Sorry kung may mali. Na umabot ako sa ganitong chapter na may typos at wrong grammar. Sorry talaga. Nahingi naman ako ng tulong kay google at kay 💘. Enjoy reading! Mwaa.
-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:-:
I shuddered at the memory of him kissing me... in front of her. That makes me feel special. What he did caused me to trust him again.
Is this still right?
I remembered how Kristine smile at us; It's genuine. Ibig sabihin ba magkaibigan lang talaga sila? What is she? An old girlfriend? A girl who is not yet confessing?
"Wala siyang nabanggit na babae sa akin simula ng mawala ka"
Sana nga ako lang.
Napatingin ako sa cellphone ko dahil sa pag- liwanag nito.
: [I need you]
I stared at it in a second and raise my left brow up. Kailangan ako?
Kinuha ko ang susi ng motor ni papa sa ibabaw ng center table at sumigaw ng "aalis po ako!"
Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya.
“Maki?” mahinang tinig niya. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at nakita ko si Chika. Malungkot na Chika.
“Chika? Anong nangyari?” nag- aalala kong tanong. Umiwas ito ng tingin sa akin at napansin ko ang nangingilid niyang mga luha.
“Joyce.. Bakit ka narito?” pag- angat ng tingi niya sa akin ay nakita kong dumaloy ang luha sa kaniyang mga mata. “Bakit ikaw?.. Nasaan ka ba?” nagsimula na siyang humagulhol at hindi ko na nanintindihan ang mga sumunod niyang sinabi.
Niyakap ko na lang siya at inakay papasok sa kaniyang kwarto. Pakiramdam ko ay may kinalaman ito sa kanilang dalawa ni Maki ngunit nagdududa ako dahil nakita ko kung gaano niya kamahal si Chika. Alam ko na matagal na kaming hindi nagkakasamang lahat ngunit sa mga mata ni Maki, kita kong seryoso siya.
Habang nakaupo sa dulo ng kama ni Chika ay ipinatong ko ang ulo niya sa balikat ko. Hinayaan kong iiyak niya sa akin ang lahat. Hindi niya man masabi sa akin ngayon, ang mahalaga kapag handa na siya may sasabihan siya. “Nandito lang ako, Chika.”
Lumipas ang minuto at huminahon na ito ngunit tulog na. Marahan ko siyang ihiniga sa kama at tiningnang mabuti. “Kung ano man ang problema mo, tawagan mo lang ako ha?” wika ko kahit malaki ang posibilidad na hindi naman ako nito maririnig.
Lumabas ako ng kwarto niya at dumiretso sa may kantong malapit sa bahay nina JC. Hindi ako doon nagpark ng motor dahil natanawan kong may nakaparadang sasakyan doon. Kung may tao, baka hindi ko din naman siya makausap.
Nakita kong lumabas si JC at Krisitine ng bahay nang nagtatawanan. Isinawalang bahala ko iyon. Pinunasan ko ang pisngi ko at huminga ng malalim. Kaya ‘to.
Nakita kong nagsipasok na ang ibang tao sa labas ng bahay nila at naiwan silang dalawa sa labas. Pumasok si Kristine sa kotse at tumungo ako para hindi nito makilala at para na din i-start ang motor. Pinaharurot ko iyon kaya naabutan ko pa si JC sa labas ng bahay nila.
“Sakay!” Pabulong kong sigaw.
Agad itong umangkas at gumewang ako sa una dahil sa bigat niya. Maling desisyon ata ang nagawa ko. Ang tanging hiling ko na lang ay maging sulit ito.
“Bakit mo ako kinidnap?” pabiro nitong tanong pagkadating namin sa mataas na bahagi ng bayan namin.
“Sumama ka, ‘di ba?” kunot- noo ko namang sagot na patanong. Tumawa ito sa naging sagot ko.

BINABASA MO ANG
Shrinking Violet
Ficção AdolescenteThere was a guy who needed help. He never reached out to his friends, and He depends on her about his mental state. One time, when he realized that he was already fine, he set his priorities away from her. Their time with each other got smaller and...