I woke up siguro dahil sa boses na nagtatalo sa may ulunan ko. Nandoon parte sa may pinto.I saw things that are all white, and no one is here for me. Maybe, clinic. First time ko lang dito e.
"Joyce?" Boses ni Maki
"Hoy?" Nakahiga pa din ako nakatingin sa kisame.
"Uwian na"
"Oo ge."
Ilang minuto pa siguro akong nakahiga bago mapagdesisyunan na umupo ako sa kama na hinihigaan ko at napatalon ng makita ko si Maki at JC sa may pinto.
They visited me? Or maybe they were just ordered to wake me.
"Kailan pa kayo nandyan?"
"Kanina pa." Sagot ni JC
"Ngayon lang" sagot naman ni Maki.
Tumango-tango ako. Nakita ko ang bag ko sa paanan ng kama kaya hinablot ko iyon at tumingala sa kanilang dalawa.
"Alis na ko."
"Okay ka na?" Tanong ni Maki.
"Hatid na kita" pagsabay ni JC sa tanong ni Maki.
"Ah.. oo" lingon ko kay Maki. "'Wag na ma-tricycle na lang" sagot ko kay JC. Tumalikod na ako sa kanila. "Salamat" nakatungo kong saad.
Nakalabas na ako ng gate ng school at lalampasan ko na sana ang pila ng tricycle kaso may humigit sa akin mula sa likod.
"Mag tricycle ka." Itinulak ako nito pasakay sa loob ng isang tricycle at sinabi ang address ng tinitirahan ko.
JC?
Bakit ba parang may pakialam siya. Kapag naman nafall ako hindi niya ako sasambutin. Ano ako kapatid? Maganda naman ako ng slight. Yung tipong hindi visible.
At. Omygad. Hapon na. Ang tagal kong tulog?!
I walked to my room and lie face down to my bed. I don't know what to think. I don't want to think.
Parang.. gusto ko sumaya para hindi ako makapag isip ng kung ano ano pero hindi din naman ako dinadapuan ng saya.
Well, maybe, my prediction was right. Makakasira nga ng relasyon ang larong iyon. O talagang, wala naman ako sa grupo nila at napagtanto nilang wala naman akong halaga.
"Joyce" dinig kong mahinang tawag ni papa kaya napalabas ako ng kwarto bigla. Nag-aalala na baka kung ano na ang nangyari.
"Pooo?" Nakatingin lang ako sa kaniya.
"May mga kaklase ka ata doon sa baba. Kung kayo'y may gagawin e doon na lamang kayo." Saad ni papa.
Nakatingin ako sa may hagdan namin at sinilip kung sino ang nandoon. Si JC na kalmado, ilang tropa niya, si Yona na mukhang napilitan, si Maiden at iba pa. Anong meron?
Bumalik ako sa kwarto ko at kinuha ang susi ng motor ko, phone, sweater at ribbon para sa buhok ko.
Nilagay ko iyon sa isang string bag maliban sa sweater na bitbit ko sa kaliwang kamay.
"Anong meron?" Tanong ko kay Yona.
Sa tuwing may grupo grupo na ganito, siya ang naghahandle. Naglalaban sila ni Kristine don. Iba kapag matalino, 'di ba?
'Di ba nga JC? Anong say na pinag-aagawan ka ng nag-aagawan din sa top. Hahahaha
Anyways. Sabi ni Yona, sinusundo lang nila ako dahil papunta sila sa kabilang subdivision.
"Anong ganap ko don?" Pagkakaalam ko wala namang nag-akit sa akin para sunduin ako ngayon.
"J-just join" nakakapagduda siya. "Hey guys! Tara na!" Akit niya sa iba. Sana hindi pagsegway sa usapan ang ginawa niyang iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/227169547-288-k766854.jpg)
BINABASA MO ANG
Shrinking Violet
Ficção AdolescenteThere was a guy who needed help. He never reached out to his friends, and He depends on her about his mental state. One time, when he realized that he was already fine, he set his priorities away from her. Their time with each other got smaller and...