Kinuha ko ang cellphone ko at ihinarap sa akin. Nagtext si Chika.
Tumayo ako at tiningnan kung anong magandang isuot ngayong kaarawan niya.
Nandoon din siguro si JC, ano?
Simpleng t-shirt na lang kaya? Pero baka bongga 'yon. Si Chika pa. At baka makita ako ni JC--
Ano ba? Ba't puro JC?
I sighed. I don't know if it's because I'm thinking of JC again and again or I can't pick what to wear. At the end, I let my cousin choose what I would wear.
I am wearing a cow neck silk satin camisole while looking for Chika in their big house. Hindi sila ganoong kayaman kung ibabase sa pera ngunit mayaman sila sa mga taong totoo sa kanila kaya ang daming tao dito ngayong kaarawan niya.
Ayaw ko namang umupo na lang sa isang gilid ng mag- isa at mag- intay na ito ang lumapit sa akin. Hindi nga yata nito alam na nandito na ako.
Ang babaeng iyon, pinapunta punta pa ako dito, hindi naman pala ako sasalubungin sa gate.
"Miss Ganda!"
Napalingon ako dahil may kumalabit sa akin. Itinuturo ang matatangkad at mga morenang babae na nakangiti sa akin. Nginitian ko din sila pabalik at tinanong kung bakit nila ako tinatawag.
"Kanina ka pa naming napapansin na paikot- ikot. Kami ang nahihilo sa iyo." Tawa ng isang babae.
"Sino ba ang hinahanap mo?" Ang ganda nila tingnan. Parang ang babait, pero alam kong mas matanda sila sa akin.
"Si--" naputol ang sasabihin ko dahil nagsalita ang isa pa nilang kasama.
"Kaibigan yata iyan ni Chika." Tumango ako. "Nasaan na nga ba 'yon? Hindi na tayo dinalhan ng laklakin e" tawa ng isa pa nilang kasama.
"Hinahanap ko din po siya e. Sabihin ko na lang po na hanap niyo din siya kapag nakasalubonh ko" ngumiti ako at tumango sa kanila bago sila tinalukuran.
Gusto ko pa silang makasama, ang saya nila kasama.
Teka, nawala na sa isip ko na hinahanap ko si Chika! Lumingon ako sa kanan, nandoon ang mga nag iinumang lalaki. Lumingon ako sa kaliwa, nakita ko ang mga kabatch ko ng highschool.
Paano kung nandito si JC, hindi ba? Anong gagawin ko? Iikot- ikot ba na kunwari hangin kasi ganoon naman niya ako trinato no'ng minsan?
Pero wala namang tumawag sa akin kahit nakita na nila ako. Ngumiti ako ng maliit. Masaya ako para kay Chika. Madami siyang kaibigan. Sana nga lang ay lahat tunay sa kaniya.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at huminto ng manakit na ang paa ko. I got stressed. Hindi ko pa din nakikita ang magaling na birthday girl. Iniisip ko na lang tuloy na umuwi. Wala naman ata akong napapala dito.
"Aw.." napahawak ako sa balikat ko dahil may bumangga sa aking matigas na bagay. Tumingin ako sa kaliwa ko.
"Sorry.. sorry." Wika ng lalaking nakabangga sa akin at tumalikod na. May hinahabol ata ito.
Humarap na ako sa kanina kong direksyon at napaisip. Saan na ako pupunta ngayon?
"Joyceee!!" Patiling tawag sa akin ni Chika. Sa wakas.
"Happy Birthday" bati ko pagkalapit pa lamang niya. Niyakap niya ako at sinuring akong mabuti.
"Ang sexy mo d'yan" inirapan ko siya sa sinabi niya at ibinigay ang regalo ko sa kaniya.
"Lagi akong sexy" tiningnan niya ako na tila nandidiri at napailing. Hinila niya na lamang ako papuntang kusina ng bahay nila at pinakain.
Tinabihan niya ako habang nakain ako. Napaisip ako na baka kailangan din siya ng iba niyang bisita.
BINABASA MO ANG
Shrinking Violet
Novela JuvenilThere was a guy who needed help. He never reached out to his friends, and He depends on her about his mental state. One time, when he realized that he was already fine, he set his priorities away from her. Their time with each other got smaller and...