43

68 2 1
                                    

Sorry. Na- publish ko kanina ng hindi pa tapos.

•••••••••••••••••••••

I wore something casual. I took a deep breath and look at myself in the mirror. I look poor but what can I do? That's what I am.

Paano kung nando'n ang lalaking iyon?

Napatingin ako sa baba. Tutuloy ba ako? Kasi wala naman akong mapapala kung pumunta ako do'n. Ipapahiya ko lang ang sarili ko.

Mas wala naman akong mapapala kung mag- iintay ako ng milagro.

Umiling ako. "Ano ba?"

I think...

Kumatok ako sa kwarto namin. "Kristine.." walang sumagot sa loob ngunit sigurado akonh nandito siya. "Aalis na ako."

"Okay!" She shouted. I think she's in the comfort room.

Nilagpasan ko ang kwarto ko at bumaba na ng hagdan. My heart isn't ready but my mind keeps telling me to solve this problems.

I'm already a man, I can do this. Fck.

Para akong pumupusta sa kakampi na ayaw na lumaban. Para akong tanga na nakakapit sa kabilang dulo, nag- iintay na mapunta siya sa akin. Iyon pala, kumapit na sa ibang lubid. 'Yon pala binitawan na ako.

Paano ako nakakasiguro?

Kailangan ko siyang kausapin. Kailangan ko siyang tanungin. Kailangan namin linawin ang lahat sa amin.

Sana gusto din niyang maayos kami o kung hindi, sana ayos lang sa kaniyang kausapin ako.

Nag- commute na lang ako gamit ang natitira kong pera. Kung manghihiram ako ng sasakyan, kabastusan 'yon. Bakit ko dadalhin ang sasakyan ng tatay ng asawa ko sa bahay ng nobya ko.

Alam ko, hindi ko na siya girlfriend dahil may bago na siya at may asawa na ako pero hindi naman kami naghiwalay, hindi ba? 'Di ba hindi naman kami nag- break?

Kapit lang kahit pakiramdam ko wala na akong maisasalba.

Bumaba ako ng tricycle sa nilikuan noon ng sinasakyang kotse nina Joyce. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula. Siguro naman may nakakakilala sa kanila dito?

Ahh! Yung building!

Kaso wala na akong pera papunta do'n.

No choice. Magtatanong- tanong talaga.

Pagkatapos ng ilang tao na napagtanungan ko ay sa wakas, may nakapagturo ng tama.

"'Yang bahay na 'yan mismo."

"D'yan po sa maraming motor na nakaparada?"

"Oo. Bakit? Kaano- ano mo sila?"

"Wala po. May... May kakausapin lang po."

"Ala sige. Gusto mo bang samahan kita doon o kaya mo na?"

"Uhh..."

"Sige. Tara."

Sumusunod lang ako kay Ate. Kaedadan lang ata ito ni Mama.

"Ayy itong kasama ko ay may kakausapin daw diyan sa inyo. Sinamahan ko lang, nagtatanong 'to doon pa lang sa malayo e."

Tiningnan ko ang kausap ni Ate. Siya pa din pala ang kasambahay nina Joyce. Papapasukin kaya ako nito kahit kilala niyang ako ito?

"Sino bang kailangan mo, 'toy?" Ipinagpag nito sa suot niyang apron ang basa niyang kamay. "Ako laang kaya ang narito. Mag- iintay ka ga o tatawagan ko?"

Shrinking VioletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon