CAME BACK ON TIME I (COLLAB STORY)

3 0 0
                                    

My Collaboration with Klèos Ourania.

"Fuck!"

Kanina pa ako nagpapaulan ng mga mura sa daan, male-late na kasi ako tapos madami pang tao ang nakaharang sa akin!

Nagmamadali na ako sa paglalakad, at kung minamalas ka nga naman, may nakabangga pa sa aking babae! Hindi kasi tumitingin sa daan.

"Ay hala, sorry po!" Paghingi niya agad ng patawad.

The moment our eyes met, nakakapagtaka ang mga ngiting ipinukol niya sa akin. I just nodded, inayos ko pa ng bahagya ang aking salamin bago tumalikod at umalis. I waved my hand to bid my goodbye. May aasikasuhin pa ako.

-

"Travis," pagtawag ni Prof sa aking pangalan.

Sa aking paglapit ay siya namang pagharap ng kasama nito. Nakangiti ito habang nakatingin sa akin, she looks familiar, pero hindi na ako nag-abala pang isipin kung saan ko siya nakita.

"Siya si Blanchè Fiore, isa siyang intern at magiging observer sa ginagawa natin dito. And from now on, she'll be your assistant para ma-train siya rito at matuto pa."

Agad inilahad ni Blanchè ang kaniyang kamay, agad ko naman iyong tinanggap at nag-shake hands.

"Ako po 'yung nakabangga niyo sa daan earlier, sorry po pala about do'n-"

Hindi ko na siya pinakinggan pa't, agad na nagpunta sa aking silid kung sa'n naroroon ang aking proyekto.

"Ah sir, ano po 'yan?" tanong niya habang may malapad na ngiti.

"Time machine," tipid kong sagot.

"Woah!" Dahan-dahan siyang humakbang papalapit sa time machine na ako mismo ang lumikha.

"'Wag mong hawakan." Her hand remained hanged on the air as I spoke those words.

She slowly turned her back, agad niyang itinaas ang kaniyang kabilang kamay at nag-formed iyon ng peace sign. I just gave her my cold stares, while she's still smiling like an idiot.

"Hmpk, sungit!" pabulong niyang sambit, pero narinig ko pa rin naman.

"Are you saying something, Miss Blanchè?"

"A-ah wala ho, Sir hehe." Pasimple na lamang niyang ibinaling sa handy book ang kaniyang paningin. Tsk, bulok magpalusot.

-

"This is my new invention, it's a type of time machine na, isang pindot lang, makakabalik ka na agad sa gusto mong balikang araw, lugar or pangyayari sa buhay mo na nangyari noon." Tumango-tango naman ang mga pawang estudyanteng nasa harapan ko.

Habang si Blanchè ay patuloy lang sa pagte-take down ng notes. Abala ito sa pagsusulat na animo'y nagagahol pa. While staring at her, I found myself smiling. Laking gulat ko nang bigla siyang tumingin sa gawi ko! I just shifted my gazed onto other things.

Inayos ko na lamang ang salamin ko, at pinagmasdan ang mga estudyanteng nagkokopya ng mga nasulat ko sa board. From my pheriperal vision, nakita ko siyang bahagyang humahalhak habang nakatingin sa akin. Bwiset.

"Ganda ko 'no?" Tila naestatwa ako sa aking kinatatayuan, hindi ko na lang siya pinansin sabay lakad palayo sa kaniya.

"Bakit mo naman naisipang gumawa ng time machine?"

Tumingin lang sa kaniya na animo'y nag-aantay ng sagot, i let out a deep sighed before i utter. "Marami kasing mga bagay na pinagsisihan 'di ba? Mga sayang na opportunity, na dapat ginawa mo pero hindi mo nagawa. By the use of my invention, pwede ka bumalik sa nakaraan."

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon