I smiled when I saw her graduating. Alam ko noon pa na kaya niya pero iba ang saya na makitang kinaya niya talaga.I looked how she removed her hills pagkababa niya ng stage. "Ang cute ay" tawa ko na lamang. Madami ding nakakita ng ginawa niya kaya ng lumingon siya sa lahat ay bigla siyang nahiya.
At the end of the ceremony, tinanaw ko na lamang siyang niyakap ang mga magulang niya. Masaya ako para sa 'yo, Joyce.
Umalis na ako doon, ayaw ko pa din magpakita sa kaniya. I know that I'm not her first love but she made me feel that I'm the better than her first.
I'm really an asshole for letting her leave. I hurt her but she still forgive me. That makes me a lucky asshole.
"After graduation mo, bigla kang nawala. Bakit hindi mo inintindi si Kristine?" Bungad sa akin ni Papa pagkarating na pagkarating ko.
"Graduated na kailangan pa ako? Ano bang inaral no'n?"
" 'Wag kang magsalita ng ganyan kay Kristine. Pakakasalan mo siya, hindi na kita didiktahan. Ano bang mahirap sa sinasabi ko sa'yo, ha?" Tinalukuran ko siya at naglakad papunta sa maliit kong kwarto. "Bumalik ka dito. Kinakausap pa kita. Wala kang galang! Anak ba talaga kita?!"
Nakakabingi.
Kahit na araw- araw nangyayari, hindi nakakasanay.
Hindi naman ganito dati. Bakit kasi dumating pa si Kristine sa pamilya namin. Kung mahirap kami noon, mas humirap kami ngayon. Kung gaano ako nahihirapan pakisamahan ang tatay ko noon, mas humirap ngayon. Pakiramdam ko, sa dami ng utang namin sa kanila, buong buhay namin pwede na nila kami diktahan.
Nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw, nakapagtapos ako, paaral nila kaming magkakapatid dahil sa pera nila. Bayaran sa tubig pati na rin sa kuryente ay galing sa kanila. Parang buong pamilya namin pinaampon sa pamilya nila.
Anong silbi ng pagkatatay niya?
Kung tutuusin ay hindi din naman ito kasalanan ni Papa lahat. Unang- una, hindi kami sinusuportahan ng iba naming pamilya.
I am now an Engineer pero ang dami kong utang na dapat bayadan kay Kristine. Kung nandito lang si Kuya, sana dalawa kaming nagbabangon ng pamilya namin. Ayaw din naman atang iahon ni Papa ang pamilya namin, ang ikasal ako kay Kristine ang nag- iisang paraan para hindi kami magbayad ng pera.
Ang hirap.
I stared at her beautiful face. Walang kakupas- kupas, mas lalo nga siyang gumanda. Kahit tulog siya, ang ganda pa din. O baka naman ginayuma ako nito?
Ipinagihaw ko siya dahil alam kong paborito niya iyon. Siguro hindi na pero luto ko naman 'to. Proud akong magugustuhan niya ito.
Pero gumagawa ata ng paraan si Papa na hindi kami magkasama ni Joyce.
Days passed na hindi nila ako pinapaalis sa tabi ni Kristine. Pinapatulog na din ako sa loob ng kwarto nito pero wala naman akong balak na sundin sila. Natulog ako sa bahay nila pero hinding- hindi nila ako mapapatulog sa tabi nito.
Naaalala ko na lang ang dalawang gabi na kasama ko si Joyce.
Gusto ko na siyang makasama. Gustong- gusto ko na siyang mayakap pero hindi ko alam kung paano.
Umuwi ako sa bahay dahil maliligo ako at kukuha ng damit dahil hindi na naman ako tatanggapin ni Papa sa bahay dahil doon daw ako dapat kina Kristine.
Nakakagalit na siya pero wala naman talaga kaming magagawa. Susundin ko siya sa mga utos na hindi masasabi ni Joyce na pinagtataksilan ko siya. Mahal ko siya, ayaw kong gumawa ng dahilan na lalong magpapalabo sa amin pero ayaw ko din na suwayin si Papa dahil baka sa lansangan kami pulutin. Kahit na engineer na ako, walang tatanggap sa akin kung gusgusin ako.

BINABASA MO ANG
Shrinking Violet
Dla nastolatkówThere was a guy who needed help. He never reached out to his friends, and He depends on her about his mental state. One time, when he realized that he was already fine, he set his priorities away from her. Their time with each other got smaller and...