32

63 3 0
                                        

After celebrating my birthday with my family, I immediately get back to work. Hindi naman siguro pwedeng pa-jamming jamming lang 'di ba?

Pero masaya ako na nakapag relax sila kahit ilang araw lang.

I decided to visit Mama in her place. I'll help her since I know how to manage it. Since grade school, tinutulungan ko na siya at pagdating ng college ay kaya ko na itong patakbuhin ng hindi nakonsulta sa kaniya.

That's because I'm practical and studied about business.

I went to the bathroom first -- to change my outfit-- and then I walked out of the building. I rode in my motorcycle (yeps! MY motorcycle) and in an hour I'm at my destination.

"Hi Ma!" Niyakap ko siya at hinalikan sa noo.

"Dala mo ga ang motor mo?" Tanong niya.

"Opo" sagot ko habang ipinapatong ang gamit ko sa istanteng nakita ko. "Aangkas po ba kayo pauwi?" Tanong ko.

"Ayy oo. Wala pa si Papa mo e." Sagot niya.

Nginitian ko siya pagkatapos ay iniiwas ang tingin ko. She seems so stress free. I'm thankful.

I opened my phone and saw a text from him.

Boss
: [I think you need a vacation.]

Inialalay ko ang likod ko sa kahon ng mga delata at nag- isip ng irereply.

Joyce
: [Kakaleave ko lang, Boss.]

I was about to lock my phone but he sent a reply immediately.

Boss
: [ I don't mind. It's a gift. ]

"Si JC ba 'yan?" Tanong ni Auntie. I looked at her and smile. Tinutulungan din kasi niya si Mama sa business nito. 

"Hindi po" nginitian ko siya kahit may parte sa akin na napaismid dahil naalala ko na naman siya.

Tumango ito at umalis sa tabi ko. I looked my phone again.

Boss
: [It's free and you don't have to worry at your salary.]

Joyce
: [You don't have to do that Boss. I'll take a leave if I want to. Thank you]

It's time to close the shop so I put my phone on my bag and start helping them.

"Tingnan mo 'yong anak na iyon ni Gigi o"
"Accountant na iyan pero walang kaarte arte sa katawan"
"Ang gandang bata pati. Naku. Napakaswerte ng magiging nobyo"

Nginitian ko lang ang mga taong sinasabihan ako ng maganda at binabaliwala ang mga nagsasabi ng masasama.

Hindi naman nila ako pinag- aral kaya wala silang dapat na masabi sa akin. Tanging ang mga magulang ko, na naghirap na palakihin ako, ang pwedeng manlait sa akin.

Isinakbit ko ang bag ko sa aking balikat at pinaandar ang makina ng motorsiklo. "Tara na, Ma."

Ligtas kaming nakauwi sa bahay. Nagmano ako kay Papa at kinawayan ang kasambahay namin.

Dumiretso ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Pakiramdam ko ay nakapahinga ang likod ko. Hindi ko alam kung pagod ako sa kakatrabaho o pagod ako dahil ngumingiti lang ako sa harap ng tao.

Masaya naman ako na hindi na ako napapagustong maging mag- isa na naman. I look at my phone. May text na naman si Boss pero ayaw ko na itong replyan.

Text mula sa kaniya ang gusto kong matanggap.

Wala e. Busy sa iba.

Kristine.

Bakit simula pa dati ikaw na ang kasama niya. Dati pa lang, noong girlfriend mo pa ako, pinili mo siya kaysa sa akin. Ngayon naman nililigawan mo na ako ulit, para ka namang multong naglaho bigla.

Shrinking VioletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon