Makulimlim.
Siguro kailangan ko na agad makarating sa bayan namin para d ako maglakad sa ilalim ng ulan.
Pero dalawang bayan pa bago makarating samin.
Sana ayos lang sina mama at papa.
Sana mapatawad nila ako sa nagawa kong pagsisinungaling sa kanila.
“Susko, para kang pabubuga. Hindi ka man lang nagdala miski jacket?” Nag-aalala na salubong sa akin ng mama ko.
Pinaupo ako ni mama sa monoblock dahil mababasa ang sofa kung doon ako uupo. Pinupunasan ako ni mama ngayon ng tuyong tuwalya habang si papa ay pinatungan ako ng isa pang mas malaking tuwalya para hindi ako lamigin.
Napakamaalalahanin talaga nila. Lagi silang nanenermon pero mararamdaman mo talaga na mahal ka at mahalaga ka.
“Binibilhan ng payong 'di naman ginagamit. Baka doon sa Lucena e basta ka na lang din nasugod sa ulan.” Sermon naman ni papa.
Ang protective kong Papa. Grabe nakakamiss sila. Masaya ako na nakauwi na 'ko.
“Hindi po. Nagkataon lang nung medyo malapit na e kumulimlim.” Paliwanag ko.
Dahil sa kanto lang ako binaba ng van, basang basa ako. Ayaw ko namang maligo dahil gabi na at hindi din namn nila ako papayagan.
Nakatingin ako sa kisame ng kwarto ko.
Ang tagal matuyo ng buhok ko.
Dito ata ako mamamatay sa pagtulog na to e. Accounting pa self.
Habang nakatulala lang, nagtawag si mama na kumain na daw ako.
Naalala ko siya.
Lagi niyang pinapaalala na kumain na 'ko. Tsk, kaya ko naman alagaan sarili ko.. joke, 'di ko nga naalala na 'di pa ako nakakakain.
Lumabas ako ng kwarto ko at in-appreciate ang mwebles ng bahay namin.
May plano pa kaming irenovate 'tong bahay namin dahil dito kami magfafamily-- blah blah.
Eh wala e, 'di kami nakakapit. Siguro hindi lang talaga kami para sa isa't isa
Inaamin ko hindi pa ako moved on. Paano nga ba kung ilang taon na siya ang iniikutan ng mundo ko.
Hays. Bahala na.
Habang nakain kami hindi ko inintindi mga pinag-uusapan nila. Alam ko matanda na sila at gusto kong malaman ang lahat ng dapat kong malaman pero 'wag muna, tinatamad ako.
Pagkatapos kong kumain ay kaunting oras akonh nagstay sa sofa kasama nila. Iniintay ko kung may iuutos o itatanong, pero wala naman.
Pumunta na ako sa kwarto nang sinabi ni Mama na tutulog na siya.
Lahat ng bagay ikaw ang naalala ko. Ayaw kitang kalimutan pero ang sakit na wala ka na sa tabi ko.
“Anong meron, Ma?” tanong ko dahil nagising ako sa ingay nila.
Ipapa-renovate daw yung bahay.
Ayan, shout out sa mapapangasawa ko, pagkain na lang gagastusin mo. Hmpf.
Ayos naman bahay namin pero balak pa ata nilang mas palakihin. Buong pamilya ba namin titira dito?
Susko.
Ilang araw pa ang lumipas, nag-apply ako sa munisipyo ng bayan namin. Aba kailangan ng bayan namin ng maganda at matalinong accountant no?! Char
Yun kasi napagplanuhan namin ni ano. Wala lang tinutupad ko lang, bakit ba.
Siya kaya tumupad sa plano?
Baka hindi na. Baka nga nagkabago na e. Sus. Okay lang naman e. Basta ako yung bago.
Aaahhhhh.
Ay wait. Diba kapag nagpaparenovate may pa engineer kineme din?
Enebe, baka siya yung engineer.
Chos. Kiri mo gurl!
Nakasando, shorts at yakap lang ako dahil nasa bahay lang naman ako. Wala akong pake kung 'di ako professional tingnan.
Sumilip ako sa baba ng bahay namin kung saan ko nakikinig ingay nila.
Nasa baba si papa, si tita, si mama, si yaya at si..
Letse may pake na pala ako sa suot ko
Nasa baba siya!!
Napatigil ako sa paglalakad at napaiwas ng tingin ng magtagpo ang mga mata namin.
Mas lalo siya naging attractive.
Oh shoot . Yung suot ko!
Napahakbang na lang ako palikod at tumakbo sa kwarto ko para kumuha ng towel at naligo.
Omygad.
Mamaaaa, bakit siya kinuha mong engineerrrrrrrrr.
BINABASA MO ANG
Shrinking Violet
Teen FictionThere was a guy who needed help. He never reached out to his friends, and He depends on her about his mental state. One time, when he realized that he was already fine, he set his priorities away from her. Their time with each other got smaller and...