15

45 3 0
                                    


"Mama. Sinagot ko na po si JC"

Lumingon sa akin si Mama. Namasa ang mata nito at niyakap ako. "Dalaga na ang bunso ko."

"Okay lang po sa inyo? Hindi niyo po ako papagalitan?"

Kumalas siya sa yakap at tiningnan ako. "Bakit naman? Alam ko naman na sasaya ka sa kaniya. Basta, pagbubutihin mo ang pag-aaral mo ha. Ayaw kong maging dahilan yan ng pagbaba mo."

Tumango ako dito. "Thank you, Ma" Niyakap ko ito. Isiniksik ko ang noo ko sa leeg niya.

"Mmm. Anong meron dito at kayo'y nagyayakapan?" Sabat ni papa.

Hindi ko pa alam kung paano sasabihin sa kaniya kaya lumingon ako kay mama para humingi ng tulong. Ngumiti ito sa akin at tumayo. May ibinulong ito kay papa na ikinasimangot niya.

"Sinagot mo 'yun? Eh mas magandang lalaki naman ako don! Madami pang lalaki dyan, magtapos ka muna." Sabay walk out nito.

Kinunotan ko ng noo si Mama. Tinatanongkung bakit ganoon ang inakto ni Papa. "Nagseselos lang 'yon. May iba ng mag-aalaga sa baby niya e."

Ngumiti ako at nagpaalam kay Mama na pupuntahan ko si Papa.

"Pa." Tawag ko. Tumabi ako ng upo sa kaniya sa hagdan.

"Makipaghiwalay ka don"

"Akala ko ba Pa susuportahan mo ako?"

"Eh paano naman 'pag sinaktan ka?"

"Edi bugbugin niyo" sabay tawa ko.

Inakbayan ako ni Papa ang isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. "Ayoko lang na baka makahadlang yan sa pag-aaral mo. Gusto ka naming magtapos ni Mama mo at kung kaya namin ay suportahan ka sa lahat ng gusto mo. Ikaw ang sasambot ng lahat ng mayroon kami ngayon." Bumuntong-hininga ito at tinagkal ang akbay sa akin. "'Wag kang magpapabuntis ha! Kailangan may trabaho na kayong dalawa bago--"

"Papa naman" ngumuso ako. "Magc college pa lang ako oh!"

"Eh 'yun na nga. Siguraduhin mong aasawahin ka niyan at hindi pang-gelpren lang."

"May balak akong pakasalan ka"

I smiled ng maalala ko ang sinabi ni JC 2 months ago. "Opo" tango ko.

5:12 PM

I went to my room and check my phone.

JC
: Bb wer r u

Joyce
:Anong basa dyan? Joke HAHAHA.

Joyce
:Sinabi ko na sa kanila.

JC
: Where are you kasiiiiiii!

JC
: Alin?

Joyce
: Bahay.

Joyce
: Na Bf kita.

JC
: Hala ka!

JC
: Ako pala!

JC
: Hala susugudin ba ako dito?

JC
: Joyce nasaan si Papa!?

Joyce
:Maka-papa? Lintek ka talaga😂

JC
: Hehe. I love you Bb!

Joyce
: Ilytoo💚

JC
: Ayy. Ayoko niyan dapat buo😗

Shrinking VioletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon