10

65 3 0
                                    


I stayed in Lucena for 3 days. Habang si Mama at Papa ay nandoon pa din. Kailangan ko na daw pumasok dahil madami akong mamimiss na exam.

Okay na ngang hindi pumasok kaysa naman puro plastic ang kasama.

Naging mailap ako sa lahat. Tuwing recess, walang kasama. Napunta ako sa isang lugar na alam kong walang pupunta. Sa daan papunta doon sa gubat. I'm not scared.

Mas nakakatakot pa silang kasama kaysa magstay sa lugar na ito. Ayoko naman na magstay sa pinagdalahan sa akin ni Maki dahil baka pumunta sila doon o kaya ay mahuli ako ng punta sa school dahil hindi doon kinig ang bell.

I'm eating nothing. Dito na kasi ako nadiretso pagka recess. Hindi na ako nakikipagkita kanino man.

I feel alone. Can someone be with me?

"Hoy!"

"Ayy hoy!" Napatalon ako sa inuupuan ko. "Letse ka akala ko kung sino" hampas ko kay Maki.

"Ang lalim ng iniisip mo ah"

"Nalunod ka?"

"Ha? Hindi. Walang tubig dito"

"Ayy tanga" napa facepalm ako.

Umupo siya sa tabi ko pero hindi aabot sa magdidikit kami.

"Ba't nandito ka?" Tanong ko.

"Papunta sana ako doon sa tambayan. Doon sa pinagdalahan ko sa'yo, alala mo?" Tumango ako "Tinaguan kasi ako nung mga ugok."

"Kasama si Chika?"

"Ano pa man."

"Aahh"

"Joyce"

"O?"

"May nagugustuhan akong babae"

"Ahhh manghihingi ka ba ng advice? Sorry hindi ko agad nagets yung sa gc thing hahahaha"

"Ha? Hin--"

"Hoy! Anong ginagawa niyo dyan?" Tawag ni Chika. Kasunod nito ang iba pa nilang kabarkada. Pati si Leo, ex ko. Si Maki naman ay inis na nakatingin sa kanila.

"Bigla ka na lang nawala, Maki ah?" Saad ni Leo. Hindi ko alam pero anh awkward ng atmosphere sa amin.

Tumabi sa akin si Chika at nagkumpulan naman sa isang tabi ang mga lalaki, medyo malayo sa amin.

"Ano? Umamin na ba?" Tanong ni Chika.

"Ha? Anong aaminin? Ahhh yung crush niya?" Tumango- tango ito habang nakangiti.

"Anong sinabi? Pano inamin?"

"Ha? Hindi talaga kita gets. Nanghihingi siya ng advice--"

"Eehh?! Amputspang katorpe mo ga"

"Ako?"

"Hindi,si Maki. "

"Ano ba yun? Ikaw na magsabi"

"Hoy! Anong sinasabi mo may Joyce?" -Maki.

"Wala ah?" Sagot ni Chika.

"Pinag-uusapan niyo ako e!"

Tumawa lang ako sa kanilanh dalawa. Angcute nila e hahahha. Tumigil sila sa pagbabangayan at tumingin sa akin.

"What? Hahahaha" tanong ko. "Ang cute niyo kaseee hahahaha bagay kayooo" pang-aasar ko sa kanila. Sinundot ko pa sa tagiliran si Chika dahil yung mukha niya nakasambakol.

"Siya ba yung gusto mo, Maki?" Tanong ko. Umiling ito at binatukan si Chika bago bumalik na sa mga lalaki.

"Hoy, Joyce. Mali iniisip mo." Saad ni Chika.

Shrinking VioletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon