When I entered the classroom, I automatically went to my seat. Wala naman akong ibang mapupuntahan.Mahiwaga pa din para sa akin ang dahilan kung bakit napalayo ako sa kanila, sa mga kaibigan ko, maliban no'ng nakita ko silang magkakasama na wala ako. 'Di ba dapat ako ang magalit do'n?
Hays. Walang negative. Walang negative.
Tumingin ako sa bintana at napagtantong parelax relax lang ako pero maperform ako mamaya. Nilinga ko ang dating kapartner ni Chika na partner ko na ngayon, wala na naman.
Wala pa din si JC.
Baka late lang?
Gusto kong maging maayos kami ni JC. Nakalimutan ko na ang rason. Limot ko na.
"Kristine!!!" Sigaw ng isang kaklase ko na abot ata sa kabilang building.
P*ta.
Ba't ang init ng dugo ko do'n?
Late ata ang subject teacher namin o kaya kung papalarin sana absent. Habang naka- halumbaba akong nakatingin sa labas ay naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Hindi ko na lang ito pinansin at baka seatmate ko lang iyon.
Pero kinulbit ako.
Lumingon ako dito at si Aileen ang nakita ko. Nginitian ko ito at tinanong, "Bakit?"
"Wala lang kinakamusta lang kita. May nakinigan kasi ako kina Hanni na" lumapit ito sa tainga ko. "Naglaslas ka daw?!" Sigaw nitong pabulong
Umiling ako. "Hindi. Bakit?"
"Ahm. Nadugo kasi yung wrist mo e."
Napalingon ako sa wristband kong wala pala sa wrist ko. Kinabahan ako bigla at napalumod. Ibinulsa ko ang kamay ko at tumingin sa kaniya ng nakangiti.
"Baka nasadsad lang sa kung saan."
"Joyce. Okay ka lang ba talaga? Alam ko kakaunting tiwala na lang ang meron ako sa'yo pero pangako. Hindi ako galit o kung ano sa'yo. Hindi ko din nga alam kina Yona kung bakit--"
"Good afternoon, Sir!" Bati ng mga kaklase ko.
Nakatingin pa din ako kay Aileen at iniintay ang sasabihin niya. "Mamaya na lang, Joyce." At umalis na ito.
Pinakiramdaman ko ang kamay ko at wala naman akong nararamdaman na sakit. Ano ba itong nangyari. Bakit dumugo? O bakit may dugo?
Sa sobrang rush ko papunta kay JC nakalimutan ko pala wristband ko. Nakalimutan ko sarili ko.
Ngayon, anong ilalagay ko dito?
Ah! May extra wristband ako doon sa box na binigay ko sa adviser ko. Kumuha ako ng alcohol at bulak sa bag ko at ng pinapalabas na kami para pumunta sa likod nang room ay sa kabilang daan ako pumunta. Patungong faculty.
Nakita ko naman agad ang box ko sa tulong ng nakita kong faculty member ng school. Tumango at nag-thank you sa kaniya at iniwan na niya ako.
Kumuha ako ng panty liner at wristband. Dumiretso ako sa cr, nakabulsa pa din ang kamay ko.
Nilinisan ko ang wrist ko at itinapal ang oanty liner sa wristband ko. Para lang ito kung sakali ay dumugo pa. Baka dahil ito kanina no'ng muntik na akong masagasaan.
Normal akong naglakad papunta sa room. Tila walang performance na gagawin.
"Joyce! Ikaw na daw!" Sabi ni Maiden.
Tumingin ako sa teacher namin, kinukumpirma kung ako na ba talaga . Tumango ito.
Lumapit ako dito at sinabing wala akong kapartner. Sumagot ito ng huli na lang daw ako magperform dahil transferred out na daw ang partner ko. Ihahanap pa daw ako nito ng partner.
BINABASA MO ANG
Shrinking Violet
Teen FictionThere was a guy who needed help. He never reached out to his friends, and He depends on her about his mental state. One time, when he realized that he was already fine, he set his priorities away from her. Their time with each other got smaller and...