23

59 3 0
                                    


Nakahiga ako at nakatingin lang sa kisame ng kwarto ko. Binabalikan ko ang mga panahon na tinatago ko pa ang mga peklat sa pulso. Binabalikan ang mga ginawa ko ng mga panahon na walang wala ako.

I survived my high school life with no one. I'm one of the honored students. Then, I saw my papa with his teary eyes. I remember my self looking at JC. My papa was so proud of me. He was happy for me.

I was guilty for not saying them the truth. That I had suffer from anxiety before and was depressed after.

Am I really meant to be cheated?

"Anak" tawag sa akin ni Mama.

Tuluyan na itong pumasok sa kwarto ko at umupo sa tabi ko. Hinawakan nito ang pulso kong may peklat at idinikit sa pisngi niya.

"Joyce, may mga bagay na hindi dapat ipadala sa sakit at sama ng loob. May mga bagay naman kahit sobrang sama, naidadaan sa ngiti. Gusto kong sabihin sa'yo na nandito lang ako." Humarap ito at ngumiti ito ng maliit sa akin. " Alam ko na hindi naging maayos ang paghihiwalay niyo, gusto kong mag-usap kayo bukas. Joyce," ibinaba niya ang kamay ko at hinawakan ang pisngi ko. "Kahit gaano pa kasama ang araw mo, nandito lang ako para sa'yo lagi."

"Ma, may sinabi po ba siya sa inyo?" I cling myself to her arm

Tumango ito. "Gusto ko kayong pag usapin hindi lang para maging magnobyong muli kundi para magkaayos."

"Ma? Kaya ko ba?" Tuluyan na akong yumakap sa kaniya.

Niyakap niya ako pabalik at naluha na lang ako dahil 'ang swerte ko sa mama ko'.

After taking a shower, I heard my phone ringing.  It's JC. Sinagot ko ang tawag niya dahil naalala kong gusto nga pala ni mama na mag-usap kaming dalawa.

"Hello?"

"Joyce" tumibok ang puso ko. Iba pa din ang epekto niya sa akin. "Susunduin kita... Ah.. Joyce, usap tayo. "

Tumango kahit hindi niya kita. "Okay?"

Naputol na ang tawag at napatulala na lang ako sa cellphone ko. Paano ko siya kakausapin? Oo, mahal ko yun, pero-- ?!

Hays.

Alam ko may napagsamahan na kami at may kaunti pagka komportable sa kaniya pero ang tagal na naming hindi nag- uusap. Ang tagal ko ng nakipag- usap sa iba. Ni tumingin sa mata ng makakasalubong ko, hindi ko magawa.

Hays.

Nakasuot lang ako ng itim na sleeveless dress at white flat shoes. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero mas magandang maging desente.

Komportable nga ako sa shorts at sando, pero hindi naman ako sa kung saang kanto lang pupunta.

Nagpaalam ako kay ate na aalis kasama si JC dahil siya lang ang naabutan kong nasa 1st floor ng bahay.

Wala pa si JC kaya lumabas ako hanggang sa gate ng subdivision. Nakakahiya na nauna pa ako, dapat ba na bumalik ako sa bahay?

Hinampas ko ang binti ko dahil may langaw na padikit dikit sa akin. Pinagkrus ko ang kamay ko dahil kaunti na lang ay maiirita na ako sa tagal ni JC.

Nakailang hampas na din ako sa braso at hita ko dahil sa pangangati. Ang init pa.

Sa huli, umupo na lang ako sa tabing kalsada dahil ngalay na ako. Baka naman joke lang yun?

Chineck ko ang phone ko at wala naman akong na- receive na text na joke lang iyon. Nasaan ka na JC?

Nasaan ka na naman? Kung kailan kailangan na naman kita.

Shrinking VioletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon