naman ang kurtinang nakatakip sa kamang hinihigaan ng kapatid ko. Nakita ko siyang nakaratay at putlang-pula. May dextrose siya na dinadaanan ng gamot upang hindi niya isuka kung sakaling inumin niya.

Binuksan ko ang wallet ko at nilabas ang sahod ko na binigay kanina ng manager namin. ❝Ma, sweldo ko nga pala. Maliit lamang 'yan pero magtratrabaho pa ako ng maigi para madagdagan 'yan at may maipambayad sa bill ni bunso.❞

Kinuha niya naman ito at umalis para bilhin ang mga gamot na kailangan ni bunso.

Hapon ng sabado ay napag-isipan kong makipagkita kay Maeve. Miss na miss ko na siya. I just want to hug her tightly. Pagod na pagod ako. Lumalala kasi ang sakit ni bunso at kailangang-kailangan namin ng pera at lahat na ng trabahong pwedeng pasukan ay pinasukan ko na para lang magkaron ng pera. I'm physically and mentally tired. Siya ang pahinga ko kaya gusto ko siyang yakapin.

❝Hi love,❞ bati ko sa'kanya.

❝Bakit ka nagyayang makipagkita dito sa Mall?❞ tanong niya agad hindi man lang ako binati.

❝I missed you,❞ malungkot kong saad habang nakatitig sakanya at hinihintay ang magiging reaksyon o tugon niya.

❝Tinatanong ko kung bakit tayo nandito sa Mall, Kiev. 'Wag mo akong daanin sa pa-miss you mo dahil mainit ang ulo ko,❞ she crossed her arms and rolled her eyes on me.

❝Namiss nga kita. Kaya kita inaya,❞ marahan kong hinawakan ang kamay niya.

She coldly looked at me and it sent shivers to my spine, ❝Bibili na ba tayo ng phone ko?❞

I shifted my gaze, ❝Sorry, love. May nangyari kasi e'. Hindi ko muna mabibili ang hinihiling mong cellphone.❞ pag-hingi ko ng paumanhin.

Tumayo siya at kinalabog ang mesa ng kinauupan namin, ❝Wala na naman? Ang tagal ko ng naghintay, Kiev! Bakit ba hindi mo nalang sabihin kung bibilhan mo ba ako o hindi? Kasi kung hindi...❞ she tone down her voice.

I give her a questioning look, ❝Kasi kung hindi?❞ hintay kong dudugtungan niya ang sasabihan niya pero tumalikod na siya sa'kin at naglakad palayo.

I ran and hugged her back, ❝Bakit umalis ka, baby? Bakit iniwan mo ako do'n? Don't you miss me?❞ my voice broke.

❝Bitawan mo ako, Kiev,❞ seryosong aniya. Nakatitig lang siya sa kawalan at walang mababakas na kahit anong emosyon sa kanyang mukha.

❝Baby...❞ I kissed her neck gently.

❝Let's break up.❞ she said seriously.

❝No, baby. No...❞ I shook my head and hug her tighter.

❝Maghiwalay na nga tayo, Kiev!❞ she yelled and tried to escape from my hug.

❝No, baby. Walang mangyayaring break up. We will talk,❞

❝Ano pang pag-uusapan natin? Pag sinabi kong tapos na tayo, tapos na tayo!❞ she shouted.

Pinaharap ko siya sa 'kin at hinalikan ang noo niya. ❝Bakit muna? Give me an acceptable reason.❞

❝May iba na ako,❞ she said with full voice.

❝May i-iba na? Paano?❞ naguguluhan kong tanong.

❝Nakahanap ako ng iba na mabibigay lahat ng gusto ko. Mabibigay agad kapag sinabi ko. Hindi tulad mo, ilang buwan na akong naghihintay sa lintek sa phone na 'yan pero hanggang ngayon, wala pa rin!❞

❝But I love you...❞ I softly said.

❝I'm not.❞ she whispered.

❝No, I don't believe you. Ang bilis naman mawala ng pagmamahal mo kung gano'n?❞ I faked a smile.

❝Hindi naman kasi talaga kita minahal, Kiev. Pinakisamahan lang kita dahil nang magkakilala tayo ay galante ka pa. Nabibigay mo pa lahat ng hinihiling ko,❞

❝Panaginip lang 'to 'di ba?❞ pagak akong tumawa.

❝I was only pretending that I'm inlove with you. Hindi 'to panaginip, Kiev. Maghiwalay na tayo,❞ she declared and walked away.

I came up to reality na material things lang kailangan niya sa 'kin. It hits me hard.

Tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Mama sa 'kin. Inayos ko muna ang boses ko bago ko 'yon sinagot.

[Anak...] Agad kumalabog ang puso ko ng marinig ang pag-iyak ni Mama.

❝Bakit, Ma? Anong nangyari sa'yo? Kamusta si Bunso? May nangyari bang masama?❞ sunod-sunod kong tanong.

[Anak, hindi na kinaya ng kapatid mo. Hindi niya kinayang lumaban.]

Ang ganda naman ng araw ko haha. Sunod-sunod atake.

[Meron pa akong balita, anak,]

❝Sana naman magandang balita na 'tong maririnig ko,❞

[Si M-Maeve...]

Tumahimik ako at hinintay ang kasunod ng sasabihin ni Mama.

[Maeve was hit by Montero sports car her body slammed on the pavement, she's seriously injured and didn't make it to the hospital alive.]

Para akong nabingi sa narinig ko saka ko pinagsusuntok ang pader habang umiyak ng umiyak. Doon ko binuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon